KABANATA 32

2.3K 36 0
                                    

Hindi ko akalaing malakas pala uminom nang alak si rafaela. Naubos na niya ang isang bucket samantalang hindi ko pa nauubos ang isang bote nang redhorse. Samantalang si andrew naman ay nakaka dalawa o tatlo na ata.

Ang pula na din nang mukha niya at dumoble narin ang pagiging madaldal niya. Paulit ulit na rin ang mga sinasabi niya, hindi sigurado kong lasing na ba siya o ano.

Lumipas pa ang ilang oras at tinatamaan na rin ako nang alak. Hindi ko alam kong nakailang bucket na kami.

"Knock out."natatawang sabi ni andrew habang nakatingin kay rafaela na nakapatong na ang ulo sa lamesa. Ang ingay na nang paligid, lalo na at may banda sa stage at ang ilan naman ay nakikisabay pa sa pagkanta.

"Let's go home."pag aaya ko at itinaas ang kamay para lumapit ang waitress saamin. Kaagad akong nanghingi nang bill out. It's already late at baka hinihintay na ako ni senior keens sa condo, lalo na at hindi ito nag titext o tumatawag saakin.

I told andrew na ako na ang magbabayad. Pero ayaw niyang pumayag kaya naghati nalang kami."Ihatid mo na si rafaela. She's wasted."sabi ko.

"Paano ka?"tanong ni andrew."Ihahatid ko nalang muna si raf tapos balikan kita dito."pagpapatuloy niya.

Kaagad akong umiling."Hindi na, magtataxi nalang ako."sabi ko naman.

"Ihahatid muna kita sa sakayan nang taxi."

"Hindi na nga."

"Kailangan kong picturan ang plate number nang taxi, paano kong hindi ka makauwi sa inyo?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Minsan talaga nakakairita ang pagiging makulit ni andrew.

"Or hindi na?"sabi niya habang nakatingin sa likurang bahagi ko. Kaya wala sa sariling lumingon din ako sa likod. Kaagad kong nakita si senior keens na papalapit. Blangko ang mukha niya.

"Done?"malamig na tanong niya. Napakamot ako sa leeg. What is he doing here? bakit ganyan parin ang suot niya? Napatingin ako sa sasakyan niyang pinagparkingan niya kanina.

Hindi ba siya umuwi?

"Mauuna na kami."paalam ni andrew habang inaalalayan si rafaela papunta sa motor neto. Pinanood ko kong paano naglagay nang tali si andrew sa baywang ni raf at itinali rin sa baywang niya. Gising naman si rafaela pero halatang wala ito sa sarili.

Para saan ang tali? para hindi malaglag si rafaela?

"Ingat."sabi ko nang dumaan sila sa harapan namin. Nang maiwan ay saka ko muli nilingon si senior keens na may masamang tingin saakin.

"Bakit nandito ka?"takang tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at naunang maglakad. Kaagad naman akong sumunod."Hindi ka ba umuwi?"tanong ko ulit nang makasakay nang kotse. Padabog niyang isinara ang pintuan nang sasakyan niya.

Tumaas ang kilay ko. What's wrong with him?

"May problema ba?"marahang tanong ko. Ayokong mag away kami. Kaya mas mabuting mag ingat ako sa sasabihin ko.

"You didn't invite me."sagot naman niya at pinaandar ang sasakyan. Napakurap kurap ako sa sinabi niya.

Napaayos ako nang upo."Akala ko umuwi ka na."nahihiyang sabi ko.

Naghintay siya nang ilang oras? Naguilty tuloy ako.

"Tsk. Bakit naman ako uuwi kong nasa labas ka pa?"parang naiinis na sabi niya at binilisan ang pagpapatakbo.

"Edi sana pumasok ka nalang-"

"Paano ako papasok kong hindi naman ako invited!"napataas ang boses niya. Gulat na napatingin ako sa kanya."Do you think im shameless enough na basta basta nalang makiki join kahit hindi invited?"pagpapaptuloy niya.

"I-im sorry.."mahinang sabi ko. Kahit ako rin naman ay hindi makikijoin kong hindi invited.

Bahagyang bumagal ang pagpapatakbo niya sa sasakyan."Im sorry for raising my voice. "tila mas kalmadong sabi niya at hinawakan ang nanlalamig kong kamay. Kaagad ko namang naramdaman ang mainit niyang palad.

Hanggang sa makarating kami sa condo niya ay hindi kami nag uusap.

"June look at me."sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Niluwagan niya ang necktie na suot."Im sorry for getting mad at you earlier.. i really don't mind waiting at you outside. Naiinis lang ako dahil nahahaluan nang iba ang amoy mo."marahang sabi niya habang nakahawak ang palad niya sa pisngi ko.

"Amoy ko?"nagtatakang tanong ko."Do i stink right now?"

"Yeah. I prefer my scent on you. So go and take a shower."

So i stink?

Unti unting nag init ang mukha ko."Alright. I almost forgot, may pinapabigay nga pala si sir hussain sa iyo."sabi ko at inilabas ang USB sa pocket nang bag ko at ibinigay sa kanya, napatingin siya don."At ang sabi niya rin huwag mo daw siyang ignorahin."sabi ko habang naglalakad papuntang ikalawang palapag.

Kaagad akong nagshower nang makapasok sa kwarto. Kaagad akong humiga sa kama nang matapos magblower nang buhok.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Kaagad kong nakita si senior keens na pumasok."Can i sleep here?"tanong niya habang naglalakad papunta sa kabilang gilid nang kama.

Pinagkunutan ko siya nang noo. Kahit naman alam kong hindi niya nakikita dahil nakapatay na ang ilaw.

"Yeah sure."sagot ko naman at bahagyang umurong para mabigyan siya nang sapat na space. Naramdaman ko ang bahagyang paglubog nang kama. Nang tuluyang magadjust ang paningin ko sa dilim ay nilingon ko siya. Nakita kong nakatagilid siya paharap saakin kaya ginaya ko ang posisyon niya.

Kalmado ang damdamin ko habang nakapikit. Pinapakiramdaman ang kamay niyang nahanap ang kamay ko sa dimin.

"Have you think about it?"halos pabulong na sabi niya.

"About what?"kaagad na tanong ko. Naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw. Ngayon naman ay ramdam na ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa noo ko.

"About what i said to you before."

"Hmm? And that is?"

"About marrying me."

Doon na ako napamulat nang marinig iyon. Ang kaninang kalmadong puso ay unti unting nagwawala. Pakiramdam ko ay nawala ang alak sa katawan ko at buhay na buhay ako.

"H-huh? hindi bat parang ang aga naman ata para pag usapan ang bagay na iyan?"kinakabahang sabi ko.

"We're old enough at bakit pa natin papatagalin kong doon din naman ang bagsak natin, don't tell me you're not thinking of our future?"tila naaalertong sabi niya, naramdaman ko rin ang bahagyang paghigpit nang hawak niya sa kamay ko.

Hindi ako nakasagot dahil tama ang sinasabi niya. Hindi pa pumapasok sa isip ko ang bagay na iyan. At bukod pa don, 21 pa lang ako at 23 pa lang siya. Masyado naman ata siyang nagmamadali? Nabanggit nga niya ito dati pero binaliwala ko lang dahil akala ko nasabi niya lang iyon dahil sa sitwasyon namin nang mga oras na iyon.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo, senior keens?"tanong ko at napaupo.

"So you're not thinking about us? about our future?"

"Yes. I mean, it's too early for that. You know my priorty right now ay makapagtapos nang pag aaral, right?"

"Hindi naman makakaabala ang pagpapakasal natin sa pag aaral mo."

Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Hindi niya ako naiintindihan? At tsaka yan din ang sinabi niya saakin noong niyayaya niya akong maging girlfriend.

"I can't marry you hanggat hindi pa ako makakapagtapos nang college, keens."naiinis na sabi ko.

Natigilan ako nang mahina itong tumawa."Alright. Let's get married two years from now on. Promise me."

Unti unting kumalma ang puso ko at muling nahiga. Kaagad naman niyang ipinulupot ang kamay niya sa baywang ko para sa yakap. Kaagad kong naamoy ang pamilyar na amoy ni senior keens kaya napapikit ako.

"Promise me, june."paguulit niya.

Marahan akong huminga at niyakap narin siya."I promise."mahinang sabi ko.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon