Halos hindi ako mapakali habang nasa loob kami nang elevator. Pakiramdam ko nagpapawis ang kamay kong hawak niya kaya Tinanggal ko iyon.
"Are you nervous?"tanong niya at bahagya akong nilingon. Tipid akong Ngumiti. Hindi makapaniwalang boyfriend ko na siya. Hindi ko alam kong tama ba ang naging desisyon ko at hinihiling ko na sana wala akong pagsisihan.
Im excited and scared at the same time. Hindi ko alam na kaya kong maramdaman ang ganitong emosyon na magkasabay.
"It's okay to be nervous."marahang sabi niya at muling Hinawakan ang kamay ko. Muli akong napatingin sa kamay naming magkahawak. I want to tell him na hindi ako kumportable na magkahawak ang kamay namin, lalo na ngayong nagpapawis ang kamay ko.
"Senior.."
"From now on, you can call me by my name."
"Pero.. nakakahiya."mahinang sabi ko at marahang isinandal ang noo sa braso niya. I heard him chuckled. Saglit akong napapikit nang maamoy ang pamilyar na pabango niya, it smells so good. Am I pervert by doing this?
"Hindi kita pipilitin, until you're comfortable enough to say my name.. without saying senior. "
Hindi ako nakasagot nang biglang bumukas ang pintuan, napaayos ako nang tayo. Bahagyang itinago ang katawan sa likuran ni senior keens nang may ibang pumasok. Gusto ko sanang tanggalin ang kamay niya sa kamay ko pero bago ko pa man gawin iyon ay bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya. Mabuti nalang at dumating na kami sa tamang palapag, nagpahila namang ako sa kanya. Huminto siya sa isang pintuan at may inilabas na card.
Kaagad na gumala ang paningin ko nang tuluyang makapasok. Masyadong Malaki ang lugar na ito. "Ikaw lang ba ang nakatira dito?"tanong ko dahil sobrang tahimik nang paligid. Wala ring gaanong mga gamit. Napatingin ako sa high ceiling, namay chandelier sa gitna. Is he really that rich?
"Yeah, I live alone too. Make yourself at home."sabi niya habang tinatanggal ang neck tie niya. Hindi ito ang unang beses na nakaramdam ako nang ganito, na para bang ang layo namin sa isat isa, hindi ko siya ka level kumbaga.
Bakit ako? bakit niya ako nagustuhan? Isa lang ba itong prank? pinagtitripan niya lang ba ako? imposibleng magustuhan niya ako, marami diyan na mas maganda, mayaman o ano. I have nothing.. pero bakit ako?
"You want to watch a news or movies while waiting?" tanong niya kaya napaayos ako nang tayo, nilingon ko ito at kaagad napansing nasa likuran ko lang pala siya. Napatingin ako sa hawak niyang baso namay tubig. Kinuha ko ito nang iabot ito saakin. Napansin ko ding palaging ganito, na bigla bigla nalang siyang lumilitaw sa likuran ko.
Nakakatakot dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako nasasanay. Baka isang araw bigla nalang ako atakihin sa puso dahil sa gulat.
"I'm fine."
Bahagyang Kumunot ang noo niya. Pero ilang Saglit lang ay Ngumiti ito."Alright.. don't think to much."nakangising sabi niya bago ako tinalikuran. Pinanood ko ito hanggang sa makarating, na sa tingin ko ay kitchen. Nakatayo lang ako sa living room, sa may sofa, mula sa kinakatayuan ko ay kitang kita ko ang ginagawa ni senior keens sa kitchen.
"You have a nice place."pagpuri ko at ininom ang hawak na tubig. Nice place yet, cold and lonely. At ang sabi niya mag isa lang siya dito. Kung ganoon nasan ang pamilya niya? sa unang pagkakataon ay na curious ako sa kanya.
"You like my place?"tanong niya sa sinabi ko. I cant belive he can hear me kahit ang layo nang pagitan namin. Naglakad ako palapit sa kitchen. Bahagyang namangha dahil ang laki nang kitchen niya, mas Malaki pa sa apartment ko.
"Mas Malaki pa ang kitchen mo sa apartment ko."pagbibiro ko at umupo sa isang stool. He chuckled.
"Is that a compliment?"sabi niya habang naghihiwa nang kasangkapan. He looks cool while doing that.
Mahina akong tumawa."It is. Ikaw lang ba nagluluto nang pagkain mo?"
"Minsan. Mas madalas si nana ang nagluluto."
"Nana?"takang tanong ko.
"She's my nanny, siya ang nag aalaga saakin Simula bata pa lang ako, pumupunta siya dito twice a week to clean. Pero madalas sa labas ako kumakain.. I don't like eating here, alone."sabi niya habang hindi nakatingin saakin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Biglang uminit ang dibdib ko, naiintindihan ko siya. Pareho lang kami, he must be lonely. Palagi din sigurong busy ang pamilya niya. naiintindihan ko na ang sinabi niya, kaya pala he keeps asking me to eat dinner with him?
"Don't worry, Nandito na ako."totoong sabi ko."I can eat with you everyday if you want."pagpapatuloy ko. Napatigil ito sa ginagawa at napatingin saakin. Malambot ang expression nang mukha niya. Kumikinang rin ang mata niya na hindi ko maipaliwanag.
Gusto kong mahiya sa sinabi pero nangingibabaw ang pagkahabag ko sa kanya. May mahabang katahimikan sa pagitan namin. Hindi sana ito mapuputol kong hindi ko lang narinig ang pagtunog nang cellphone. Una akong nag iwas nang tingin at napatingin sa cellphone ko. It's mom.
"S-sasagutin ko lang."sabi ko at Tumingin sa kanya. Nakita kong nagpatuloy ito sa ginagawa niya.
"Sure. you can answer it here, I don't mind."
Tipid akong Ngumiti at hindi na tumayo at sinagot nalang ang tawag.
"Hi."bati ko sa kabilang linya.
"Hello.. how are you honey? makakapunta ka ba sa birthday ng ni jose bukas?"rinig kong sabi niya.
Saglit akong natigilan sa tanong niya. I almost forgot na bukas na pala ito. Sinabi ko na din kay sir Hussain na hindi ako makakapasok bukas, kaya ang sabi niya ay gawin ko nalang daw ay ilipat ang restday ko sa araw nang pag absent ko.
"Yes, I'll be there."ang tangging nasabi ko nalang habang nakatingin sa baso kong nakalapag sa harapan ko.
"Good to hear that! See you tomorrow then! Miss na kita, im sure he missed you too."tila excited na sabi niya. Bahagya akong Ngumiti.
"See you."sabi ko at pinatay ang tawag. Marahan akong napabuga nang hangin at napatingin kay senior keens. Napansin kong nakatingin lang ito sa niluluto niya.
"You going somewhere tomorrow?"tanong niya habang hindi parin nakatingin saakin. Napansin ko ang bahagyang pagbabago nang mood niya, kaya napaayos ako nang upo.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)