KABANATA 1

6.9K 77 0
                                    

Nang mabalik sa sarili ay Mabilis akong humabol sa paglalakad sa kanya. Binagalan ko ang pag lalakad nang medyo malapit na sa kanya.

"Senior. Hindi mo na kailangang ihatid ako. Malapit lang ang apartment ko dito."Hinihingal pa na sabi ko. Im really not drunk. Gusto ko lang umiwas dahil sa kahihiyan.

"I insist. I can't leave my junior alone, drunk. Uuwi narin ako, wait for me here, iiwan ko lang ang card ko sa kanila."sabi niya at tuloy tuloy na Pumasok sa loob. Tuluyan akong napahinto sa paglalakad. Naguguluhan kong bakit kailangan niya akong ihatid. What if I told him the truth na hindi naman talaga ako lasing.

Hindi naman niya kailangan gawin ito. I admit he's a good guy. But-

"Let's go."narinig ko ang pamilyar na boses ni senior keens. Totoo nga ang sinabi niyang iiwan niya lang ang card niya sa loob. Hindi ko alam kong bakit. Siya ba ang magbabayad nong mga order kanina? Ang dami non at ang mamahal pa nang mga pagkain at inumin nila dito. Iniisip ko palang na tama ang iniisip ko ay may negatibo na akong naramdaman. It feels wrong..

Wala sa sariling sumunod ako sa kanya."Bakit mo iniwan ang card mo doon senior?"takang tanong ko habang sinusundan siya. Napansin ko ang bahagyang pagbagal ng paglalakad niya kaya nakahabol ako sa kanya.

"It's my treat, don't worry about it. At hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong kausapin ako. I prefer kung kumportable ka kung hindi tayo nag uusap, hayaan mo nalang akong ihatid ka."marahang sabi niya. Ngayon ko lang napansing Nandito na kami sa likuran nang bar Nakong saan ang parking lot. Lumapit siya sa isang itim na kotse at nilingon ako.

Automatic na napahinto ako sa pag lalakad. Ihahatid niya talaga ako? Hindi naman kailangan, 20 minutes lang naman ang layo nang apartment ko dito kapag lalakarin.

"Hop in."sabi niya at binuksan ang pintuan ng kotse.

Nag aalinlangang pa ako bago Pumasok sa loob. Is it normal na ihahatid ng senior ang junior niya? O masyado lang siyang mabait?

Pinanood ko itong umikot at Pumasok sa driver seat. Pinanood ko itong maglagay nang seat belt, kaya isinuot ko narin ang seat belt ko.

"Don't be scared..I wont kill you."nakangising sabi niya. Na para bang pinapagaan niya ang loob ko sa kanya para hindi ako ma awkward. Marahan akong napabuga nang hangin.

"Is it really okay, senior? Na ihatid ako?"tila nag aalinlangan paring sabi ko kahit nakasakay nako sa kotse at pinapatakbo na niya ang kotse niya.

He chuckled."Where do you live?"tanong niya. Hindi sinasagot ang tanong ko. Kaagad ko namang sinagot ang tanong niya at sinabi ang address.

"Oh, pareho lang ang daan natin."tugon naman niya dahilan kong bakit medyo nabawasan ang hiya at kaba ko. Na para bang idadaan niya lang ako kaya medyo hindi nakakailangan na ihatid niya ako. He must be like this to everyone.

Habnag nasa daan ay tahimik lang kami. Nakatingin ako sa labas, hindi traffic kaya Mabilis kaming nakarating sa patutunguhan. Inihinto niya ang sasakyan. Tinanggal ko ang seat belt.

"Thank you, senior."pasasalamat ko.

"You live here?"tanong niya at inilagay ang parehong braso sa steering wheel at tumingin sa building na nasa gilid ko.

"Ah yes."kaagad na sagot ko. at napatingin narin sa building na kong saan ang apartment ko. Muli ko siyang nilingon kaya napatingin din ito saakin.

"Salamat ulit. "sabi ko at binuksan ang pinto.

"Thanking me is not enough, treat me next time."nakangising sabi niya at umayos ng upo.

"Okay."nakangiting sabi ko at tuluyan nang lumabas. "Ingat sa pag uwi, senior keens, i'm sorry bout earlier. Goodnight." sabi ko at sumilip sa loob. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tuluyan nang isinara ang pinto. Napabuga ako nang hangin bago humarap sa building. May apat kasing palapag sa building na ito at nasa pangalawang palapag ang inuupahan ko.

Nakatingala ako habang nakatingin sa apartment ko. Natigilan nang mapansing may ilaw ito. Alam kong pinatay ko ang mga ilaw bago ako umalis kaninang umaga. Imposibleng makalimutan ko itong patayin dahil nag titipid ako nang kuryente.

Napaatras ako nang mapansing may anino akong nakitang nakasilip sa bintana. May bintana kasi sa tabi nang pintuan. Ang lakas nang pintig nang puso ko, nilooban ba ako? Wala namang importanteng mga gamit sa loob kundi ang laptop ko lang at ang mga perang ipinadala ni mama.

Tumawag kaya ako nang pulis? paano kong ang land lady lang yong nandon? Pero bakit naman papasok sa loob ang land lady nang hindi ako iniinform? anong gagawin ko?

Ramdam na ramdam ko ang panlalamig nang kamay ko dahil sa kaba..

"Dito ka ba talaga nakatira?"

Napapitlag ako nang marinig ang pamilyar na boses. Mabilis ko itong nilingon. Kakalabas niya lang sa kotse niya. Hindi pa pala siya umalis?

"What's wrong?"tanong niya at tuluyan nang lumapit saakin.

"Senior.."kinakabahang sabi ko. "I live alone.."sabi ko at muling nilingon ang ikalawang palapag."May Nakita akong sumilip sa bintana."tila gulat at takot na sabi ko.

"Which floor?"seryosong tanong niya. Mabilis kong itinuro ang ikalawang palapag, Nakong saan may isang apartment na may ilaw."Get inside, wait for me here."malamig na sabi niya at naunang maglakad papasok sa building.

"Senior, teka, wag! paano kong magnanakaw iyon tapos may patalim o ano, baka masaktan ka."natatarantang sabi ko at pilit na pinipigilan siya sa gagawin. Bahagya siyang natigilan at napatingin sa kamay kong hawak hawak ang hoodie niya. Nasa sobrang paghila ko ay mukha luluwang ito sa kanya.

"Ang sabi ko ay sa kotse ka lang-"

"Tumawag nalang tayo nang pulis o barangay-"

"Junny?"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang may mag salita. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nang boses. Nakatayo doon ang pamilyar na mukha. Nakatingin ito saamin. Naguguluhan.

"John? anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong ko.

"You know him?"seryosong tanong ni senior keens.

"Yes.. its my brother."kaagad na sagot ko.

"Kanina pa kita hinihintay..sino siya?"takang tanong ni john at napatingin sa kamay kong nakahawak parin sa hoodie ni keens. Mabilis ko itong binitawan.

"Ikaw yong sumilip kanina sa bintana?"tanong ko. Unti unting nabubuhay ang inis ko.

"Huh? Oo. Late na kasi akala ko kung napano kana-"hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita ng pinaghahampas ko ang braso ni john dahil sa inis.

"Tinakot mo ako!"naiinis na sabi ko. Hindi ko sana siya titigilan sa paghampas kung hindi ko lang naisip na hindi lang kami ang Nandito at baka makaistorbo sa mga kapitbahay namin.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon