KABANATA 3

4.7K 68 0
                                    

"Good afternoon, Mr Salvadore."bati nang librarian kay keens.

"Good afternoon."magalang namang sagot ni senior keens at inilapag ang hawak na libro sa table. Nagulat pa ako nang lumingon ito saakin at Ngumiti."So.. what kind of work are you looking for? maybe I can help you."

"Ah.. i'm still thinking about it. Siguro kong ano ang available?"di siguradong sabi ko. Hindi ito sumagot kaya medyo nahiya ako. Iniisip kong hihintayin ko ba ito o mauuna na akong umalis. Wala naman na akong gagawin, uuwi na ako sa bahay tapos magpapahinga.

"Let's go."pagpuputol ni senior keens sa iniisip ko. Naguguluhang sumunod naman ako sa kanya nang lumabas ito nang library.

Tatanungin ko sana kong saan kami pupunta. Kaso bigla naman akong tinamaan ng hiya nang may mga sumalubong kay senior at batiin siya. Bumabati naman siya pabalik, hindi naman nagtatagal ang batian, daredaretsu lang ang lakad niya. Samantalang ako naman ay iniisip kong tama ba ang narinig ko kanina na 'tara na.' baka mapahiya pa ako dahil masyado akong assuming. What if mali ang narinig ko?

Dahang dahang Bumagal ang paglalakad ko nang maisip yon. Hanggang sa tuluyan nang napahinto sa paglalakad. Napatingin ako sa likuran ni senior keens na unti unting lumalayo. Kaagad kong naramdaman ang istado nang buhay namin. Im not really sure what im doing right now. Or what im feeling about it.

Para maiwasan ang kahihiyan ay lumiko ako sa kabilang pasilyo. Hindi ako sigurado sa narinig ko kaya mas mabuting umiwas kesa mapahiya kung bakit ko siya sinusundan. Lumipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating ako sa isang vending machine. Kumuha ako nang coffee in can, bubuksan ko na sana ito nang may nakita akong pamilyar na bulto.

Napakurap kurap ako. Hindi makapaniwala sa nakita."You're here?" hindi parin makapaniwalang tanong ko kay senior keens. Hindi niya pinansin ang tanong ko at dumaretsu din sa vending machine. Kumuha din siya nang coffee. I thought.. he left?

"Na lingat lang ako saglit, nawala kana."sabi niya habang nakatingin sa hawak niyang kape na same brand sakin.

"Huh?"naguguluhang tanong ko at binuksan ang can."Ako ba ang kausap mo kanina?"paninigurado ko. Hindi kasi talaga ako sigurado sa narinig kanina. Umiwas nga ako para hindi mapahiya, pero mas napahiya ako nang sabihin niyang ako nga kausap niya.

"Paano mo nalamang Nandito ako?"taka paring tanong ko.

Tinikman niya ang kape niya bago tumingin sa gawi ko."It tastes good."tila namamanghang sabi niya at muling uminom sa in can coffee. Kumunot ang noo ko nang hindi niya sinagot ang tanong ko pero hindi ko nalang yon gaanong iniisip.

"Is it your first time?"tanong ko. Hindi naniniwalang unang beses niyang uminom ng binili niya.

"Hmm. I'm just wondering, bakit ka bumibili ng can coffee? maybe it tastes good? well good thing sinubukan ko. I like it."nakangiting sabi niya at inubos ang ang kape ng isang inuman. Napailing ako at ininom narin ang kape. Dahan dahang Bumagal ang paglalakad ko nang mapansing nasa parking lot kami nang university. Hindi ko iyon napansin dahil masyado akong nakafocus sa coffee thing. Is he really rich?

Bigla ko tuloy naisip na isa akong commoner at isa siyang nobles. Iwinaksi ko yon sa isip.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko nang mabalik sa sarili. saglit niya akong nilingon ng buksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. Katulad nang ginawa niya kagabi. He's gentlemen.

"Ang sabi mo itretreat mo ako ng food? brunch?"tanong niya."I'm hungry, hindi pa ako nag bibreakfast."tila nagrereklamong sabi niya. Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Hindi maalalang sinabi ko yon. Ang naalala ko lang ay gusto niyang I libre ko siya ng pagkain bilang pasasalamat sa paghatid niya saakin kagabi.

Hindi ko alam na ngayon pala yon. Pumasok nalang ako sa loob ng kotse.

Wow, he's shameless. I chuckled. Hindi parin makapaniwala sa sinabi niya. Like what the..heck? Hindi man lang niya hinintay na ako mismo mag aya sa kanya.

But I find it amusing. Hindi kami nag uusap habang nag dadrive siya, hindi na ako nagtanong kong saan niya gustong kumain, pero hindi ko inaasahang sa isang café lang kami pupunta. Hinanda ko pa naman ang sarili ko na sa mamahaling lugar niya ako dadalhin. Kasi ako ang magbabayad. Iniisip na baka magkulang ang dala ko.

"This is my friend's café."sabi niya nang makalabas kami nang sasakyan. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito. Medyo may kalayuan sa university. Maganda rin ang lugar, maaliwalas, hindi masikip sa pakiramdam. May sumalubong na isang lalaking nakasalamin, he looks matured at Mukhang mas matanda nang ilang taon kay senior keens.

"Mabuti naman at naisipan mo ring dumalaw, ilang buwan na kitang niyayayang pumunta dito-"hindi niya natapos ang sasabihin nang mapalingon ito sa likuran ni senior keens, Nakong nasaan ako. Nagtama ang paningin namin."Ohh.. may kasama ka. Who's this kid?"tanong niya at tumingin kay senior keens.

Medyo nainsulto ako nang sabihin niya ang salitang kid. Im no kid. Alam kong hindi ako katangkaran pero hindi ako Mukhang bata. Im already 21. Ngumiti ako nang pilit para hindi ipakitang naiirita ako sa sinabi niya. I need to be friendly, he is senior keens friend.

"She is June, my junior. And june, this is Hussain. A friend of mine."

"Nice to meet you, sir Hussain."magalang na bati ko.

"Nice to meet you too."balik na bati niya.

Nauna akong umupo, Tahimik lang ako habang naghihintay kay senior. Nasa counter kasi ito at kausap si sir Hussain. Paminsan minsan ay lumilingon ito saakin. Ngumingiti lang ako bilang sagot. Tumingin ako sa paligid, may iilang customer akong nakikita. Tumingin nalang ako sa labas para magpalipas nang oras habang wala pa si senior.

Wala pang ilang minuto nang maramdaman kong may umupo sa harapan kaya napalingon ako dito. "Sorry, may pinag usapan lang kami. What do you think of this place?"panimula niya.

"This place looks nice. I like it."

"I see, so do you want to work here? Kakabukas lang nila few months ago, and they're looking for a barista, they can teach you about it. Hindi nila kailangang nang professional. And about the salary-"

"Bakit mo ako tinutulungan, senior keens?"tanong ko at daretsu itong tinignan sa mata. Kitang kita ko ang dahan dahang pagkawala nang kinang nang mata niya. At napalitan iyon ng pagka Blangko. It gave me chills.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon