KABANATA 34

2.2K 36 0
                                    

Hindi ko alam bakit sobrang lakas nang pintig nang puso habang naglalakad paakyat sa kinakaruonan si senior keens. Nakatayo siya sa labas nang pinakadulong kwarto. The gallery room na sinasabi ni nana o work place ni senior.

Hindi sa wala akong tiwala sa kanya o ano. Na curious lang naman ako at hindi ko naman inaasahan na big deal pala ito kay senior keens. Kasi napaka imposible naman kasi nang sinabi ni nana na may nakita siyang picture ko ilang taon na ang nakakalipas. We never met before.

Binigyan niya ako nang malamig na tingin bago binuksan ang pinto. Mas dumoble ata ang kaba ko nang inilagay niya ang thumb finger niya sa mismong door knob kaya kusa itong bumukas.

So it's true na hindi basta basta nabubuksan ang kwartong ito. As if he's hiding somethihng here.

Nakatingin lang siya saakin, hinihintay na tuluyan akong makalapit o makapasok sa loob. Napalunok ako bago sumilip sa loob. Hinahanda ang sarili sa pwedeng makita nang mata ko.

Iginala ko ang paningin pero wala namang kakaiba. Bukod sa malaking table sa gitna nang silid, namay nakalagay na laptop at mga puting papel. Marami ring mga librong maayos na nakalagay sa book shelf.

Huh? gallery room ba ito? mukhang hindi naman. Parang normal lang na library room. Nothings weird bukod sa lion na gawa sa kahoy na nakalagay sa gilid nang table. Hinawakan ko iyon at nilingon si senior.

Mula sa kamay ko ay umangat ang paningin niya sa akin, kaagad na may sumilay na ngiti sa labi niya.

"Done? let's finish our food-"hindi niya natapos ang sasabihin nang may napindot ako at may tumunog. Gulat na napatingin ako sa book shelf na biglang umawang.

"That's enough. Let's go, june."seryosong sabi niya at nagmamdaling lumapit saakin. Hindi pa ako nakakabawi nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pilit na hinihila palabas. Kaagad kong tinanggal ang pagkakahawak niya saakin.

"What's behind that shelf, keens?"tanong ko.

"It's nothing."madiing sabi niya. Halata sa mukha niya ang kaba. Na ngayon ko lang nakita. Pinagkunutan ko siya nang noo, ang lakas nang pintig nang puso ko. Pakiramdam ko lalabas na ito sa lalamunan ko.

"If it's nothing why are acting like that?"

The way he's acting right now is suspicious.

Unti unting kumalma ang mukha niya."Please.. it's nothing."tila nanghihinang sabi niya at hinawakan ang pareho kong kamay.

"If it's nothing.. can i see it?"

Napatitig siya saakin at binitawan ang kamay ko. Kitang kita ko ang pag igting nang panga niya."I hate your curiousity."malamig na sabi niya. Napakurap kurap ako. The way his looking at me right now, is like a warning. As if im pissing him off right now.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy parin sa paglapit.

"June."

"June, please. Don't."tila nagmamakawang sabi niya at hinawakan ako sa baywang para pigilan sa tuluyang paglapit, pero huli na ang lahat. Nahawakan ko na ang book shelf at binuksan ito.

Ang unang sumalubong saakin ay ang pulang paligid gawa nang kandilang nakasindi sa sahig. marami iyon kaya amoy na amoy ko ang usok. Tinanggal ko ang nanlalamig niyang kamay na nakapulupot sa baywang ko, akala ko mahihirapan akong tanggalin iyon pero nagkamali ako. Para iyong lantang gulay na mabilis natanggal.

Napatingin ako sa mga nakasabit sa dingding. Natuon ang atensyon ko sa pinakamalaking painting sa itaas nang kandila. It's a young girl, wearing nothing. Napatitig ako sa mukha nang babae at agad na kinalibutan nang mapansin ang mahabang kulay brown na buhok. Nakahiga ito sa sofa like she's sleeping.

At sa gilid nang malaking painting ay ang mga maliliit na painting, nang ibat ibang parte nang katawan. Its familiar. lalo na nang mga nunal.

What the fuck?

Napalingon ako kay keens na nananatiling nakatayo sa may pintuan. Blangko ang mukha niya habang nakatingin saakin.

"What is this, keens?"gulat na tanong ko. Hindi ko na alam kong ano ang mararamdaman ko sa kanya sa mga oras na ito. Naghalo halo na.

So.. ang sinabi ni nana ay totoo?

"I don't want you here, this place is my sacred place."malamig na sabi niya at naglakad palapit saakin, kaagad akong napaatras. Napatigil lang ako dahil kung hindi ako titigil sa pag atras ay baka mapaso ako nang kandila. I cant see his face because of the shadow, but i can feel his cold gaze.

"Sacred place?"hindi makapaniwalang tanong ko. Ang lakas nang pintig nang puso ko, nahihirapan din akong huminga dahil sa usok. Ang sakit noon sa ilong.

"Can't you see. "marahang sabi niya at hinawakan ang mukha ko. Napasinghap ako sa ginawa niya. At pagkatapos ay sapilitang iniharap sa malaking painting, hindi ko maiwas ang mukha ko dahil nakahawak parin siya sa pisngi ko mula sa likuran."She's my god, june. So you can't be here."

Ipinikit ko ang mata ko habang umiiling."Enough.."naluluhang sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.

"I thought you're curious? Look."utos niya.

"No."

"I said look! I did beg you to stop but you're not listening at pumasok ka parin. Look where your curiousity-"

"Stop! don't touch me, you creep!"naiinis na sabi ko at tinanggal ang kamay niya. Natanggal ko naman iyon pero naging dahilan iyon para mapaupo ako sa sahig at tumama sa kamay ko ang mga kandila.

"C-creep?"tila hindi makapaniwalang sabi niya at mahinang tumawa."Sure. I can be your creep, Pag isipan mong mabuti kung anong kasalanan mo, june. This is your punishment."madiing sabi niya at naglakad palabas at isara ang pinto.

Natatarantang pumunta ako sa kakasarado pa lang na pintuan. Pilit na hinahanap ang door knob pero wala akong makita. Habol ko ang hininga ko habang nakaupo sa sahig. Why is he doing this to me? He is scaring me. Halos hindi ko makita ang paligid dahil sa luhang ayaw tumigil sa pagpatak.

Pakiramdam ko ay isa lang itong panaginip. Masamang paniginip.

I dont like it here. Its suffucating me.

Pinapaalala saakin ang nangyari noong high school ako, ang araw na nilock ako ni benjie sa cr nang mga lalaki.

"O-open the door keens.."nagmamakaawang sabi ko.

I regret it. This is my fault, hindi sana ito mangyayari kong hindi naging matigas ang ulo ko. Sana hindi nalang ako naging kuryoso. Sana nakinig nalang ako kay keens nang sabihin niya ang 'Dont'.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon