KABANATA 5

3.7K 60 0
                                    

"Wala namang nakakita saakin."rinig kong sabi ni john sa kabilang linya. May naririnig akong mga boses lalaki sa kabila, nagtatawanan, I think he's with his friends."Bakit mo natanong?"pagpapatuloy niya at kaagad na tumahimik ang background niya. Sa tingin ko ay lumabas ito.

"Wala naman, nasaan ka?"

"I'm with my friends."

"I see, take care. Bumalik kana kaagad Pagkatapos mo diyan, at huwag kana dumaan dito."

"Huh? bakit?"tila naguguluhang tanong niya.

"Basta-"

"Hindi ka sasama sakin pabalik nang laguna?"

Humiga ako sa kama at ipinikit ang mata."No. May trabaho-"

"How about fathers birthday? Next week na iyon. Sumabay kana saakin pabalik. Daanan kita bukas-"

"Listen, john. dadating ako sa birthday ng tatay mo. You go home first, that's all. Magpapahinga na ako. Mag iingat ka."

May mahabang katahimikan sa kabilang linya. Binaliwala ko nalang iyon at pinatay ang tawag, hindi na hinintay ang sasabihin niya. May iniisip pa ako, tungkol sa nag report saakin, tapos dumagdag pa si tito Jose, ang tatay ni john. We're really not that close. I don't hate him or something. I just don't want to call him, father.

Hindi lang ako kumportable kay tito jose, I feel like i'm replacing my real dad. At ayokong mangyari ito.

Isa lang ang tinatawag kong tatay. But he's long gone.

Lumipas ang ilang araw na pagpapahinga ay kaagad kong kinontact si sir Hussain para sa trabaho. Dalawang sakayan ang layo neto sa apartment ko. Ngayon ay Nandito ako sa café, it's called High ground café. Dalawang araw akong tinuruan sa mga dapat gagawin, it's not easy at first. May isa sa kitchen at dalawa naman sa dining.

I also told senior keens about me accepting the work. And I think he's happy about it. Na inaccept ko ang tulong niya. Napag isip isip ko rin iyon, bakit ko papahirapan ang sarili ko sa paghahanap nang trabaho kong ang opportunity ay kumakatok na mismo sa harapan ko. This work is part of my experience.

"Good morning, sir keens."nakangiting bati ko kay senior keens kinaumagahan. Nandito ako sa counter, nag hihintay ng costumer. Inilagay kasi ako ni sir Hussain sa counter, nagtitimpla nang kape o milk tea.

"Good morning."balik na bati niya saka Ngumiti, kaagad kong napansing naka suot ito nang white long sleeve, slacks. Kumikinang din ang relo niya. Like a real part of corporate company. I don't know what his job is. I assume na papunta palang ito sa trabaho. It's been a while Simula nang matapos ang training ko.

At Simula non ay araw araw na itong pumupunta sa umaga para umorder nang kape at tuwing uwian naman ay nandyan siya, nag aayang magdinner daw kami at Pagkatapos ay ihahatid ako sa apartment. Ganon ang nangyayari nang magsimula ako sa trabaho ko dito.

Ang nagiging dahilan naman niya ay don din daw kasi ang daan niya kaya sinasabay na niya ako pag uwi. And im thankful about it dahil nakakatipid ako nang pamasahe. Ang ginagastos ko lang ay ang papunta.

Kaagad kong ginawa ang araw araw niyang inuorder, kahit hindi niya sabihin ay authomatic kong ginagawa ito. He chuckled nang mapansing inilapag ko ang kape niya, to go.

"It's my treat."nakangiting sabi ko nang iniabot niya saakin ang card niya."Dont worry, hindi ito counted sa lunch treat."sabi ko. Ang tinutukoy kong lunch treat ay ang unang araw na hinatid niya ako sa apartment. Na bilang pasasalamat ay ililibre ko siya ng food. Sa ilang beses naming pagkain sa labas ay palagi niyang tinatanggihan na ako ang magbayad.

Kaya hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nalilibre.

"Thank you, I guess? see you later. Have a nice day."sabi niya at tumalikod.

"You too, senior. I mean sir."pahabol ko bago ito tuluyang lumabas. Bahagya niya akong nilingon at Ngumiti. Pinanood ko ito hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

"Diba kaibigan iyon ni sir Hussain?"tanong ni Andrew. Ang server namin dito. Halos magkakasunod lang kaming na hire. Simula nang mahire kami ay halos hindi na gaanong pumupunta si sir Hussain dito sa café, napag alaman ko ding hindi lang ito ang café niya. Marami itong café na pilipinas.

"Oo."sagot ko naman sa tanong ni Andrew.

"Boyfriend mo ba iyon?"balik na tanong niya dahilan kong bakit Kumunot ang noo ko.

"Hindi."kaagad na sagot ko.

"Talaga? ilang beses na kasi kitang nakikitang sumasakay sa kotse niya tuwing uwian, kaya akala ko ay boyfriend mo. Tapos palagi pa itong Nandito sa umaga."

Tinigil ko ang ginagawang pag pupunas at tinignan ito. Medyo nairita dahil tanong ito nang tanong. Hindi ako tuluyang nakapag salita nang may pumasok na customer. Kaya Mabilis akong Ngumiti para batiin ang mga kakapasok palang.

Ganon nga ang nangyari hanggang maghapon. Hindi na ko na ulit nakausap si Andrew tungkol doon. Tuloy tuloy kasi ang pasok nang mga customer, hanggang sa oras na nang out ko. Nag aayos ako na buhok nang dumating si senior keens. Iginala niya ang paningin sa paligid at kaagad niyang natagpuan ang paningin ko. Kaagad akong Ngumiti at kinuha ang gamit.

Always on time siyang dumadating.

"Hi."bati ko sa kanya nang tuluyang makapasok sa sasakyan niya na parang normal na gawin ko yon.

"Hey, how was your day?"tanong niya nang paandarin neto ang sasakyan. Kumunot ang noo ko nang makita si Andrew, na nakatingin sa pwesto nang sinasakyan namin ngayon. Nakatayo ito sa gilid nang isang motor.

Ngayon naintindihan ko na kung bakit niya nasasabi iyon kanina.

Inalis ko ang tingin sa side mirror at lumingon kay senior keens, napakurap kurap ako nang mapansing nakatingin ito saakin. Una itong nag iwas nang tingin at ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Ano iyon, senior keens?"muling tanong ko.

Nakita ko ang bahagyang pag galaw nang panga niya bago Umangat ang gilid nang labi.

"What's up? may nangyari ba kanina sa café? care to share?"tila marahang sabi niya. Pero mararamdaman mo ang lamig sa paraan nang pananalita niya na nagpakunot nang noo ko. Sa araw araw ba naman naming magkasama ay alam ko na kaagad kapag nagbabago ang mood niya. I can read his mood. So i'm wondering why he's pissed.

"Wala naman. Mas maraming customer ngayong araw kaysa kahapon.."tila nag iingat na sabi ko. Nag iingat na huwag itriggred lalo ang pagkairita niya.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon