KABANATA 6

3.4K 57 1
                                    

"Are you okay?"marahang tanong ko. Habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi niya ako pinansin at doon ko nalamang may mali. Napatingin ako sa kamay kong unti unting nanlalamig. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin. Kaya nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa apartment ko.

Lalabas na sana ako nang mapansing hindi ko mabuksan ang pintuan. Bigla akong kinabahan nang mapansing naka lock ito.

Kaya wala sa sariling nilingon ko siya. Pero nakatingin lang siya sa labas. "Senior keens?"pag tawag ko sa pangalan niya. Pero hindi parin ito nagsasalita. Marahan akong napabuga nang hangin at tuluyan nang isinandal ang likuran sa upuan."You know, hindi mo naman Kailangan sunduin ako palagi. If you're tired you can go home-"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang marahas niya akong lingunin."Why?"tanong niya. Bahagyang Kumunot ang noo niya.

"Because you look tired and pissed, is it about your work? pwede mo naman akong kausapin kong may problema ka, hindi iyong hindi mo ako kakausap na para bang wala ako dito."sabi ko. Medyo naging emosyonal dahil sa mga sinabi.

Hindi ito nagsalita at nakatingin lang saakin. Una akong nag iwas nang tingin nang hindi ko kinaya ang paraan nang pag tingin niya. It's too deep..

"Please open the door."seryosong sabi ko.

"Hindi pa tayo nag didinner-"

"Sa apartment na ako kakain."pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"How about me?"mas kalmadong tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Muli ko itong nilingon, kaagad na natigilan nang mapansing nakangiti siya.

"Go home and eat your dinner, hindi naman Kailangan palagi tayong kumakain sa labas."

"Pero gusto kitang kasabay mag dinner."

Napakurap kurap ako. May kung anong kumiliti sa bituka ko dahil sa sinabi niya. "May mga pagkain sa ref, Kailangan ko iyong galawin.. baka masira."tila nahihiyang sabi ko. Tuluyan nang nawala ang inis ko sa kanya.

"How about you cook for me?"

"I not a great cook-"

"I can cook for you."muling pagpuputol niya sa sasabihin ko. Tuluyan na akong natigilan.

"Bawal ako magpapasok sa apartment-"

"My home is near here."

"Why are you doing this, senior keens?"naguguluhang tanong ko. Eto ba ang ginagawa nang isang kaibigan? I think not. he is so persistent.

"Hindi mo alam kong bakit ko ginagawa ang mga ito?"tila di makapaniwalang sabi niya."Are you pretending or just naïve?"

Seryoso ko itong tinignan. I don't want to admit. Im nervous at pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko mula sa lalamunan. Im not new to this, nakaranas naman din ako maligawan, hindi ko nga lang sila pinagbibigyan dahil mas inuna ko ang pag aaral at pag aalaga kay john dahil palaging wala si mama at tito jose.

I don't want to hear it. Hindi ko alam ang isasagot.

"I like you, june. "

Tuluyan na akong Napasinghap at napatingin sa kamay kong nanlalamig. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita pero walang boses na lumalabas. Tumingin ako sa labas para pakalmahin ang sarili.

"Hindi ko gagawin ang mga bagay na ito kung hindi kita gusto.."

"K-kailan pa? i mean you like me in a romantic w-way?"nahihiya pang sabi ko. Hindi parin makapaniwala sa sinabi niya. It's too fast. Nilingon ko ito pero nakatingin lang ito sa harapan. Tinatagan ko ang loob ko nang magtama ang paningin namin.

Kung ganon ay wala itong kasintahan?

"I just did.."

"Hindi ko alam ang sasabihin, senior.. hindi pa ako nagkaka boyfriend kaya i don't know about dating and my priority right now ay makapag tapos nang pag aaral-

"You don't have to worry about anything. I'll take of everything. Hindi rin ako makaka isturbo sa pag aaral mo...hmm?"

Muling umawang ang labi ko. Ang lakas nang pintig nang puso ko lalo na sa paraan nang pag tingin niya saakin. Na para bang hinihigop niya ang tingin ko na para bang bawal akong umiwas sa tingin niya. Napalunok ako.

"I-"

"Hindi mo naman kailangang sagutin ako ngayon, think about it."nakangiting sabi niya. Saka ko narinig ang pag click nang pintuan ko tanda na hindi na ito naka lock.

"Are you a good cook, senior?"ang tangging nasabi ko nalang.

"Yes."tila siguradong sabi niya. Lumambot ang ekspresyon niya at Mas lalong lumapad ang ngiti niya sa labi. Saka muling pinaandar ang sasakyan. Tipid akong Ngumiti kahit kinakabahan sa naging desisyon.

Sana hindi ko ito pagsisihan.

"Please take care of me, senior."pagpapatuloy ko. Na para bang pinapahiwatig ko sa kanya na siya na ang bahala saakin."Teach me about d-dating."sabi ko. Gusto kong kurutin ang sarili dahil nautal pa ako.

"I will, please take care of me too."

"I'll try.." ang tangging nasabi ko nalang hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa nanlalamig kong kamay. Napasinghap ako sa biglaan niyang ginawa. Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa dalawa kong kamay na nakalagay sa hita ko.

"No matter what happens, Please don't betray me or lie to me, do you understand?"marahang sabi niya at Saglit na pinisil ang kamay ko bago ito binitawan. Muli akong napatingin sa kamay ko nang gawin niya yon, ramdam ko parin ang naiwang init mula sa palad niya.

Inaamin kong i like him a bit. Una sa lahat may itsura ito, mabait din dahil palagi niya akong tinutulungan. I think ang tawag dito ay physical attraction. Siguro naman ay dadating ang araw ay matutunan ko din itong magustuhan.

Pero hindi naman siguro masama kong susubukan kong pumasok sa isang relasyon. Alam ko kasing hindi rin ito magtatagal, sa madaling salita ay panandalian lang at dadating ang araw na magsasawa ito saakin.

Kaya bago pa man mangyari ang araw na iyon, sana walang pagsisisi.

"I promise, senior."mahinang sabi ko. Lumipas pa ang ilang minuto ay tuluyan nang huminto ang sasakyan, kaagad kong napansing pumasok kami sa isang building na sa tingin ko ay parking lot.

nauna siyang lumabas kaya kaagad akong sumunod. Nagpalinga linga ako sa paligid. He lives here?

"Lets go?"pagpukaw niya saakin. napatingin ako sa kamay niya nang iangat niya ito na para bang sinasabi niyang, hawakan ko iyon. Nahihiya pa akong abutin iyon. Habang naglalakad papunta sa elevator ay hindi maalis ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. His hand feels hot and big. Na para bang nararapat ang kamay ko sa kamay niya.

Inalis ko ang tingin doon dahil sa kahihiyang naiisip.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon