"Alam kong ayaw mong tumanggap nang kahit na ano galing kay papa, matagal na niyang pinagawa ang bahay na ito. Ang sabi niya ibibigay niya daw to kapag birthday mo, pero matagal pa yon. Kaso narinig ni papa ang usapan natin nong nakaraan. Kaya ang sabi niya ibigay nalang daw sayo ngayon, kasi kailangang Kailangan mo ngayon."pagpapaliwanag niya. halata sa itsura niyang kabado siya."I just want to help, ate."
Halos walang pumasok sa isip ko nang sabihin niya iyon. Marahan akong napabuga nang hangin habang nakatingin sa paligid. May mga gamitna, Na para bang damit ko nalang ang kulang. May kung anong dumagan sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. hindi ko lang matanggap na may pakealam si tito jose saakin.
"San ka galing?"tanong ni Rafaela nang makabalik ako sa café.
"May pinuntahan lang."sagot ko naman habang naglalagay nang apron.
"May naghanap sayo kanina, siya ata iyong sinasabi mong senior keens."
"Bakit daw?"takang tanong ko at napatingin sa kanya.
"Ewan ko lang. Nong tinanong ko kung bakit hindi naman niya sinagot at tinalikuran na ako. Ang sungit naman non."tila nagrereklamong sagot ni Rafaela.
Oo nga pala, hindi niya alam na nag hahanap ako nang apartment. Nawala rin sa isip kong magpaalam sa kanya kanina na aalis lang ako Saglit. Nagtatalo kasi ang isip ko kung tama bang magpaalam sa bawat kaunting bagay na ginagawa ko.
Ngayong nasa kotse na kami ay halos hindi ko siya makausap. Hindi niya talaga ako pinapansin na nagpakaba saakin. Hanggang sa makapasok kami sa condo niya ay wala talaga. Mariin kong Nakagat ang labi ko habang tinitignan siya. Sinundan ko siya hanggang sa makaakyat kami sa pangalawang palapag, gusto ko sana siyang kausapin kong anong problema at bakit hindi niya ako kinakausap.
Hindi ko lang natuloy ang pagtatanong nang pumasok siya sa kwarto niya. Napabuga ako nang hangin. Nagtataka kong bakit siya umakto nang ganito, galit ba siya dahil hindi ko nasagot ang tawag at text niya kanina?
Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nag half bath. May mga oras talaga na hindi ko siya maintindihan. Hindi ko naman alam kong may nagawa ba ako dahil hindi niya ako kinakausap, kung may tanong naman ako, sinasagot naman niya pero sobrang tipid na para bang wala siyang gana.
Wala naman kaming pinag awayan kaninang umaga para tratuhin niya ako nang ganito. Nang makalabas nang kwarto ay kaagad ko siyang napansin. I was about to cook dinner for us nang mapansing nakapagbihis na ito.
"You going somewhere?"tanong ko nang maabutan siya."Can you please talk to me?"pagpapatuloy ko.
"Don't wait for me."ang tangging nasabi niya lang at tuluyan nang lumabas nang hindi ako nililingon. Naiwan akong nakatulala sa harap nang pintuan. He never done this to me before, that's why im dumbfounded. Naramdaman ko ang bahagyang pagsakit nang puso ko sa ginawa. he's acting cold.
At saan siya pupunta nang ganitong oras? Bakit hindi man lang niya sinabi kong san siya pupunta? family dinner? o baka may imimeet? sino naman ang imimeet niya? diba kapag aalis siya, sinasabi niya kung saan siya pupunta? kung sino kasama niya.
Bakit ngayon..
Nanlalabo ang mata ko habang naglalakad papunta sa kitchen, iniisip kong magluluto pa ba ako. Bigla akong nawalan nang ganang magluto. What if hindi pa siya kumain pagbalik niya? I cant believe na dadating ang araw na mag aalala ako nang ganito sa ibang tao.
Dati kasi sarili ko lang iniisip ko.
Pero sa huli ay nagluto parin ako baka sakaling hindi pa siya kumakain, kung hindi niya kainin, ito nalang ang kakainin ko sa breakfast. Nag hintay pa ako nang isang oras, nag babakasakaling dumating na siya. Sa bawat minutong lumilipas ay sumasakit ang damdamin ko.
Dalawang oras pa ang lumipas, naka upo lang ako sa kitchen, naghihintay sa kanya. Napabuga ako nang hangin at naglakad papunta sa sariling kwarto.
Kinuha ko ang cellphone ko at humiga sa kama, tinignan ko kung may text o tawag sa kanya pero wala. Ibinaon ko ang mukha sa unan. I feel hurt and disappointed. I hate this kind of feeling. I want to cry.
I should leave tomorrow dahil day off ko naman bukas. Kahit na ayaw kong tanggapin ang bahay na binigay ni tito jose ay wala na akong choice. No, may mapagpipilian ako. Katulad nang palagi kong sinasabi, kung ang opportunity ay nasa harapan ko na, bakit ko pa papahirapan ang sarili ko.
I should thank tito jose about the house. Napaayos ako nang higa nang pumasok ulit sa isip ko si senior keens. Paano ko siya kakausapin tungkol sa pag alis ko bukas kong hindi naman niya kinakausap.
Mas lalo akong nainis sa sarili. Hindi ko alam kong anong oras na, masyado kong inabala ang sarili sa pag iisip kay senior hanggang sa nakatulugan ko nalang. Nagising nalang ako nang maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa baywang ko.
Napakurap kurap ako. Madilim pa ang paligid. Hinawakan ko ang kamay na nakapulupot sakin at tatanggalin sana ito nang bahagya itong humigpit na para bang pinipigilan akong tanggalin ito.
"S-senior?"takang tanong ko. Hindi ako makagalaw at makaharap sa kanya dahil nasa likuran ko siya. Nagtataka kong nagkamali ba siya nang pasok ng kwarto. Pero imposilbe ito dahil palagi kong nilalock ang kwarto ko. Nakasanay ko na iyon dahil sa apartment ko.
"Saan ka pumunta kanina?"marahang sabi niya. Bahagyang naguluhan sa tanong niya. lalo na nang maramdaman ko ang mainit niyang hiningang tumama sa may tainga ko.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niya?" tanong ko pabalik. I feel offended, hindi namanako umalis kanina.
"Im asking you first, june. Answer me."
"I don't know what are you talking about."pilit na pinapakalmang sagot ko. Naiinis ako. Muli kong Hinawakan ang kamay niya para tanggalin ito para maharap ko siya pero nahihirapan ako.
"You promise that you will never lie to me, june."madiing sabi niya."I'll ask you again, saan ka pumunta kanina?"
Napabuga ako nang hangin. hindi ko siya maintindihan, hindi naman ako umalis kanina. Hindi kaagad ako nakasagot, iniisip ang sinasabi niya. Ang oras lang na umalis ako ay nong break time ko.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)