KABANATA 40

2.3K 47 0
                                    

Nanlalamig ang kamay ko habang naka upo dito sa labas nang isang office. Nandito kami ngayon sa laguna na kung saan ang therapist na i mimeet namin. Samantalang nasa loob naman si Senior keens kausap si Mrs Jean.

Noong una gusto akong isama ni keens sa loob pero hindi pumayag si Mrs Jean dahil prebado daw ang session. 30 minutes pa ang lumipas nang bumukas ang pintuan, kaagad akong tumayo at ipinag hawak ang kamay nang lumabas silang dalawa.

Kaagad na nagtama ang paningin namin ni senior, kaagad siyang ngumiti kaya napangiti narin ako. Hinawakan niya ako sa baywang. Medyo nailang pa ako dahil nakatingin saamin si Mrs jean, She's in her 40's. Kapansin pansin rin ang pagbaba nang tingin niya sa kamay ni senior na nasa baywang ko.

Tapos na ba?

Okay na ba si keens?

"Ms. madrigal, can i talk to you for a minute please?"nakangiting sabi niya at nilingon si keens na nasa tabi ko. Napaangat ang tingin ko kay senior nang hindi niya ako bitawan.

"I'll be back."marahang sabi ko kaya napatingin siya saakin. May kung ano sa mata niya na hindi ko maintindihan. Ngunit sa huli ay inalis rin niya ang kamay at tipid na ngumiti.

Binigyan ko siya nang tingin bago tuluyang pumasok sa loob.

"How are you, Ms madrigal? Akala ko kaharap ko si mama mo, pero the young version."natatawang sabi niya at umupo sa single sofa," Please be seated." sabi niya at itinuro ang kaharap na sofa. Tipid akong ngumiti. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Tungkol ba kay senior ang pag uusapan namin?

"Ayos lang po."sagot ko naman at umupo. Napatingin ako sa paligid nang silid, hindi kalakihan ang kuwarto. May mga stuff toys at mga libro na nakalagay sa book shelf, napalunok ako dahil bigla nanamang pumasok sa isip ko ang nakita ko sa likuran nang book shelf ni senior.

"Alam ba nang mga magulang ni Mr Salvadore na dinala mo siya dito?"tanong niya kaya napatingin ako dito. Blangko ang ekspresyon nang mukha niya habang hawak hawak ang isang libro, sa kabilang kamay naman ay hawak ang isang ballpen at itinatapik tapik niya iyon sa libro.

Hindi ko alam kong bakit unti unti akong naiirita sa ginagawa niyang pagtapik tapik.

"Hindi nila alam."sagot ko naman at iniiwas ang tingin sa ginagawa niya. These room looks comfy.

"Kahit na nasa tamang edad na kayo at hindi na kailangan nang patnubay nang mas nakakatanda, kailangan mo pa ding ipaalam sa mga magulang niya. Hindi ka dapat nagdidesisyon nang basta basta."

Marahan akong napabuga nang hangin."Gusto ko lang siyang tulungan."

Napatingin ako sa kanya nang hindi ito magsalita, may kung anong sinusulat siya sa libro na nagpakunot nang noo ko.

"Well, it doesn't matter anyway. He used to be my patient before, that's why i am so surprise to see him again. "sabi niya habang hindi ako tinitignan. Pakiramdam ko hindi maipinta ang mukha ko sa gulat.

Hindi makapaniwala sa narinig.

"Used to?"naguguluhang sabi ko kaya napatingin na siya saakin. Isinara niya ang libro.

"Yes, When he was 5 years old, he is a very gloomy and unresponsive kid. He's my patient for almost 7 years, until one day he talked to me, smiling and said ' I found my god.' "simula niya at tumayo. Pumunta siya sa book shelf at may hinalungkat doon.

Kung ganon na council na siya noon. This is not his first time.

Biglang tumayo ang balahibo ko nang sabihin niya ang salitang' God'

Wala sa sariling napatingin ako sa pintuan, may maliit na glass doon. Gulat na napatitig sa pamilyar na mga mata. It's senior keens. Nanginginig ang kamay kong napakamot sa leeg at tipid na ngumiti. That scared the shit out of me.

Nag iwas ako nang tingin sa pintuan nakong saan nakasilip si senior at ibinalik ang tingin sa kakabalik lang na si Mrs jean. May tinitignan siya sa folder.

"W-what do you mean by God?"kinakabahang tanong ko. Malakas ang pintig nang puso ko, pakiramdam ko alam ko kung sino ang tinutukoy niyang god.

"Noong una akala ko ang tinutukoy niyang' God' ay ang nakikita natin sa simbahan, i thought he become religious, ang dahilan kong bakit nag open up siya saakin." muling sabi niya at iniangat ang isang lumang puting papel. Nakatingin siya doon.

"He won't stop talking about it. The gloomy kid i know become cheerful and his complexion become clear. Look what his god done to him. It helps him heal."pagpapatuloy niya at tinignan ako. Inilapag niya sa lamesa ang hawak na papel kaya napatingin ako doon.

Halos hindi ako huminga habang nakatingin sa isang papel namay mukha ko noong bata ako. Nakaukit ang mukha ko gamit ang itim na ink.

He meet me before? Where?

" I was curious, I asked him if he can draw his god at ito ang inukit niya."seryosong sabi niya."By now, naiintindihan mo na siguro kong bakit ko pinapakita ito saiyo, kahit na prebado ang mga session nang mga client ko. The god he was talking about is real. It's a living thing. Not imagination. These young girl is real. Ayoko mang aminin dahil hindi magandang pakinggan. But he think you are his god."

Halos walang pumasok sa isip ko sa sinasabi ni Mrs Jean. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko at muling tumingin sa maliit na bintana sa pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing hindi na siya nakasilip.

"Anong nararamdaman mo ngayon, ms madrigal?"

Napalunok ako," Hindi ito ang unang beses na nalaman ko ang tungkol sa sinasabi niyang g-god."pag aamin ko. Habang nakatingin sa nanlalamig kong kamay na nakalagay sa hita ko." I saw it, with my own two eyes, behind the shelf, i saw paintings.. and he called it his god, my naked-"Hindi ko natapos ang sasabihin nang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"I understand."marahang sabi niya at binigyan ako nang baso nang tubig. Nang tuluyang kumalma ay napabuga ako nang hangin."Can't you help him? I mean, the god thing. It's not normal."

Hindi siya nagsalita at may kung anong sinusulat nanaman sa libro niya."Anong ginagawa mo? are you observing me like im part of your patient?"naiinis na tanong ko. Kaagad na napatigil siya sa pagsusulat at napatingin saakin.

"Im sorry i didn't mean to be rude."hinging paumanhin niya at isinirado ang libro at inilagay sa lamesa." I think you also need some council too, Ms madrigal."pagpapatuloy niya.

Medyo na offend ako sa sinabi niya."You think im crazy just because im with him?"tanong ko.

Napakurap kurap siya."No. No. I think you misunderstand something. You are not crazy or is he."kalmadong sabi niya.

Naihilamos ko ang palad sa mukha at ilang beses na huminga nang malalim.

"Ive been observing you since you enter this room, ms madrigal. And i think you're emotionally unstable. Does your mother know? you can talk to me."

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon