Halos hindi na kami gaanong nag uusap nang mga staff dahil sunod sunod ang pasok nang mga customer. Nagulat pa nga ako nang may mga regular customer na nangangamusta saakin, mga nagtatanong kong bakit ilang araw daw akong wala dito sa cafe.
I wonder if they'll miss me if im gone?
Kahit na air conditioned naman ang cafe ay pinagpapawisan ako. Malapit na ang uwian nang makaramdam ako nang kakaiba sa ibabang parte, kaagad akong nagpaalam na mag ccr lang ako. And then i found out na kabuwanan ko na pala.
Nanghingi pa ako nang napkin kay rafaela dahil wala akong extra na dala. Kaya siguro masyado akong iritable netong mga nakaraang araw. Tapos nagkaroon pa ako nang fatigue, isa sa mga symstoms nang mga magreregla.
Akala ko nagka fatigue ako dahil sa pagod. Pagod sa sex na ginawa namin ni senior.
Unti unting nag init ang mukha ko sa iniisip. Bakit ba bigla ko nanaman naalala ang nangyari saamin.
"Inom tayo, libre ko."pang aaya ni rafaela nang makalabas kami nang cafe, kakasara lang namin."Diba magandang iinom kapag may regla para lumakas ang daloy?"pagpapatuloy niya."At tsaka nakakawala nang sakit nang puson ang alak."
I feel fine, hindi rin masakit ang puson ko. Baka gusto niya lang talaga nang kasama kaya nag aaya siya?
"Ang bunganga mo naman."reklamo ni andrew na nasa tabi ko.
"Oh bakit? parang ngayon ka lang nakarinig nang babaeng nireregla ah, nireregla din ang mama mo."mataray na sagot nito.
"Hindi naman sa ganon, hindi ka ba nahihiya sa mga sinsabi mo? Lalaki ako at naririnig ko ang pinag uusapan niyo."
"Huh? lalaki ka ba?"ngingisi ngising sabi ni rafaela.
Nakita ko ang masamang tingin ni andrew kay rafaela."Hinahamon mo ba ako?"tila makahulugang sabi niya.
"Ah sorry, hindi ako pumapatol sa bata."natatawang sabi niya. "May alam akong malapit na bar dito, mga 15 minutes lang ang layo kung magjijeep tayo. Tara na baka wala tayong maupuan."sabi ni raf at naunang maglakad.
Napatingin ako sa kanilang naunang maglakad. Kaagad kong kinuha nag cellphone at magcocompose sana nang text kay senior nang biglang lumitaw ang pangalan niya sa screen nang cellphone ko. Kaagad ko naman itong sinagot.
"Hi."bati ko sa kabilang linya.
"Hey, im around the corner." sagot naman niya.
"Ah.. senior keens. Nag aaya si rafaela na mag bar."
"And? you want to come with her?"kaagad na tanong niya.
Napalingon ako kela Rafaela at andrew na huminto di kalayuan, nakatingin sa kinakatayuan ko.
"Yes, so you can go home first."sabi ko naman at nagsimula naring maglakad papunta sa kinakatayuan nila.
May mahabang katahimikan sa kabilang linya, napatingin pa ako sa screen nang cellphone, akala ko nakapatay na, hindi pa pala. Muli kong inilagay ang cellphone sa tainga.
"Senior-"hindi ko natapos ang sasabihin nang may bumusina sa likuran ko. Masama kong tinignan kong sino man iyon, nang makita ang pamilyar na sasakyan ay kaagad akong kumalma.
"Hop in."sabi niya nang maibaba ang bintana. Sinilip ko ito.
Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko mauna na siyang umuwi.
"You can go home first."sabi ko. Itinabingi niya ang ulo. Halata sa itsura niyang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Hop in, and tell your friends to hop in too."malamig na sabi niya. Saglit ko siyang tinignan at kaagad napansin ang kaseryosohan sa mukha. Ihahatid niya kami?
"They're not my friends. Co-worker ko lang sila."pagtatama ko at nilingon sila Raf at andrew na naglalakad palapit sa pwesto namin. Halata sa itsura ni rafaela ang pagtataka. Samantalang nakatingin lang si andrew saamin, because he know kung sino ang nasa loob nang sasakyan.
"Tell your co-worker to hop in."pag uulit niya sa sinabi ko. Halata sa boses niya ang pagiging sarkastiko.
"Sino yan? Boyfriend mo?"tanong ni rafaela nang makalapit at sinilip ang nasa loob."Ah! iyong kasama noong pogi!"tila excited na sabi ni rafaela.
"Sakay daw kayo."nahihiyang sabi ko. Hindi ko alam kong bakit.
"Bakit? ihahatid niya tayo sa bar? Naks naman, makakalibre din nang pamasahe."
"Tumigil ka nga. Saakin ka sasabay.."sabi ni andrew at hinila si rafaela palayo saamin.
Halata ang pagkairita ni rafaela habang nakatingin kay andrew. Tinignan ko sila hanggang sa makaikot papunta sa parking lot. Kaagad akong sumakay at naglagay nang seatbelt. Kaagad niyang isinirado ang salamin sa gilid ko. Hindi niya pa pinapandar ang sasakyan at mukhang hinihintay nga iyong dalawa.
"Anong okasyon?"tanong niya sa kalagitnaan nang katahimikan. Huh? kapag may okasyon lang ba pwedeng uminom?
"Wala naman, nag aaya lang si rafaela."sagot ko naman habang nakatingin sa labas. Kaagad kong nakita ang motor ni andrew at nakaangkas nga si rafaela don. Saglit na bumusina si andrew at sinagot naman iyon ni keens ng busina din. Na para bang ang sabi ay sumunod nalang kami sa kanila.
Ganoon nga ang nangyari.
Lihim ko siyang tinignan pero naka focus lang ang tingin niya sa kalsada. Nagtataka din ako kung bakit hindi niya hinahawakan ang kamay ko. Napalabi ako at napatingin sa labas. Masyado na ata akong nasasanay sa kanya.
Hanggang sa huminto ang motor ni andrew tanda na nandito na kami. Kaagad akong lumabas nang kotse at napatingin sa paligid.
Simple pero medyo malaki ang lugar, At sa gilid naman ay ang smokers area o sa mga taong gustong uminom sa labas. May kuwarto din na may nakalagay na VIP, para ata iyon sa mga gustong mag aircon. May maliit ding stage, siguro para sa mga banda.
"Nasan ang boyfriend mo?"takang tanong ni rafaela nang makapasok kami. Kaagad din akong napalingon sa likuran ko. Akala ko ay susunod siya. Talaga bang ihahatid niya lang ako dito? Bahagya akong nadismaya sa iniisip. Pero nakikita ko parin ang sasakyan niya di kalayuan.
"Hindi niya boyfriend iyon."rinig kong sabi ni andrew.
Bagya akong binundol nang kaba sa sinabi niya. Oo nga pala. Iyon ang sinabi ko noong una kay andrew nang tanungin niya ako.
"Eh? talaga? akala ko boyfriend niya iyon. Diba palagi kang sinusundo noon kapag uwian?"tanong niya bago umupo sa smoking area.
Unti unting uminit ang mukha ko. Napansin niya rin iyon? ganon ba kami kahalata?
Hindi ko na nasagot ang tanong niya nang may lumapit na waitress. Nagtatanong kong ano ang iinumin namin.
"Gusto ko nang redhorse, kayo ba?"tanong ni rafaela saamin. Sabay kaming napalingon ni andrew sa kanya.
"Matapang iyon ah."sabi ni andrew at kinuha narin ang menu sa kamay ni raf.
"Pake mo ba? iyon ang nakasanayan ko eh. Redhorse kasi ang pinapainom saakin noong 10 pa lang ako."simpleng sagot niya na parang walang mali sa sinabi niya.
"Huh? sinong baliw ang nagpapainom sayo nang ganyan?"
"Si mama."kaagad na sagot niya.
Pinapainom siya nang alak nang mama niya nang ganyan ka bata?
"10 pinapainom kana?"
"Ewan ko? siguro para itrain ang tolerance ko sa alak? Akala niya siguro magtatrabaho din ako bilang hostess katulad niya paglaki ko, don siya nagkakamali. May pangarap ako sa buhay."baliwalang sabi niya.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil parang masyado atang personal iyon.
Lahat naman nang tao ay may pinagdadaanan sa buhay. At wala akong karapang manghusga lalo na at buhay nila iyan.
Tahimik lang kami hanggang sa dumating ang dalawang bucket nang redhorse? Gulat na napatingin ako doon. Magreredhorse din kami?
"Bakit puro redhorse ang inorder mo?"takang tanong ni andrew.
"Huh? tinanong ko kayo kung anong gusto niyo, hindi naman kayo nagsalita. Wag kayo magreklamo, libre ko ito, okay?"ngingisi ngising sabi niya at pinagbuksan kami.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)