Ibinaba ko ang hawak na cellphone matapos naming mag usap ni mama, kahit papaano ay nabawasan ang bigat nang nararamdaman ko ngayon.
At kaagad ding natigilan nang may malanghap na pamilyar na pabango. Unti unti akong tumingala.
Noong una nagtataka ako kung bakit hindi ako nababasa nang ulan, ngayon alam ko na. Kaagad kong napansin ang itim na payong na nasa uluhan, kaagad na lumipat ang paningin ko sa may hawak non. It's him.
Bakit nandito siya? paano niya nalamang nandito ako? sinundan niya ba ako?
Kaagad akong nag iwas nang tingin nang magtama ang paningin namin. Ang sabi ko gusto kong mapag isa. Bakit hindi man lang niya marespeto ang desisyon ko?
Ang dami kong nalaman ngayong araw. Sa sobrang dami, pakiramdam ko hindi kakayanin nang utak ko.
Nagtagal pa ako sa kinakaupuan kong duyan. Hindi kami nag uusap. Tahimik lang din siya sa likuran ko, pinapayungan ako.
Nang tuluyang tumila ang ulan saka ko naisipang tumayo. Lihim akong tumingin sa kanya at kaagad napansing basang basa siya, marahas akong napabuga nang hangin.
"Let's go home."sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.
"Hmm."ang tanging nasabi niya at naunang maglakad. Kaagad naman akong sumunod. Hindi kalayuan sa play ground, doon nakaparking ang sasakyan niya.
Tahimik lang kami sa biyahe, nakatingin ako sa labas habang tinitignan ang mga building na nadadaanan namin. Hanggang sa makarating basement ng condo, wala talagang nag babalak magsimula nang usapan.
I really don't mind it.
Hindi ko alam kong bakit kalmado ang puso ko habang nakatingin sa basang balikat niya. Nasa likuran kasi ako, samantalang siya naman ay nasa bukana nang elevator. Hawak hawak niya parin ang itim na payong sa kaliwang kamay, tumutulo pa iyon sa sahig nang elevator.
Bakit niya pa kasi ako sinundan? babalik naman ako.
Muli akong napabuga nang hangin nang tuluyang dumating sa tamang palapag. Binuksan niya ang pinto nang condo at nilingon ako, na para bang sinasabi niyang mauna akong pumasok.
Kaagad akong dumaretsu sa kwarto at nilock ang pinto. Napansin ko ring maayos na ang mga nakakalat kong mga damit. Hindi ko na rin makita ang maleta ko. Kumunot ang noo ko, pakiramdam ko kinuha niya ang maleta ko para wala akong mapaglagyan nang damit kapag naisipan kong umalis.
Nagpalipas ako nang oras sa bath tub, hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising nalang ako nang makarinig nang pagkatok mula sa pintuan nang banyo. Babangon sana ako mula sa pagkakaupo nang bigla itong bumukas.
Kaagad na nagtama ang paningin namin. Masama ko siyang tinignan."What? pati ba naman dito susundan moko?"sabi ko.
"Im sorry, you're not answering me i thought something happen," simula niya at nag iwas nang tingin, "I'm done cooking. Hindi ka gaanong kumain kaninang umaga, you must be hungry. Please eat."marahang sabi niya at isinara ang pintuan.
Ilang minuto akong nakatitig sa pintuan bago maisipang tapusin ang pagligo.
Nagpalinga linga ako sa loob nang kwarto, inaasahang nandito siya, hinihintay akong makalabas sa banyo pero wala. Medyo nadismaya ako. Pagkatapos mag blower ay kaagad akong humiga sa kama, hindi ko alam kong gaano ako katagal na nakatitig sa kisame hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa alarm clock. At first i thought may pasok ako sa cafe, nang maalalang nagresign na nga pala ako napahiga ulit ako sa kama.
So what should i do now?
Nag palipas pa ako nang ilang minuto bago nag ayos at lumabas nang kuwarto. Kaagad akong bumaba para sana magluto nang breakfast namin pero may pagkain na sa lamesa. May note ding kasama.
"Don't forget to eat. "
Malamig na rin ang pagkain tanda na kanina pa ito. Pumasok na kaya siya nang work? kahit na walang gana ay pinilit kong kumain. Nang matapos kumain ay kaagad akong umakyat sa taas. Unti unting bumagal ang paglalakad ko nang mapansin ang pinakadulong bahagi nang hallway, na kong saan ang office room niya.
Bigla akong kinilabutan nang maalala kung ano ang laman nang kwartong yan. Kaagad akong pumasok sa kuwarto at humiga. Ipipikit ko na sana ang mata nang marinig ang pagtunog nang cellphone ko tanda na may tumawag.
Akala ko ay si senior keens ang tumawag, pero nang mapansing unregestered ang number kaagad akong nadismaya.
"Hello?"tanong ko sa kabilang linya.
"Good morning june, am i disturbing you?"rinig kong sabi nang pamilyar na boses. Napabangon ako mula sa pagkakahiga.
"Mrs. salvadore."pagbati ko.
Paano niya nakuha ang number ko?
"Yes, yes. It's me. Good thing you still remember my voice."
"Bakit po kayo napatawag?"takang tanong ko.
"Let's go and grab some lunch? susunduin ka nang driver ko. See you later."sabi niya at kaagad pinatay ang tawag. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa screen nang cellphone. For what?
Hindi man lang siya nagtanong kong nasan ako, basta basta nalang niyang sinabing susunduin ako.
"Ms. Madrigal?"wika nang isang lalake, nakasuot ito nang black and white na suit. Medyo kinabahan ako dahil sa itsura neto.
Kakababa ko lang sa building nang may sumalubong saakin. Nakabukas ang back seat na para bang sinasabi niyang pumasok ako. Hindi na ako nagtanong at kaagad nang pumasok.
She knows that im staying with keens?
Sinabi ba sa kanya ni senior? O baka pinaimbestigahan niya ako?
What's wrong with their family?
Halos isang oras ang biyahe, pamilyar saakin ang restaurant. Dito kami pumunta ni senior noong pinakilala niya ako sa parents niya.
"Welcome back, Ms madrigal."bati nang pamilyar na mukha. It's dianne, ang manager.
Ngumiti ako nang tipid at sumunod sa kanya. Kaagad niya akong dinala sa pamilyar na pintuan. Eto iyong pinasukan namin ni mrs salvadore na bar sa loob nang restaurant.
Nang makapasok ay kaagad akong sinalubong ng eleganteng babae, but this time, hindi siya naka dress, naka corporate shirt ito. Malapad ang ngiti niya habang tinitignan ang mukha ko.
"Come, come."sabi niya at hinila ako papunta sa counter nang bar. Napatingin ako sa pamilyar na wine, nangangalahati na iyon.
"Let's drink."sabi niya at sinalinan ako. So ito ang sinasabi niyang lunch? alak?
Pakiramdam ko magiging alcoholic na ako. At bakit siya umiinom sa kalagitnaan nang araw? Tinanggap ko ang binigay niya at lihim na napangiwi nang maamoy ang matapang na amoy nang wine.
"You can be my drinking buddy, yeah?"sabi niya at uminom."Hindi ako makainom sa bahay dahil pinagbabawalan ako ni kalsen. He dont like it if i drink. Kaya tumatakas ako. I can't help it, hubby ko na ang pag inom."reklamo niya habang hindi nakatingin saakin."By the way how are you?"
Napainom ako.
"Im fine?"
"Bakit hindi ka sigurado sa sagot mo, june?" tanong niya." May problema ba?"
Marahan akong napabuga nang hangin."Bakit niyo po ako gustong makausap?"pag iiba ko nang usapan at tinignan siya, nakatingin na ito saakin.
Tipid siyang ngumiti."I heard pinatanggal ni keens si nana. What happen?"tanong niya, kapansin pansin ang kaseryosohan sa boses niya.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya."Hindi ko po alam."kaagad na sabi ko.
Saglit niya akong tinitigan bago uminom ulit."Bata pa lang siya si nana na ang nag aalaga sa kanya. Kaya nagulat ako noong malamang tumawag siya sa main house at pinapatanggal si nana. He's unpredictable."
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)