KABANATA 21

2.7K 47 0
                                    

Hindi ko alam kong bakit pinagreready ako ni keens nang 8. Ang iniisip ko lang ay baka gusto niyang kumain kami sa labas, siguro gusto niyang maging iba naman kaya Kailangan kong mag ayos? what for?

Napatingin ako sa sarili ko sa malaking salamin, suot suot ko ngayon ang isang itim na dress, isa itong turtle neck fitted dress at may mahabang sleeves, may kasama din itong mga alahas at hindi kataasang heels, I really don't mind. It looks elegant at natatakpan ang leeg kong may malaking pasa. Ito siguro ang ginawa ni senior kagabi, hindi na ako magtataka, ang sakit ba naman nang pagkakakagat niya eh.

Siya ba ang pumili nito? I admit na may maganda siyang taste sa damit. Pero I still can't believe he chose this for me,

Ipinilig ko ang ulo ko, It feels strange. I look different. Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin bago lumabas nang kwarto. It's already 7:45 kaya may minabuti ko nalang na bumaba na nang building para sa baba nalang siya hintayin.

Sakto namang pagbaba ko sa basement ay siyang pagdating nang isang pamilyar na sasakyan. Tipid akong Ngumiti nang magtama ang paningin namin, and there is it. Ang palagi kong nakikita sa mga mata niyang hindi ko maintindihan.

"Hinintay mo nalang sana ako sa taas."salubong niya sa akin at marahang Hinawakan ang baywang ko para igaya sa sasakyan.

"I don't mind waiting for you here."sagot ko naman at pumasok sa loob nang pagbuksan niya ako.

Pinanood ko siyang umikot at pumasok sa driver seat. I expected him to compliment my look, but to my disappointed hindi man lang niya ako sinabihan nang maganda. Tinignan ko siya sa gilid nang paningin ko. Waiting for him to say that im beautiful tonight.

"I do mind."pagpuputol niya sa iniisip ko. Naramdaman ko ang pag iinit nang mukha ko dahil sa iniisip."Next time, wait for me where I left you."seryosong sagot niya.

Marahan akong napabuga nang hangin at isinandal ang likod sa upuan. May kung anong kumirot sa dibdib ko.

"Where are we going?"tanong ko. Nakatingin sa labas. Bahagyang Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang kamay niyang marahang humawak sa kamay ko. Mula sa labas ay napatingin ako sa kanya. Napansin kong mariin ang tingin niya sakin na hindi ko maintindihan.

"Are you okay?"balik na tanong niya sa tanong ko. Huh? what does he mean by that?

"I am, why?"takang tanong ko.

Hindi siya nag salita at ibinalik nalang ang tingin sa kalsada. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Where are we going?"pag uulit ko sa tanong ko kanina. I don't know why im feeling irritated. Dahil ba sa hindi niya pinuri ang kasuotan ko, well kahit na siya ang bumili nito. I think I deserve a compliment dahil nag effort akong magsuot nang make up.

Am I being pity? getting mad because of this ridiculous reason?

"Were going to meet my parents-"

"What?"gulat na pagpuputol ko. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at Masama ko siyang tinignan."At hindi mo man lang sinabi saakin?"tila na ooffend na sabi ko.

"Don't do that again."

"Don't do what?"panghahamon ko sa kanya. Naramdaman ko muli ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Muli akong napabuga nang hanggin at napatingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Ang lakas nang pintig nang puso ko, pakiramdam ko sasabog na ako sa inis sa kanya. Ibinaling ko ang tingin sa labas, pilit na pinapakalma ang sarili.

"You're always controlling me."pagpuputol ko sa katahimikan. Hindi makatingin sa kanya dahil pakiramdam ko maiiyak ako."At bukod doon, hindi mo sinasagot ang mga tanong ko at iniiba kaagad ang usapan. You always told me to keep you updated, but you're not doing the same thing. And now, were meeting your family without telling me first?"marahang sabi ko.

I don't think this relationship will work. Maybe we're too young to understand this. Or maybe im the one who cant understand this?

I don't know..

Napakurap kurap ako nang huminto ang sasakyan, Napatingin ako sa kanya nang lumabas ito at buksan niya ang pintuan sa banda ko. Naguguluhang lumabas ako at napatingin sa paligid at kaagad napansin ang walang katao tao dito.

Naramdaman ko ulit ang kamay niyang humawak sa kamay ko at hinila ako sa kung saan. Bumagal ang paglakad ko nang makita ang nasa harapan ko. Mula sa kinakatayuan ko ay kitang kita ko ang mga ilaw ng mga naglalakihang building. Pero sa kinakatayuan ko ay they all look so small, and pretty.

"Is it calming you down? the night city?"marahang tanong niya. Na para bang nag iingat sa kung ano.

Hindi ako nakasagot. The cold breeze of the night is calming. I admit, nakakagaan nga sa pakiramdam ang view na nakikita ko. Lalo na ang malamig na hanging tumatama sa buo kong katawan.

"If you're not comfortable to meet them, it's okay.. Im sorry if I didn't tell you, I didn't mean to be rude or offend you.. I am really sorry.. will you forgive me? hmm?"sabi niya at tumayo sa harap ko, tinatakpan ang magandang view."If you think that im controlling you, I didn't mean it that way, Ginagawa ko lang ang makakabuti sayo. I cant believe na ganyan na pala ang iniisip mo saakin, medyo nasaktan ako- "bahagya siyang Ngumiti at tinalikuran ako,." I cant help it. Im just too excited.. about us."pagpapatuloy niya.

Napatingin ako sa kamay kong nanlalamig. I feel guilty.

Yes, I am.

Pero hindi ko pinagsisihang sabihin sa kanya ang saloobin ko. Napatingin ako sa likod niyang nasa harapan ko. Marahan kong isinandal ang noo ko doon at ipinulupot ang kamay sa baywang niya. Naramdaman ko ang bahagya niyang pag ayos nang tayo na para bang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

"Im sorry kung nasaktan ko ang damdamin mo, you know that this is my first relationship right? this is all new to me."naramdaman ko ang kamay niyang marahang humawak sa kamay ko.

"Im proud of you, june. For opening up to me and about the controlling thing..i'll try not to do that again. I'll try.."

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon