KABANATA 42

2.3K 39 3
                                    

Pakiramdam ko hindi ko alam kong anong klaseng relasyon ang napasukan ko. Its too complicated. Ang dami kong impormasyong nalaman tungkol sa kanya. I told her mom that i'll try to understand him. Pero hindi ko alam kong kakayanin ko.

All these times they all know. His family. Pero kahit na isa sa kanila ay walang nagsabi saakin. Na ganito si senior keens. Hindi man lang ako binalaan.

Bigla ring pumasok sa isip ko ang mga binigay ni Mrs Salvadore, paano kong pampalubag loob niya lang saakin iyon?

I feel like its too late to regret.

This is called obsession, this is not like or love, he just think of me as his god.

Medyo nasaktan ako sa naisip. Hindi ko ata matanggap na walang feelings saakin si senior. Hindi ako papayag, pagkatapos niyang pumasok sa buhay ko at guluhin ito tapos sasabihin niyang hindi totoo ang nararamdaman niya saakin.

Napakamot ako sa leeg dahil sa naisip. No. No, he likes me. Stop thinking too much, june. Hindi niya gagawin ang mga ito kung hindi niya ako gusto.

Ini istalk niya kaya ako? ang family background ko? kaya pati ang libingan ni papa ay alam niya. I dont remember telling him about where is my father's grave but here we are. Nasa harap nang puntod ni papa.

Napatingin ako sa pangalang nakaukit sa nitsu. May bulaklak pang nakalagay at hindi pa ito nalalanta, na para bang may dumalaw sa kanya kahapon. Is it mama?

Marahan akong napabuga ng hangin at napalingon kay senior keens na nakatayo di kalayuan, na para bang binibigyan niya ako nang prebadong oras sa harap ni papa.

Nandito na ako sa harap ni papa dapat umiiyak na ako sa lungkot pero hindi. Masyadong busy ang utak ko kay senior keens, grabe ang epekto niya saakin.

Nag iwas ako nang tingin kay keens at napatingin ulit sa libingan. Malapit na ang birthday niya, i wonder kong magiging ganito ang buhay ko kung buhay pa siya. Hindi sana magpapakasal si mama sa iba. Sana may masaya at buo ang pamilya namin.

Pero kaagad din akong natigilan sa naisip, kung buhay pa si papa, hindi ako aalis nang laguna at kapag nangyari iyon hindi ko mamimimeet si senior sa university.

Sa university?

Muli kong tinignan si senior, kaagad na nagtama ang paningin namin, tumabingi pa ang ulo niya, nagtataka siguro kong bakit panay ang tingin ko sa kanya,

Kung ganon kilala na niya ako simula nang magkausap kami sa school?

Naaalala ko na director ng university si Mrs Salvadore at anak niya si keens, ang sabi hindi basta basta nagpapasok nang basta basta ang school naiyon.

At ang sabi ako ang pinakaunang naging scholar nang paaralang iyon. Tapos naalala ko na nirequest ako sa school na iyon para maging scholar nila.

Nilingon ko ulit si senior, medyo kinabahan nang maglakad ito palapit sa gawi ko.

Nagkataon lang ba ang lahat o planado ito?

Si senior keens ba ang nagpapasok sa akin doon?

Pakiramdam ko hawak na niya ako sa leeg.

Napaayos ako nang upo nang maamoy ang pamilyar na pabango niya.

"Papa.. this is senior keens, Umm my b-boyfriend."sabi ko at nilingon ang puntod ni papa. Na para bang sasagot ito. "And senior keens, my papa."pagpapakilala ko rin sa kanya at tiningala ito. Kaagad siyang umupo sa gilid ko at matamis na ngumiti.

"Hello sir, I am keens. Nice to meet you, i promise to take good care of your only princess."masiglang sabi niya. Kaagad na nag init ang mukha ko sa sinabi niya.

"Keens ano ba."nahihiyang sabi ko. Anong princess? Princess in distress? Gusto kong matawa sa naisip.

"She make me laugh, she make me happy, she make me alive, "marahang sabi niya habang nakatingin sa puntod ni papa. Ilang sandali lang ay nilingon ako at tinitigan sa mata. "I give you my heart, i give you my soul and you give me life."pagpapatuloy niya at hinawakan ang kamay ko.

Napakurap kurap ako. What is he doing? He's making me nervous.

"Ikaw ang dahilan kong bakit buhay pa ako, june. You save me from darkness. You are the sun in my day, the wind in my sky, the waves in my ocean, the beat in my heart-"

"K-keens.. what are you saying?"natatarantang sabi ko at pilit na ngumiti para hindi ipakita ang kabadong nararamdaman.

"I vow to serve, comfort, and hold you all our lives. I vow to lead, respect, and honor you, I promise to laugh, cry, hug, and hold you for all my days. Most of all, i promise to remain with you everyday for the rest of my life."pagpapatuloy niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

Ang init nang pakiramdam ko habang nakatingin sa kanya, kumikinang ang mata niya habang nakatitig naman saakin."Thank you for coming to my life, thank you for not pushing me away pagkatapos mong malaman ang t-totoo, kung anong klaseng tao ako."tumikhim siya pagkatapos pumiyok, saglit niyang iniiwas ang tingin saakin.

Halos pigil ko ang hininga habang pinuproseso ang mga pinagsasabi niya, nabalik lang ako sa sarili nang may nilabas siyang maliit na itim box.

No..

No..

"June Madrigal please marry me."seryosong sabi niya at binuksan ang box. Napakurap kurap akong napatingin sa kamay niyang nanginginig."Let's start all over again, leave the past and think about our future."pagpapatuloy niya.

"N-napag usapan na natin ang tungkol diyan, k-keens. H-hindi pa ako ready."

Matamis siyang ngumiti."I know. This is your engagement ring. So what is your answer?"sabi niya at kinuha ang singsing sa box at inilagay sa pala singsingan ko.

Kaagad kong naramdaman ang lamig non sa daliri. Kasabay nang panlalabo nang mata ko.

Did he just propose to me? in front of my father?

Hindi man lang ba niya hihintaying makapagtapos ako nang pag aaral? bakit ba palagi nalang siyang nagmamadali.

"W-when did you buy the ring?"tanong ko habang nakatingin padin sa daliri ko. Its simple but elegant. Napapalibutan ito nang maliliit na diamond.

Lahat nang pagdududa ko ay biglang naglaho. Does he love me?

"The day when you let me to be your boyfriend."sabi niya at pinunsan ang luha kong dumaan sa pisngi.

Ganoon na katagal?

Umangat ang paningin ko sa kanya at matamis na ngumiti."Please take care of me, senior keens."sabi ko at mahigpit siyang niyakap. Hindi niya ata inaasahan ang bigla kong pagyakap sa kanya kaya mula sa pagkakaupo ay napahiga ito sa damuhan.

"I will, please take good care of me too."mahinang sabi niya at mahigpit akong niyakap pabalik.

"I will."sagot ko habang umiiyak sa bisig niya.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon