KABANATA 9

2.9K 51 0
                                    

Nasa loob lang ako nang kuwarto, nagpapalipas nang oras. Nag aupdate din ako kay senior keens sa mga ginagawa ko, hindi rin sigurado kong nakikita niya ba ang text ko dahil hindi na ito nag text saakin Simula pa kaninang umaga. Bukod sa good morning ay hindi na nadagdagan.

Hindi ko nalang gaanong iniisip ito dahil baka nasa work lang. Hindi narin ako nangulit dahil ayokong makadisturbo sa trabaho niya. Nakatulog ako nang ilang oras hanggang sa gisingin ako nang isang kasambahay para tulungan ako mag ayos. 7 na nang gabi at 8 ang Simula nang party. Wala naman sigurong problema kong malate ako dahil hindi naman ako ang may birthday.

Ganoon na nga ang nangyari. Bumaba lang ako sa kalagitnaan nang kasiyahan, Ayoko pa sanang bumaba kong hindi lang ako pinatawag ni mama. Nakasuot lang ako nang simplemg itim na fitted dress, na may mahabang V line sa dibdib. It's been a while Simula nang magsuot ulit ako nang ganito.

Nakahawak ako sa braso ni john, inaalalayan ako pababa nang ikalawang palapag. Napatingin ako paligid at napansing nakatingin ang ilan saamin.

"I know you don't like parties, junny. Pero Ngumiti ka naman kahit kaunti, they're looking."bulong bulong na sabi ni john sa gilid ko."You know, it's been a while."pagpapatuloy niya. Marahan kong pinisil ang braso ni john.

Ngumiti ako nang may lumapit saamin, nagbatian lang Saglit bago nagpatuloy sa paglalakad papunta kay tito jose, para batiin ito. Mula sa kalayuan ay kitang kita ko ang isang grupo, nandon si tito jose, kasama niya si mama. May mga kasama itong mga naka pormal na kasuotan, alam ko namang tungkol lang sa trabaho ang pinag uusapan nila.

Nang tuluyang makalapit ay napatingin ito saamin. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay john at tuluyan nang lumapit, si mama ang una kong nilapitan.

"Hi, mama."nakangiting bati ko at humalik sa pisngi nito.

"June honey, bakit ngayon ka lang bumaba?"mahinang tanong niya. Napatingin ako kay tito jose nang mapansing nakatingin ito saakin, malaking tao si tito jose, sa paraan nang pagtayo nito ay malalaman mo kaagad na hindi ito basta bastang tao, isa sa mga dahilan kong bakit hindi ako kumportable sa kanya. He intimidate me.

"Happy birthday, f-father."medyo naiilang pa na sabi ko at lumapit ako dito para halikan ito sa pisngi. I really can't call him my father.

"Thank you, june."nakangiting pasasalamat nito."You look so beautiful."pagpuri niya.

"But my mama is much more beautiful than me."sagot ko naman kaya nagtawanan ang mga nakapalibot. Nakita ko ang matamis na ngiti ni mama habang nakatingin kay tito jose. May kung anong kumirot sa dibdib ko.

"Of course, no dought about it."pagsang ayon naman ni tito jose at Hinawakan sa baywang si mama, kaya mas lalong nagtawanan ang mga matatandang lalaking nanatiling nakatayo. "By the way, this is my daughter, June Marasigan."Pagpapakilala niya saakin sa mga kasama niya. Ngumiti ako sa kanila isa isa. Napansin kong mga kilalang tao ang mga ito kaya hindi ako mapakali.

Napatingin ako kay john nang magpaalam ito at iniwan ako sa grupo nang mga matatanda. Hindi ko rin naman alam ang mga pinag uusapan nila dahil balik sa business ang usapan nang mga ito. Kaya nagpaalam ako na mag ccr muna.

Nakahinga ako nang maluwag nang maka alis sa grupo nila, hindi nga lang ako tuluyang makatakas dahil maya maya kong may lumapit saakin at makipagkwentuhan, kahit hindi ko kilala ang mga ito. 11 pm nang makalabas ako nang mansion. Napabuga ako nang hangin nang maka upo.

Hinihilot ang paa dahil ang sakit non, lalo na at nakasuot ako nang heels. Ilang oras akong nakatayo at kulang nalang ay mamanhid ang paa ko. Biglang pumasok sa isip ko si senior keens, I wonder kung kumain na ito. Kaya kaagad kong kinuha ang cellphone, may isang tawag mula sa kanya. Kaya nagtipa ako nang text, Ilang Saglit lang ay tumawag ito Mabilis ko itong sinagot.

"Hi."kaagad na bati ko. May mahabang katahimikan sa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa likuran nang mansion, naka upo sa isang bench kaharap ang mga halamang paborito ni mama. Hindi naman ako mahilig sa halaman, pero wala akong choice dahil gusto kong umalis sa party, At ito lang ang parte nang mansion na pwede kong puntahan na walang makakadisturbo saakin.

"You're outside?"marahang tanong niya. Nagtataka siguro ito kung bakit hindi gaanong maingay ang paligid.

"Hmm.."pagsang ayon ko naman."Kumain ka na ba?"tanong ko at napatingin sa langit. Wala akong nakikitang kahit isang bituin. At Mukhang uulan pa ata.

"Not yet,"kaagad na sagot niya. Napaayos ako nang upo.

"Why? late na ah."

"Hinihintay kita."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kaagad na nag init ang damdamin ko. Muntikan ko nang makalimutan na ang sabi nga pala nito ay susunduin niya daw ako. Pero masyado nang late para magpasundo, at bukod pa don ay ilang oras ang biyahe papunta dito.

"Hindi pa din ako nagdidinner."sagot ko naman. Bukod sa wala akong gana dahil sa dami nang tao.

"Let's grab some late lunch then.."marahang sabi niya sa kabilang linya.

"But it's late-"

"I'm outside."

Tuluyan na akong natigilan sa sinabi niya. "Outside?"di makapaniwalang tanong ko at napatayo mula sa pagkakaupo. Alam kong isinend ko sa kanya ang location ko kaninang umaga, pero hindi parin ako makapaniwalang dadating siya at susunduin ako. He's here? for real?

"Hmm-"

"Kaylan pa?"pagpuputol ko sa sasabihin niya at nagmamadaling naglakad papuntang gate. 10 minutes ang lalakarin ko bago tuluyang makarating sa main gate.

"2 hours ago?"tila di pa siguradong sabi niya. Halos takbuhin ko ang gate nang sabihin niya yon. Kanina pa siya sa labas? May mga tumatawag sakin pero hindi ko sila pinagpapansin. I really don't care, hindi ko sila kilala. Hindi naman siguro nila mapansin ang pagkawala ko sa party. It's not like im an important person, at bukod doon ay I know I don't belong here.

Halos hinihingal ako nang tuluyang makalabas nang gate. Nagpalinga linga ako sa paligid. Di kalayuan ay may nakaparadang pamilyar na sasakyan, may nakikita din akong isang pamilyar na bulto, nakatayo ito sa labas nang sasakyan niya.

Ang lakas nang pintig nang puso ko habang naglalakad papunta sa nakikita kong pamilyar na mukha.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon