KABANATA 8

3.1K 52 1
                                    

Tumikhim ako."Ah oo, it's my step father's birthday tomorrow."sagot ko naman. Habang nakatingin parin sa ekspresyon nang mukha niya. Ang bilis talaga magbago nang mood nito.

"I see, kaya ba pinalipat mo nang araw ang restday mo?"muling tanong niya. Napakunot ang noo ko, paano niya nalaman ang tungkol sa pagreschedule ng restday ko? Sinabi ba ni sir Hussain sa kanya? may kung anong negatibo akong naramdaman sa naisip. At bakit naman sasabihin ni sir ang tungkol doon? it's not like a secret or something.

"Yes, nirecommend iyon ni sir Hussain, para daw hindi na ako umabsent, gamitin ko nalang daw ang rest day ko."pagpapaliwanag ko naman.

"Gusto mo bang ihatid kita?"tanong niya at bahagya akong nilingon. Medyo umayos na ang ekspresyon neto. Kaya nawala ang kabang naramdaman ko.

Ngumiti ako." You have work."

"Susunduin nalang kita kung ayaw mong magpahatid."

"Im fine, malayo ang lugar-"

"I insist. Unless you want to sleep there?"medyo mabagal na sabi niya habang hindi parin inaalis ang tingin saakin.

"No way.."pagtanggi ko naman.

"Good."nakangiting sabi niya. Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa matapos syang magluto. Tinulungan ko siyang mag ayos nang pinggan, hanggang sa matapos kaming kumain, I admit na magaling nga siyang magluto, mas magaling pa saakin, I wonder who taught him how to cook? maybe ang nana niya?

Siya ang nagluto kaya ako ang naghugas nang mga pinggan. Ayaw niyang maghugas ako, pero hindi naman pwede iyon. Gusto ko namang makatulong kahit papaano.

"Goodnight. Ingat sa pag uwi, senior keens."sabi ko nang dumating kami sa harapan nang apartment ko.

"Good night, june.."mahinang sabi niya habang pinapanood akong maglakad papasok sa apartment ko. Hinatid niya kasi ako kahit ang sabi ko ay huwag na at magpahinga nalang. Kaagad akong pumasok sa banyo at naghalfbath, pagkalabas ko nang banyo ay tumunog ang cellphone ko. it's from senior keens.

Kaagad kong sinagot ang tawag.

"Im outside."rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Gulat na napatingin sa may pintuan nang may biglang kumatok. Hindi pa siya nakakauwi? Natatarantang Binuksan ko ito. Kinakabahan na baka may makakita sa kanya at ireport ako sa land lady, baka mapaalis ako nang wala sa oras.

Kaagad kong binaba ang tawag at gulat na napatingin kay senior keens na nakatayo sa labas nang pintuan ng apartment ko.

"H-hindi ka pa nakakauwi?"takang tanong ko at sumilip muna sa labas, tinitignan na baka may nakikita sa kanya. Nang nasiguradong walang tao ay hinila ko ito papasok."Kanina ka pa ba sa labas?"tanong ko at tinignan ito. Napansin kong namumungay ang mata niya.

"Can I go with you tomorrow? hindi ako mapakali. Ayokong pumunta ka nang mag isa."mahinang sabi niya. napakurap kurap ako sa sinabi niya, unang beses niyang maging open saakin nang ganito. Hanggang ngayon ba ay iniisip niya parin ang napag usapan namin kanina?"Don't worry, I won't disturb you, just let me come with you."

"Are you okay?"tanong ko at Hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam kong bakit umaakto siya nang ganito. It's not like him. At bukod doon ay pamilya ko ang pupuntahan ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko kung ayos lang sya. Nakaangat ang ulo ko, samantalang nakayuko naman siya, dahil sa agwat nang height namin."You have work tomorrow-"

"Pwede namang hindi na ako pumasok-"

"Hindi mo pwedeng gawin iyan, keens. What's wrong?"

Napabuga ito nang hangin at unang nag iwas nang tingin."Hey look at me, what's wrong?"pag uulit ko sa tanong ko at marahang pinisil ang kamay niya para kunin ang atensyon niya. Ibinalik naman niya ang tingin saakin, may kung ano sa mga mata niyang hindi ko mabasa.

"I'm sorry. I'm being paranoid. Send me your location tomorrow and always updated me."nakangiting sabi niya at marahang ginulo ang buhok ko. Naguguluhang sinundan ko ito nang tingin hanggang sa makalabas ito nang apartment ko.

Nang matauhan ay kaagad akong lumabas nang apartment. Naabutan ko itong papasok nang kotse niya. Napansin niya atang nakasilip ako sa railings kaya napatingin ito sa gawi ko. Saglit niya akong tinignan bago pumasok sa loob nang kotse. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagtunog nang cellphone ko.

"Go inside." sabi niya sa kabilang linya."Goodnight." pagpapatuloy niya, hindi niya ako pinasagot at pinatay na kaagad ang tawag. Napabuga ako nang hangin at pumasok nalang sa loob at nilock ito. Kaagad akong dumaretsu sa kama at nahiga. Buong magdamag akong nakatitig sa cellphone ko. naghihintay nang text niya. Hanggang sa nakatulugan ko nalang ito.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kaagad kong tinignan ang cellphone ko pero wala akong text na natanggap, kung nakauwi ba ito nang maayos. Kaya naisipan kong magcompost nang message pero kaagad ding natigilan nang maisip na baka nakatulog na ito pagka uwi kaya hindi na ako natext.

Binaba ko nalang ang cellphone ko at nag ayos na. Ilang oras pa naman ang biyahe papunta sa laguna. Sumakay lang ako nang taxi hanggang sa makarating sa patutunguhan. Hapon na nang makarating ako. Napatingin ako sa malaking gate at kaagad naman akong pinagbuksan nang nagbabantay.

"Magandang tanghali, miss june."bati nang mga nakakasalubong kong kasambahay. Ngumiti lang ako bilang sagot, dalawang taon din ang lumipas mula nang umalis ako sa lugar na ito. Napatingin ako sa mansyong nasa harapan ko. This is tito jose's mansion. Kilala si tito jose sa lungsod nang laguna. Kaagad akong pumasok sa loob. Wala akong gaanong dala dahil ang lahat nang kailangan ko ay nasa kwarto ko lang.

"Junny honey!"natutuwang salubong saakin ni mama at niyakap ako, kaya niyakap ko naman ito pabalik."I miss you so much!"may matamis na ngiti sa labi ni mama habang nakatingin sa mukha ko. Kaagad kong napansin ang pinagbago nang itsura ni mama, she looks tired, nakikita ko rin ang mga nagtutubuang puti niyang buhok.

"I miss you too, mama."malambing na sabi ko habang nakatingin sa kulay brown niyang mga mata, just like mine. Hindi ko nga lang nakuha ang kulay itim niyang buhok, may brown din kasi akong buhok katulad ni papa.

Niyaya niya akong kumain muna bago magpahinga. Napansin ko rin ang mga katulong na nag aayos nang decoration sa bulwagan. Mamayang gabi pa naman ang celebration.

"Where is john?"takang tanong ko. Nandito kami ngayon sa balcony nang mansion, nag ti-tea. Kakatapos lang din namin kumain. Hindi ko rin nakikita si tito jose.

"Nasa rancho, kasama ang mga kaibigan niya. And about jose, mamayang gabi pa ito makakabalik."pagpapaliwanag niya."Alam mo naman si jose, masyadong busy sa company niya. I told him to rest but he wont listen, it's his day-"

"How bout you mama?"pagpuputol ko sa sinasabi niya. Bahagya siyang natigilan at napatingin saakin.

"What about me?"tanong niya.

"You need rest too.. dapat sa iyo ay nagpapahinga nalang. Enjoying your life."bata pa lang ako ay puro trabaho nalang siya. Hanggang sa tumanda nalang ako, trabaho parin ang iniisip niya.

"You know I love my work right, june?"

Oo, Nurse sa mga baliw. Nag iwas ako nang tingin at napatingin nalang sa makulimlim na kalangitan.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon