KABANATA 14

2.9K 46 0
                                    

Hindi rin nagtagal si senior keens sa apartment ko. Saglit lang kaming nag usap tapos ay pinauwi ko narin siya, bukod sa baka pagod na ito at baka may makakita saamin at baka may magsumbong nanaman sa land lady.

Nakakapagod man ang nangyari ngayong araw pero naging maayos naman ang naging tulog ko. Siguro dahil nailabas ko ang saloobin ko kay senior.

Masaya akong Nakita ko siya ngayon, bago pa man matapos ang araw ko. Hindi lang ako makapaniwalang umalis siya sa family dinner nang pamilya niya dahil lang sinabi kong namimiss ko siya. Sa susunod talaga hindi na ako magsasabi nang ganon. Pag nalaman nang pamilya niya ang naging dahilan kong bakit umalis ito sa dinner baka maghukay ako nang lupa at ibaon ang sarili sa kahihiyan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit late na ako nakatulog. Maganda rin ang mood ko sa hindi malamang dahilan. Nagulat pa ako nang pagkapasok ko ay Nandito na si sir Hussain. Saglit lang kaming nagkausap at kamustahan bago siya pumasok sa office niya.

Napatingin ako sa suot na relo inaabangan ang pagpasok ni senior para sa coffee niya, hindi ko alam kong bakit excited akong makita siya. Pero ilang Saglit lang ay kaagad kong Nakita ang inaabangan ko. Matamis akong Ngumiti para batiin siya.

"Good morning, sir."bati ko dito nang magtama ang paningin namin. Ngumiti ito at nagpalingalinga sa paligid.

"I'll talk to Hussain first bago ko kukunin ang coffee ko."paalam niya saakin. Medyo natigilan ako bago nakangiting Tumango. Tinignan ko ito hanggang sa makapasok siya sa opisina ni sir Hussain. Nagtataka kong ano ang pag uusapan nila. Hindi kaya siya malilate sa pasok niya?

Inabala ko lang ang sarili sa pagpupunas, nang may customer na dumating ay kaagad akong Ngumiti, unti unting nawala ang ngiti ko. Ayokong masira ang mood ko kaya pinilit ko talagang Ngumiti kahit tabingi na ang labi.

"Good morning, june!"maligayang sabi niya nang makalapit.

"Can I get your order, sir?"tanong ko dito, pilit na pinapakalma ang sarili. Napansin ko ang bahagyang paggalaw ni Andrew, Halata sa mukha niya na nag alala siya.

Dummy, kaya ko ang sarili ko. Kahapon lang talaga ako Muntikan nang mawala sa sarili dahil hindi ko inaasahang makikita ko si Benjie dito.

"Sir? Benjie nalang ang itawag mo sakin, katulad nang nakagawian."natatawang sabi niya."Binigay ba nong crew na lalaki kahapon ang calling card sayo? Hinihinitay ko ang tawag mo eh, anong oras ba ang break time mo? kain tayo sa labas-"

"Can I get your order, sir?"pagpuputol ko sa sasabihin niya. Boses pa lang niya ay nakakairita nang pakinggan. Napatingin ako sa ilang nakapila sa likuran niya, Mukhang naiinip na ang mga ito dahil hindi parin umorder ang nasa unahan.

"Galit ka parin ba saakin dahil sa ginawa ko nong high school tayo?"seryosong tanong niya. Napatitig ako sa kanya."Sorry na okay? kalimutan mo na iyon, matagal na iyon."

"Sir kung hindi ka oorder, please step aside. May nakapila kasi sa likuran-"hindi ko natapos ang sasabihin nang bahagya siyang sumandal sa counter palapit saakin.

"Minamadali mo ba ako? eh paano kong Ayoko?"

"Sir."rinig kong tawag ni Andrew kay Benjie. Naramdaman ko ang unti unting panlalamig nang kamay ko.

"Takot ka parin ba saakin? huwag kang mag alala, nagbago na ako, okay?"natatawang sabi niya at umayos nang tayo."Black coffee, to go."pagpapatuloy niya. Mariin kong kinagat ang labi ko para pigilan ang sariling huwag magsalita nang masama.

Kumalma ka, june.

Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa ang order niya. Muntikan ko pang matapon. Natatawang kinuha niya ang order niya Pagkatapos magbayad."Balik ako bukas."paalam niya. Hindi ko ito sinagot at kinuha nalang ang order nang sumunod.

"Ayos ka lang?"tanong ni Andrew nang mapansing wala nang nakapila. Tipid akong Ngumiti bilang sagot, hindi parin nawawala ang panginginig nang kamay ko. Medyo naging proud sa sarili dahil hindi ko tinapon ang mainit na kape sa mukha niya.

Nabalik ako sa sarili nang maamoy ang pamilyar na pabango. Kaagad akong napatingin sa may counter. Kaagad akong Ngumiti at ginawa ang kape niya. Kanina pa ba siya dyan? bakit hindi ko man lang napansin ang paglabas niya sa office? at bakit ngayon lang siya lumabas? anong pinag usapan nila ni sir hussain? bakit ngayon lang siya?

Ang daming pumasok sa isip ko.

Hindi ko alam kong bakit bigla akong naging emosyonal nang makita si keens. Mariin kong kinagat ang labi ko. Hindi ko siya matignan sa mukha dahil nanlalabo ang mata ko. Inilapag ko ang order niya sa counter at kinuha ang card niya bilang payment. Mabuti nalang talaga at nakasuot ako nang half cap, bilang panakip sa mata. Ito kasi ang nagsisilbing hairnet ko.

"Have a nice day sir.."pilit na pinasiglang sabi ko nang maibalik ko ang card sa kanya. Ayokong makita niya ang itsura ko kaya inabala ko ang sarili sa pagliligpit, Nasa may lababo ako nang marinig ko ang tunog nang bell, tanda na may pumasok o lumabas. Napatigil ako sa ginagawa. Napabuga ako nang hangin at itinukod ang parehong kamay sa lababo.

Ngumiti ako para sana tignan kong may bago bang customer, pero napatigil ako nang mapansing nakatayo parin si senior keens sa may counter, napatingin ako sa paligid at napansing wala na iyong nag iisang nagkakape kanina.

"ohh.. May oorderin ka pa ba?"takang tanong ko at tuluyan nang lumapit sa may counter, naghihintay nang oorderin niya.

"Please don't fake your smile.. I hate it."marahang sabi niya. Unti unting Umangat ang tingin ko sa mga mata niya, namumungay ang mga mata Ito. may kung anong uminit sa damdamin ko,

I chuckled at nag iwas nang tingin."Hindi ka pa ba late niyan?"pagbibiro ko.

"Hmm.. not really?"tila di pa siguradong sabi niya."I told you, i'll take care of everything. Have a nice day too, miss june."nakangiting sabi niya bago tumalikod. Pinanood ko itong makalabas ng café. Naiiling na nagpatuloy ako sa ginagawa. At napansing tuluyan nang kumalma.

Normal pa ba ako? tuwing upsent ako sa ibang bagay, makausap ko lang si senior keens ay nagiging okay ako. Bakit ganon?

Napatingin ako kay Andrew na naiiling na nakatingin saakin. Pinagtaasaan ko siya nang kilay. Anong tinitiningin tingin nito?

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon