KABANATA 19

2.5K 41 1
                                    

Muli akong huminga nang malalim at hinayaan nalang ang kamay niya."Ang tinutukoy mo ba ay ang pag alis ko kaninang break time ko?"tanong ko dito. Pero hindi siya sumagot, na para bang naghihintay siya na ipagpatuloy ko ang sinasabi ko. I cant believe na eto ang pinag mulan nang lahat.

"I went out to meet john. You still remember him, right? My brother."

"He's not your brother."pagtatama niya sa sinabi ko.

He's my brother kahit hindi kami magkadugo. Ayokong makipagtalo kaya hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.

"May titignan sana kaming apartment-"

"For what?"tila naalertong tanong niya at bahagya siyang gumalaw.

"Alam mo namang hindi ako pwedeng manatili dito, keens. This is your place."sabi ko naman at tinignan siya nang mawala ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil walang ka ilaw ilaw ang kwarto ko.

"You're leaving me?"malamig na tanong niya. Napaupo ako at Binuksan ang lamp sa gilid ko. Nang tuluyang mag adjust ang paningin ko ay kaagad ko siyang nakitang nakaupo sa gilid nang kama ko. Nakatalikod ito saakin.

"What? no, I mean lilipat lang ako-"

"Do what ever you want."madiing sabi niya at lumabas nang kwarto ko. Gulat na napatingin ako sa pintuan nang pabagsak niya iyong isinara. Nang matauhan ay kaagad akong lumabas nang kwarto at kumatok sa kwarto niya. Pero hindi niya ako sinagot kaya Binuksan ko ang kwarto niya.

At dahil nakadim ang ilaw kaya kitang kita ko siyang nakatayo sa gitna nang kwarto niya. Na para bang alam niyang susunod ako at hinihintay niya akong pumasok.

"Keens.. naiintindihan mo naman ako diba?"marahang tanong ko at isinara ang pinto. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan, ready to run if he snapped. Kahit na nagdadalawang isip ako na sumunod o pumasok sa lungga niya, I feel like this is the right thing to do. Ayokong mag away kami bago ako umalis sa condo niya.

At tsaka Matagal ko nang pinag isipan ito.

"I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam kanina, i'll never do that again-"hindi ko natuloy ang sasabihin nang bigla niya akong nilingon.

Blangko ang mukha niya, hindi ko siya mabasa na mas lalong nagpakaba saakin. I hate it when he do that.

"Hindi ka aalis dito, june."

"A-ano?"

"Are you deaf?"sarkastikong tanong niya at dahan dahang naglakad palapit saakin. Hindi parin ako nakakabawi sa sinabi niya nang tuluyan na siyang nakalapit."You hear me? hindi ka aalis dito. You stay here."

"No. Aalis ako kung gusto ko and you can't stop me."sabi ko naman. Pilit na tinatatagan ang sarili. Unti unting nabubuhay ang inis ko sa kanya."You have no right to say that, keens."pagpapatuloy ko at pilit na nilalabanan ang tingging binibigay niya saakin.

"I have right, you are my girlfriend-"

"I am just your girlfriend, im not your wife- you have no right to control me or my decision-"Napasinghap ako nang marahas niyang takpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. At dahil sa pagkabigla ay napasandal ako sa dingding at Muntikan pang mauntog ang ulo.

"Then marry me, june."tila nanghihinang sabi niya. Idinikit niya ang noo siya sa noo ko kaya sobrang lapit namin sa isat isa. ang lakas nang pintig nang puso ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

I want to speak pero nanghihina ang kamay kong tanggalin ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko na siyang nagpipigil sa pagsasalita ko.

Bakit ang dali lang sa kanyang yayain akong magpakasal? it's too fast. Ni minsan nga ay hindi pumasok sa isip ko na magpakasal sa kanya, yes, I like him, but my feelings for him is not that deep.

At alam ko namang hindi rin magtatagal ang relasyon namin, dadating ang araw na magsasawa rin siya saakin.

Hindi ko alam kong gaano kami katagal sa ganoong posisyon, Tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig ko at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm sorry.. i didn't mean to get mad at you, i left earlier dahil gusto kong maramdaman mo kong ano ang nararamdaman ko kapag hindi ka nag aupdate saakin. Nasa parking lot lang ako, nagpapalipas nang oras. Wala akong ibang pinuntahan.. but when you said about the apartment, i got hurt... Is it my karma dahil gumanti ako? huh?"mahinang sabi niya.

Mariin kong Nakagat ang labi ko sa sinabi niya. Gumanti siya? kasi hindi ako nagpaalam na aalis ako saglit?

Kaya rin ba hindi siya nagsabi kong saan siya pupunta kanina? how childish. Kung ganon nasa baba lang siya all the time? samantalang ilang oras ko siyang hinintay.

Gusto kong matawa dahil sa iniisip.

"I'm sorry about that, hindi na iyon mauulit, okay? At ang tungkol naman sa apartment--Its not apartment, it is a house given by tito jose. You can stay there too, hindi katulad don sa dati kong apartment na isang tao lang ang pwede. "pagpapaliwanag ko naman at marahan siyang niyakap.

Hindi ito nagsalita pero nararamdaman ko ang kamay niyang humawak sa baywang ko. Umayos siya nang tayo. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya pero ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Can't you stay here?"marahang sabi niya at idinikit ang labi sa noo ko. Napapikit ako nang gawin niya iyon,

"N-no i told you, i cant stay here-"hindi ko natapos ang sasabihin nang dumapo ang labi niya sa labi ko.

Automatic na napahawak ako sa tagiliran niya nang maramdaman ang panghihina nang tuhod ko. Pakiramdam ko ay matutumba ako kapag hindi ako humawak sa kanya, lalo na nang maramdaman ko ang dila niyang naglilikot sa loob nang bibig ko.

Hindi ko matandaan kong kelan ang huling halik niya saakin, kaya kaagad na nablangko ang isip ko. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong hita at ipulupot sa baywang niya habang nakasandal ako sa dingding, kaya naging pantay na ang tangkad namin. Kaagad kong ipinulupot ang kamay sa leeg niya para hindi mahulog.

Marahas at mapag angkin ang mga labi niya sa labi ko, na para bang uhaw na uhaw siya, Hinihingal ako nang bitawan niya ang labi ko at gumapang ang labi niya sa pisngi papuntang leeg nakong saan ang sensitibong parte nang katawan ko.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon