KABANATA 28

2.4K 42 0
                                    

May nangyari na saamin at dapat hindi na ako nahihiya sa kanya. Pero hindi ko mapigilan ang sariling huwag mahiya lalo na at nakatingin siya sa ibabang bahagi nang katawan ko. Bakit niya tinitignan ito?

Mariin kong nakagat ang labi ko nang marahan niya iyong himasin at pagkatapos ay may malamig na bagay siyang inilagay. Hinihingal ako habang tinitignan siya sa ginagawa. Ano iyong nilalagay niya sa pagkababae ko?

This is so embarrassing! Binuksan pa niya ang ilaw kaya kitang kita niya! Gusto ko nang lumubog sa kinakahigaan ko ngayon.

"It is medicine. For swelling."

Napalabi ako at napatingin sa kanya. Nakatingin parin siya don at hinihimas parin niya! It's starting to feel good. Mariin kong kinagat ang labi ko para hindi mapadaing sa ginagawa niya. Calm down junny. Naglalagay lang siya nang gamot.

"But i dont think it's still swelling, no? it doesn't hurt anymore."sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak parin sa kamay ko."Can you please let go of my hand?"reklamo ko dahil sumasakit na ang pagkakahawak niya saakin.

Natigilan siya sa ginagawa at kaagad na binitawan ang kamay ko. Kaagad kong hinimas ang palapulsuhan ko. Namumula pa ito."Dapat sinabi mo, ako nalang sana ang naglagay-"

"I can take care of you! let me do my job, diba ito ang isa sa pangako ko saiyo? It's my fault- It's my lust fault, hindi ko dapat ginawa saiyo iyon. Hindi ka sana m-magkakasakit."tila nanghihinang sabi niya. Nang tuluyang makaupo ay napatingin ako sa mukha niya. Ngayon ko lang napansin ang malaking eyebags niya. At halata sa mukha niya ang pagod.

May tumutubo na ring balbas kaya mas naging matured ang itsura niya, magulo rin ang buhok.

Na para bang hindi siya ang senior keens na nakilala ko. At ano iyong sinasabi niyang kasalanan niya? Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay.

"It's not your fault.. At tsaka ang sabi ni doc salvadore, fatigue lang ito."pang aalo ko at pilit na sinisilip ang mukha niya dahil nakayoko ito."Did you take good care of me?"tanong ko at pinisil ang kamay niya para makuha ko ang atensyon niya.

Tumango ito bilang sagot habang hindi parin nakatingin saakin."Thank you."marahang sabi ko. May kung anong kumurot sa dibdib ko. Simula pa lang nang bata ako ay walang nag aalaga sakin kapag may sakit ako. Wala kasi si mama at palagi siyang nasa hospital. Kaya nasanay akong itulog nalang kapag masama ang pakiramdam ko o may lagnat ako.

Minsan pa nga ay nagpapanggap akong walang sakit sa harap ni john dahil ayokong mag alala ito saakin. That's when we were young.

"I got scared. Akala ko hindi kana magigising.. you can't leave me okay? At kapag may nararamdaman ka, kailangan sabihin mo kaagad saakin."sabi niya at tumingin saakin, natigilan ako nang mapansing madilim ang mukha niya. What's wrong with him? Hindi naman malala ang sakit ko. Simpleng lagnat lang naman. At tsaka ayos na ako."Promise me!"pagpapatuloy niya.

Is it called over reacting?

"I promise.. calm down. Im fine now."marahang sabi ko at hinimas ang mukha niya. Unti unting kumalma ang mukha niya hanggang sa ipinikit niya ang mata. Marahan ko siyang hinila para makahiga siya sa tabi ko. Pero hindi ko inaasahang magpapaubaya siya at nagulat ako sa bigat niyang bumagsak mismo sa katawan ko.

Ang lakas nang pintig nang puso ko habang nakayakap sa kanya. Kulang nalang ay hindi ako makahinga dahil sa katawan ko mismo ito humiga. Mabuti nalang talaga at malambot ang kama kaya lumubog kami.

