Hapon na nang makalabas ako nang condo ni senior keens. At first gusto niya pa akong samahan kong saan man ako magpunta.
"Don't follow me, i want to be alone for a while."sabi ko habang hindi siya tinitignan.
"You'll be back, right?"marahang tanong niya. Hindi ako sumagot at tuluyan nang lumabas.
Why is he acting na parang walang nangyari?
I feel suffucated. Hindi ko siya kayang tignan nang walang galit sa dibdib ko. Sa isang iglap ay nagbago ang pananaw ko sa kanya.
Nakakaramdam ako nang pag sisisi. I don't know anymore.
Marahan akong napabuga nang hininga at inilagay ang parehong kamay sa loob nang pocket nang jacket ko.
Namamaga pa ang mata ko nang pumunta ako nang cafe para makausap si sir hussain, nagkataon namang nandoon ito. I told him na hindi na ako makakapasok. Matagal niya akong tinitigan, and he said' I understand.' Hindi siya nagtanong kong bakit.
I feel like im a messed right now.
"Are you okay?"tanong niya habang inaabot saakin ang sobre namay lamang pera. Eto ang sahod ko sa loob ng ilang buwan na pagtatrabaho dito sa cafe.
Hindi ako nakasagot at pilit na ngumiti."Maraming salamat sa pagtanggap saakin dito sir hussain."
"You should thank keens, siya ang nagpasok saiyo dito. "kaagad na sagot niya.
Kaagad na nawala ang ngiti ko sa labi nang marinig ang pangalan niya. Alam ko namang siya tumulong saakin para makapasok dito, hindi na niya kailangan banggitin.
"Did you guys fight?"sunod na tanong niya. Hindi ulit ako nakasagot. Hindi ako kumportable na pag usap ang nangyari kanina,
"You know, matagal ko nang kilala si keens, "simula niya at tumayo mula sa pagkakaupo. Inayos niya ang suot na salamin at tumayo sa harapan ko."He's a good kid. Well, if you don't provoke him. "He chuckled. Tumikhim siya bago nagseryoso ulit.
"Kung ano man ang pinag awayan niyo, maayos niyo rin iyan."pagpapatuloy niya at tinapik ang balikat ko."Dry your tears."saka ko narinig ang pagbukas at sara nang pinto tanda na lumabas na ito at iniwan ako.
Pinunasan ko ang mukha ko at ilang beses na huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Ilang sandali lang ay lumabas din ako nang office ni sir hussain. Nagpaalam din ako sa chef namin kahit na hindi naman kami close nito,
Kaagad akong sinalubong nila rafaela at andrew. Halata sa itsura nila ang pagtataka. Hindi sila nagtanong kong bakit namamaga ang palibot nang mata ko nang pumasok ako kanina dito and appreciated it. Binigyan ko sila nang yakap bago ako lumabas nang cafe.
Bigla akong nalungkot lalo na nang magpaalam ako sa kanila. They're all good people.
Dumaan ako sa convenience shop at bumili nang ilang piraso nang in can beer. Napatingin ako sa kalangitan at kaagad napansin ang papalubog na araw. Ayaw ko pa munang bumalik sa condo ni senior keens. Kaya dumaretsu ako sa apartment ko.
Laking gulat ko pa noong una nang mapansing may ilaw ang loob. Hindi ko dala ang susi nang apartment kaya sumilip ako doon at kaagad napansing may tao.
"Hi?"naguguluhang tanong nang babae nang buksan niya ang pinto."May kailangan ka ba?"
Kahit na ako ay nagtataka kung bakit may ibang taong nakatira dito. This is my apartment! What the hell. Kulang nalang ay makipag away ako. Hindi man lang ako tinext nang land lady na maayos na ang apartment ko. Naghulog ako nang ilang buwan para sa renta tapos malalaman kong pinatirhan na niyaito.
"May pumunta na lalaki dito, ang sabi niya hindi kana babalik dito kaya pinatirhan ko nalang. Huwag kang mag alala, ibabalik ko naman sa iyo ang advance na binayad mo."sabi nang land lady. Napaawang labi ko.
"Lalaki?"takang tanong ko. Unti unting lumakas ang tibok nang puso ko, pakiramdam ko kilala ko kong sino ang tinutukoy niya.
"Oo, kasintahan mo daw. Siya rin iyong nagsabi saakin na nagpapasok ka nang iba sa apartment nato-"
"Sorry sa abala."hinging paumanhin ko sa babaeng may masamang tingin saakin. Ang babaeng pumalit saakin sa apartment.
"Ayos ka lang ba ija? may matitirhan ka ba?"tanong nang landlady.
"May mga gamit pa po akong mga naiwan. Nasan na po iyon?"
Kumunot ang noo niya."Matagal nang kinuha nang kasintahan mo, hindi niya ba sinabi saiyo?"
Hindi ako sumagot at nakatulalang umalis sa lugar na iyon. Hindi pa tuluyang pumapasok sa isip ko ang mga sinabi nang landlady. Huh? Siya ang nagreport saakin? kaya nalaman nang land lady na nagpapasok ako sa apartment?
Bakit niya ginawa iyon?
Ano ang ginawa ko sa kanya para tratuhin niya ako nang ganito?
Ramdam na ramdam ko ang malalakas na pagpintig nang puso ko kasabay nang panlalamig nang kamay ko.
Hindi ko alam kong saan ako napadpad. Napahinto lang ako sa paglalakad nang makaramdam nang pananakit nang paa. Napalingon ako sa paligid at kaagad napansing nasa isa akong play ground. Umupo ako sa duyan habang pinapanood ang mga batang naglalaro kasama ang mga magulang nila.
I don't like this kind of feeling. Puro negatibo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Binuksan ko ang hindi na malamig na beer at ininom ito.
Biglang pumasok sa isip ko ang araw na mag confess si senior saakin. It's suspicious dahil sinabi niyang gusto niya ako kahit hindi pa kami gaanong magkakilala. Naihilamos ko ang palad sa mukha.
Tang ina, ang hirap palang pumasok sa isang relasyon, nakakastress at sakit sa ulo. Akala ko kilala ko na siya, hindi pa pala.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay mama. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ito nagrereply sa text ko kaninang umaga tungkol sa therapist na kaibigan niya.
Napatitig ako sa cellphone ko.
Hindi manlang siya nagtatanong kong nasan ba ako. Muli akong napabuga nang hangin at uminom ulit nang beer habang nakatingin sa mga batang nagtatakbuhan paalis dito sa playground. Napangisi ako nang mapansin ang pag ambon. Tignan mo pati ang ulap sinasabayan ang nararamdaman ko.
Muli akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog ito. It's mama. Kaagad ko itong sinagot.
"Im sorry ngayon lang nakatawag, ngayon lang ako nagkaroon nang libreng oras. Oh by the way. About the text you sent me this morning, she said she'll be back as soon as possible, nasa abroad kasi ito ngayon at bakit kailangan mo nang therapist?"mahabang sabi niya sa kabilang linya.
"M-may gusto lang akong tulungan, mama."mahinang sabi ko.
"Who? a friend?"
Hindi ako nakasagot dahil ang sakit nang lalamunan ko dahil sa pagpipigil na umiyak.
I want my mama's hug and comfort me right now. And tell me that everything's gonna be alright.
Tumikhim ako, "He's not my friend. He is my boyfriend mama."pag aamin ko.
May mahabang katahimikan sa kabilang linya, you must be shocked huh? Ang nag iisa mong anak may boyfriend na.
"He's acting weird and i w-want to help him.."pinunasan ko ang luhang pumatak at napabuga nang hangin."My heart hurts, mama."
I like him so much and i dont want to lose him. Kahit na naiinis, nagagalit o nandidiri man ako sa kanya, nangingibabaw pa rin ang pag aalala.
"Sinasaktan ka ba niya nang pysical?"seryosong tanong niya.
Natigilan ako. "No. "
Napag isip isip ko bigla, kahit kailan man ay hindi niya ako sinaktan nang pisikal.
Im just emotionally tired. Napangisi ako. Mas gugustuhin ko nalang na saktan niya ako nang pisikal kesa ang damdamin ko ang naghihirap.
Kasi kong pisikal, kapag nagkapasa, mawawala rin iyon, kung sugat naman, maghihilom.
Pero iba kapag mentally o emotionally na. Hinding hindi mawawala kahit ilang taon man ang lumipas.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)