Napansin ata ni keens na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin narin ito saakin. Nang magtama ang paningin namin ay kaagad siyang Ngumiti.
"Do you like the food?"tanong niya na para bang hindi niya napapansin ang tensyon sa pagitan nang magulang niya.
"Yes. You never told me about your mom being the director of our school, keens. This is so embarrassing."
"It's not important."kaagad na tugod niya. Kumunot ang noo ko, what do you mean by that? it is important! I feel so stupid. I know nothing about his family or his background.
"Don't say that, senior keens."mahinang sabi ko. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit nang hawak niya sa kamay ko.
"And why is that?"
Mariin kong Nakagat ang labi ko para pigilan ang sariling huwag magsalita at ipaliwanag sa kanya ang kahalagahan non para saakin.
"June, puwede mo ba akong samahan sa powder room?"rinig kong sabi ni mrs salvadore kaya naputol ang titigan namin ni keens. "Can I, keens?"nakangiting tanong ni mrs salvadore at nilingon ang anak.
Saglit na nagtitigan ang mag ina bago ako nilingon ni keens."Don't say unnecessary things, mom."nakangiti namang tugon ni keens bago bitawan ang kamay ko.
"How rude."natatawang sabi ni mrs salvadore bago ako nilingon, "Please excuse us gentlemen."marahang sabi nito at tumayo, kaya napatayo narin ako. Nagpaalam narin ako sa kanila at kaagad na sumunod kay madame.
Alam ko na kaagad na gusto akong makausap ni mrs salvadore, hindi ko alam kong bakit kalmado ang pakiramdam ko sa kanya, maybe she reminds me of my mother. Pinanood ko ang marahan ngunit elegante niyang paglalakad. Nakasuot ito nang itim na dress katulad ko.
Pumasok kami sa isang kwarto, agad napagtantong hindi sa powder room ang punta namin kundi sa isang bar. Napansin ko ding walang katao tao dito bukod sa bartender.
Umupo siya sa isang stool at ganon din ang ginawa ko. Kaagad na naglapag ang bartender nang isang bote ng wine at dalawang wine glass na para bang alam niyang iyon ang oorderin ni madame. Nang matapos Salinan ay kaagad na lumayo ang bartender.
Napatingin ako sa glass wine na nasa harap ko.
"I never saw him smile that way before."rinig kong sabi ni mrs salvadore. "Im jealous of you, june."
Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa hawak na wine. "Don't be madame-"
"You can call me, mom. If it is okay for you?"nakangising sabi niya at nilingon ako."I always want a daughter.. but god gave me a son. Tapos nagmana pa sa tatay niya."tila sarkastikong sabi niya at itinaas ang hawak na glass wine at ininom ito nang isang lagukan.
Napangiti ako at uminom narin sa sariling wine. Kaagad kong naramdaman ang init sa lalamunan ko. Kaagad kong napagtanto na mataas ang alcohol content neto. Pero bakit pagdating sa kanya ay parang umiinom lang siya nang tubig?
"He's indifferent when it comes to us.. he's not really like that before, he is a very sweet boy. He changed when his twin brother died."saka muling uminom.
Napakurap kurap ako. Brother? may kapatid siya? pero ang sabi niya saakin ay nag iisang anak lang siya.
"Im sorry for you loss, Ive lost a loved one before and can understand what you may be feeling, m-mom."tila sincere na sabi ko. It feels weird. When you call someone who isn't your mother a mom. Napalingon siya saakin at kaagad na pumungay ang mata.
"Like what you said earlier, it's all in the past now."marahang sabi niya at muling uminom, kaya napainom narin ako. I want to ask her about the twin bother who died and what is the cause of the death, but I feel like i'll crossed the line lalo na at hindi pa kami gaanong close nito.
May Saglit na katahimikan sa pagitan namin bago ako nag salita."I have met senior keens last year. Bihira lang kami mag usap, at kapag nag uusap pa kami ay tungkol pa sa activities. But one day, he talk to me. Im confuse at first, because we really never talk outside university."Simula ko at uminom. Napangiti pa ako nang maalala ang araw na iyon.
"He is so kind to me, always helping me. Palagi siyang nandyan kapag Kailangan ko siya, nandyan pa rin siya kahit hindi ko siya Kailangan."I chuckled habang nakatingin sa glass wine kong may laman nanaman.
"I feel like he know a lot about me.. but I know nothing about him.. it makes me sad. Gusto ko siyang unang magkuwento saakin-"hindi ko natuloy ang sasabihin nang mapansin ang mga pinagsasabi.
Masyado na atang naparami ang inom ko dahil ang daldal ko na.
Kaagad na nag init ang mukha ko nang mapansing nakatingin saakin si madame."I understand you, june. I wish he could open up to me too, to his mother. Ugh.. Just like father like a son. Hindi rin talaga nagkukwento ang asawa ko kung hindi ko siya tatanungin. Its better if you ask him first, if you want to know something."ngingisi ngising sabi niya at muling uminom.
I chuckled at napatingin sa paubos nang wine. I think we spent to much time here. Baka hinahanap na kami.
"I like you ija, I hope you wont changed."sabi niya. Hindi ito nakangiti at mahihimigan ang kaseryosohan sa boses niya.
Kahit naguguluhang ay Ngumiti ako."Ofcoures."
"From listening to you right now, mukha ngang hindi mo pa alam. Will you promise me about something?"
"About something?"
"Will you promise me that no matter what you hear or know about keens, you wont leave or hurt him? He suffered enough. I hope you understand me ija."nakangiting sabi niya pero sa paraan nang pagtingin niya saakin ay kakaiba.
It's giving me goosebumps.
Napatingin ako sa kamay kong unti unting nanlalamig, hindi ko alam ang gusto niyang ipahiwatig, pakiramdam ko may mas malalim pa itong kahulugan.
"I am not perfect and I cannot promise you na hindi ko siya masasaktan, i'm still immature and I cant tell what will happened in the future. But No matter what happens ill try to understand him. I am sorry."marahang sabi ko at nilingon ito nang hindi siya magsalita.
Kaagad akong nataranta nang mapansing may luhang pumatak mula sa mga mata niya. Nakangiti niyang pinunasan ang luha at umalis sa pagkakaupo."Let's go, they must be looking for us."sabi niya at naunang naglakad, kaagad naman akong sumunod. Muntikan pa akong matumba dahil naramdaman ko ang tama nang wine.
"Madame, I didn't mean to-"
"Im tipsy and being emotional, dont tell them about me crying okay?"sabi niya habang hindi ako tinitignan."Please go inside first, pupunta lang ako sa powder room to freshen up."
"For real this time?"tanong ko.
Bahagya niya akong nilingon at matamis na Ngumiti. Bahagya akong natigilan nang makita ang pamilyar na ngiti ni keens kay madame salvadore.
"For real this time."sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)