"Are you okay?"tanong ko at hinihimas himas ang likuran niya. Hindi ko siya narinig na sumagot. Sinilip ko siya pero nang mapansing nakapikit ang mata. Nakatulog na ata dahil sa pagod. Medyo nahabag dahil sa itsura niya. Bakit niya pinapabayaan ang sarili niya?

Nang may kumatok ay medyo nagulat pa ako, sumilip doon ang pamilyar na mukha. It's nana. Nandito rin siya?

Napatingin siya sa paligid bago bumagsak ang tingin nito sa kama nakong saan kami nakahiga ni keens. Nahiya pa ako sa posisyon namin. Gusto kong itulak si senior pero baka magising ito kaya hinayaan ko nalang.

"Pinapasabi ni doctor salvadore na aalis na siya."marahang sabi nang matanda.

"Opo. Maraming salamat."mahinang sabi ko. Saglit akong tinitigan ni nana bago bumaba ang tingin sa nakahiga saakin.

"Gusto mo bang tulungan kitang ialis siya sa pagkakadagan saiyo?"tanong ni nana. Unti unting uminit ang mukha ko sa sinabi niya bago tumango. Kahit dalawa na kami ay hirap na hirap kaming itulak si senior sa gilid ko para makahiga ito nang maayos.

Halos pagpawisan ako nang tuluyang maihiga namin ito ng maayos, mabuti nalang at hindi ito nagising. Samantalang hinihingal naman si nana na nakapamaywang, kaagad naman akong nagpasalamat.

Tinignan ko si nana na kaagad lumabas nang kuwarto. Muli kong nilingon si senior na mahimbing parin ang tulog. Hindi ko na alam kong ano na ang nararamdaman ko sa kanya. I know i like him dahil he is kind and nice. Pero ang ayoko lang naman sa kanya ay kapag kinu control niya ako. He said he's not controlling me pero iyon ang nararamdaman ko.

And i also dont mind if he's being paranoid or moody. I can deal with it.

It is more than like? Do i love him?

No, magkaiba ang like at love.

I dont want to love him, It's scary.

What if dumating ang araw na maghiwalay kami? tapos maiwan akong mag isa, kahit na alam kong walang nagtatagal na relasyon at dadating ang araw na makakahanap kami nang para sa amin.

Unti unting lumabo ang mata ko. Bigla akong nakaramdam nang pananakit nang dibdib dahil sa naisip.

Ano bang pinag iisip ko? nakakainis.

Pinilit kong matulog pero hindi talaga ako dinalaw nang antok. Marahan akong napabuga nang hangin at unti unting bumangon mula sa pagkakahiga. Saglit kong tinignan si senior bago lumabas nang kwarto. Noong una nagtataka pa ako bakit nakabukas ang lahat nang ilaw, nang tuluyang makababa ay kaagad kong napansin si nana sa kusina.

Napalingon siya sa gawi ko bago nagpatuloy sa ginagawang pagpupunas. Madaling araw na bakit naglilinis parin siya?

"Bakit nandito ka?"tanong niya."Kagagaling mo lang sa sakit, dapat nagpapahinga ka pa."

"Hindi ako makatulog."Sagot ko at dumaretsu sa ref at kumuha nang gatas.

Hindi ito sumagot kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawang pagsalin ng gatas sa baso.

"Dalawang araw nang hindi natutulog si ginoong keens kakabantay saiyo."muling pagbasag niya sa katahimikan. Unti unti kong ibinaba ang hawak na baso at nilingon ang matanda. Hindi naniniwala sa sinabi niya.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at aakayat na sana para sa kwarto nalang magpalipas nang oras nang muli itong magsalita.

"Naalala ko na kung bakit pamilyar ang mukha mo, may nakita akong picture mo sa gallery room ni ginoong keens."sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Picture? gallery room?"nagtatakang tanong ko.

Kumunot ang noo niya."Hindi mo alam? Akala ko ilang taon na kayong magkaibigan ni ginoong keens at neto lang naging kayo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ilang taong magkaibigan? Last year lang kami nagkakilala ni senior, kaya imposible ang sinasabi ni nana.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon