I really don't mind kung pumasok man si Benjie sa café. Yes, I admit na Ayoko itong nakikita dito pero wala naman akong karapatan dahil customer ito at nagtatrabaho lang naman ako dito. It's my job to serve them. O baka masyado nanaman akong assuming kaya iniisip ko na ang lahat ng nangyayari ay tungkol saakin?
Hindi naman siguro basta basta mag baban si sir Hussain dahil sa maliit na bagay na iyon. O baka kilala ni boss si Benjie at may nagawa ito sa kanya? Hindi ko alam.
But deep inside, nakahinga ako nang maluwang. It's been a week when that happen at hindi ko pa nakukwento kay senior ang tungkol doon.
Hindi pa nangangalahati ang araw pero ang dami nang pumasok, nagulat pa nga ako nang mapansin ang pag pasok ni senior, but he's not alone. May kasama siyang dalawang lalaking mga nakacorporate shirt din at isang babae. Na sa tingin ko ay mga katrabaho niya.
They all look well and matured. Pinagmamasdam ko sila habang nakapila, may nauna pa kasing dalawang customer bago sila. Unang beses na nagdala nang kaibigan si senior kaya medyo na curious ako. Halos katangkaran lang din ni senior ang dalawang lalaki hanggang sa lumipat ang tingin ko sa babaeng napapagitnaan nong dalawang lalaki. Nasa unahan naman si senior keens.
"Good afternoon, sir."nakangiting bati ko kay senior nang siya na ang nasa harap ko. Saglit na nagtama ang paningin namin, kaagad kong iniwas ang tingin at Tumingin sa kasama niya, kaya napatingin din siya sa tinitignan ko. Narinig ko itong nagtanong kong ano ang oorderin nila.
"I wonder why you always go to this café, is it because of the coffee o may ibang dahilan?"rinig kong tanong nong nasa likuran ni senior.
"Stop teasing, Mr. Salvadore, ivon."rinig kong sita nong babae.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa, nang mapansing nakatayo parin sila sa may counter, nakangiti kong sinabi na they can sit first at dadalhin nalang ang order sa kanila ni Andrew. Umalis naman ang tatlo at nanatili si senior sa may counter, Mabuti nalang at walang customer na nakasunod kaya hindi siya nakakaabala.
Hindi ko siya makausap dahil busy ako sa paggawa nang mga pending na order. Nang matapos ay hinugasan ko ang kamay ko bago nilingon si senior na nakatayo parin. Naguguluhang tinignan ko siya. Nang magtama ang paningin namin ay kaagad itong Ngumiti.
"Tired?"tanong niya habang nagpupunas ako nang kamay.
"No.. im fine. Collegue?"pagtutukoy ko don sa mga kasama niya at nilingon kong saan nakaupo ang mga ito. Hindi naman ito nakatingin sa banda namin, hindi ba sila nagtataka kong bakit nakatayo parin sa harap nang counter si senior?
"Not really? theyre just curious where I buy my coffee every morning. You don't mind, right?"tanong niya at Tumingin sa paligid.
Not really? anong ibig sabihin niya non?
I chucked."I don't mind. Why don't you join them?"sagot ko naman. Bahagyang Kumunot ang noo niya.
"Alright?"tila di pa siguradong sabi niya bago ako nilingon at naglakad papunta doon sa pwesto nang mga kasama niya. Naiiling na nagpunas punas ako.
"I'm sorry, i'm late."natatarantang sabi ni Rafaela nang makapasok nang counter."Ang daming tao ngayon ah."pagpapatuloy niya. Napatigil ako sa pagpupunas at tuluyan nang nilingon ang bagong pasok. Siya si Rafaela, siya ang papalit saakin dito kapag nagresign ako next week. Kailangan ko na kasing maghanda para sa susunod na pasok. Kailangan ko nang mag aral at mag book nang subject para sa susunod na semester.
Ito ang unang araw niya, halos nawala sa isip ko na may papasok nga pala ngayong araw dahil sa sobrang busy.
"It's okay, mga food lang naman ang pending."sabi ko habang tinatanggal ang apron sa baywang. Lunch break ko na kasi.
"Sige, thank you," nakangiting sabi niya at lumingon sa paligid."Sino iyong mga nakablack and white sa dulo? ang gagwapo ah."ngingiti ngiting sabi niya. napatingin naman ako sa tinitignan niya at kaagad napansing ang grupo ni senior keens ang tinitignan niya.
"Ah, si senior keens iyong nakasuot nang white sleeves, kaibigan ni sir Hussain, regular yan dito. Tapos iyong mga kasama niya mga kawork niya ata?"sabi ko habang nakatingin padin kay senior, kausap niya ang isa sa mga lalaki. Napaiwas ako nang tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Sino don? dalawa ang nakaputing longsleeve ah."tila naguguluhan pa ding tanong.
"Basta iyong pinakagwapo sa kanila."sagot ko naman.
"Iyong may balbas?"
Kumunot ang noo ko. Wala namang balbas si senior kaya ibinalik ko ang tingin don. "Walang balbas si senior-"napatigil ako sa sasabihin nang maisip na iba ang tinutukoy ko sa sinasabi niya. Unti unting uminit ang mukha ko at nag iwas nang tingin. Nang mapansin ko ang nakakalokong ngiti ni Rafaela ay kaagad akong nagpaalam na magbibreak muna ako.
Kaagad akong dumaretsu sa locker room para magpalit nang damit. I mimeet ko kasi john, sasamahan niya akong tignan ang apartment na sinasabi niya. Lumabas ako mula sa likuran, Kailangan kong bilisan dahil isang oras lang ang breaktime ko. Ngayon lang ako nagkaroon nang oras dahil hindi naman pwede kapag gabi dahil susunduin ako ni senior keens. Ayoko namang makaabala.
"Kung ganon, san ka nakatira ngayon kong may problema sa apartment mo?"tanong ni john.
Bahagya akong natigilan sa tanongniya. Hindi niya kasi alam na may boyfriend na ako. Ayokong sabihin dahil baka makarating kay mama. Hindi naman sa nililihim ko ang relasyon namin ni senior. Hindi pa kasi ako gaanong handa na ipakilala siya sa pamilya ko.
"Sa kaibigan ko-"
"huh? may kaibigan ka?"pagpuputol na tanong niya saakin. Masama ko itong tinignan kaya napatigil ito sa pang aasar saakin.
Napatigil ako sa paglalakad nang Tumigil din siya. Nandito na kami ngayon sa loob ng isang subdivision. Napatingin ako sa isang bahay na tinitignan ni john. Isa itong malaking bahay namay dalawang palapag, halatang kakagawa lang nang bahay.
"Ang sabi ko apartment hindi bahay, john."sabi ko sa kanya at sinundan parin ito papasok sa loob. Nagtatakang tinignan ko siya dahil hawak na niya ang susi habang binubuksan ang front gate."John.. teka.. talaga bang tama ang napuntahan natin?"pagpapatuloy ko at humawak sa damit niya para pigilan ito sa tuluyang pagpasok.
"The truth is.. I lied about the apartment."tila naiilang na sabi ni john nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Kumunot ang noo ko."This house is yours."
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)