Dalawang linggo ang lumipas mula nang makatulog ako sa condo ni senior keens, at hindi na iyon nasundan. Kahit gaano ko man kagustong matikman ang luto niya. Pinili ko nalang na sa labas kami magdinner at Pagkatapos kumain ay daretsu uwi sa apartment.
Hindi naman pala mahirap Pumasok sa isang relasyon. Kung ano man ang ginagawa namin noong hindi pa kami ay ganoon parin ang ginagawa namin nang maging kami. Bukod sa wala akong problema sa kanya, well except sa biglaang pagbabago nang mood, wala na.
Napansin ko ding clingy siya pero ayos lang naman saakin iyon.
"Table 12." sabi ko kay Andrew, Tumango nalang ito bilang sagot at kinuha ang tray namay lamang fries at milk tea. Hindi narin naulit ang pagtatanong saakin ni Andrew kong bakit palagi niya akong nakikitang sumasakay sa kotse ni senior keens kapag uwian.
Hindi naman sa tinatanggi ko namay relasyon kami, pero nakakahiya naman kasing umamin.
Ngumiti ako nang may Pumasok, binati ko ito at Tinanong kung ano ang order. Napatingin ako sa customer nang hindi ito magsalita. Uulitin ko sana ang tanong ko baka hindi niya narinig, medyo nailang ako nang mapansing nakatingin lang ito saakin. Hindi sa menung nasa taas.
"Sir?"pagpupukaw ko sa kaharap. Mabuti nalang walang ibang nakapilang customer.
"Ikaw si madrigal diba?"
Tumabingi ang ulo ko nang banggitin niya ang apelyedo ko. Napatitig ako sa lalaking nasa harap.
"Oo, ikaw nga! June madrigal! Iyong may nurse na nanay na nagtatrabaho sa psychiatric hospital! Kamusta kana? ako to si Benjie, kaklase mo noong first year highschool tayo!"Natatawang sabi niya. Unti unting nawala ang ngiti ko sa labi.
Benjie, ang nambubully saakin noong highschool..
"Bigla ka nalang nawala! Nandito ka lang pala! namiss kita, mabuti nalang napadaan ako dito-"hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. May kung anong nabuhay na inis na matagal ko nang kinalimutan. Ang traumang matagal ko nang kinalimutan. Gusto kong sampalin ang taong nasa harapan ko ngayon, nanggigigil ako. Nanlalamig ang ko at sa sobrang gigil ay nanginginig pa ang kamay.
"June, ititake out nalang daw iyong 14."sabi ni Andrew at Pumasok sa counter."Sabihin mo muna sa kitchen ako na kukuha nang order."sabi niya kaya Tumango ako. Nagpapasalamat na nagsalita si Andrew. Baka hindi ko mapigilan ang sariling manakit. At mawalan pa ako nang trabaho na wala sa oras. At ayokong mangyari iyon, si senior keens ang nagpasok saakin dito kaya Ayoko siyang ipahiya.
"Teka, madrigal! kunin ko number mo para makapunta ka sa reunion nang batch natin-"
"Can I have your order sir?"masiglang pagpuputol ni Andrew sa sasabihin ni Benjie. Nagpanggap akong walang narinig at dumaretsu sa kitchen. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili, pero hindi talaga mawala nang panginginig nang kamay ko.
Alam kong tinulungan ako ni Andrew na makaalis don sa counter, napansin niya sigurong unti unti na akong nawawala sa sarili. Nalaman ko iyon dahil walang table 14. Hanggang 12 lang ang table namin dito. At Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil don.
Nakasandal ako sa dingding habang pinapakalma ang sarili. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko. Sumilip doon si Andrew.
"Umalis na."sabi niya at muling isinarado ang pintuan. Nagpakawala ako nang malalim na hangin bago tuluyang lumabas.
"Salamat."pasasalamat ko at bumalik sa counter.
"May iniwan siyang calling card, tawagin mo daw siya."sabi ni Andrew at pumunta doon sa nagtaas nang kamay. Napatingin ako sa calling card na Nakalagay sa gilid nang kaha. Benjie, ang anak nang mayor nang laguna kaya malakas nag loob niyang mambully. Hindi niya talaga ako tinatantanan hanggang sa maka graduate ako nang senior high.
Ang nakakatawa pa don, hindi alam ni mama na binubully ako dahil sa trabaho niya. Sarili mong ina hindi alam ang mga nangyayari sa iyo. Pilit ang mga ngiting binibigay ko sa mga customer hanggang sa uwian.
"Wala pa ang sundo mo?"tanong ni Andrew nang makalabas ako nang locker room para isabit ang uniform. Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Bigla kong naalala na hindi nga pala ako masusundo ni senior keens ngayong araw dahil may family dinner siyang pupuntahan. Ayos lang naman saakin iyon, hindi naman kailangang araw araw niya akong sunduin. May kanya kanya rin naman kasi kaming buhay.
Pero alam ko sa sarili ko na nasanay na ako sa presensya niya, kaya medyo nalungkot ako nang sabihin niyang hindi ako masusundo ngayon.
"Wala siya ngayon."sabi ko naman at nagpaalam kay chef. Siya kasi ang nagsasara nang shop.
"Late na kaya ihatid na kita."pang aalok ni Andrew at sumabay saakin palabas.
"Huwag na."
"Baka wala ka nang masakyan-"
"Ayos nga lang ako."naiiritang sabi ko at masama itong tinignan. Gulat niya akong tinignan.
"Hindi mo naman kailangan magalit- hindi naman kita pinipilit."seryosong sabi niya. nag iwas ako nang tingin. Naiinis sa sarili dahil binubuhos ko ang inis ko sa kanya kahit wala naman itong kasalanan. Nasira ang araw ko sa Benjie na iyon. Gusto kong mag mura dahil ang lakas nang epekto nang lalaking iyon saakin at Puro negatibo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Pasensya na.. at Salamat sa ginawa mo kanina."sabi ko at saglit siyang tinignan, bago naunang maglakad.
Dumaretsu ako sa isang convenience shop. Kumuha ako nang tatlong beer, Pagkatapos magbayad ay upumo ako sa labas. Mayroon kasing table na nakapwesto sa labas nang shop. Malapit lang din ang lugar na to sa café.
Biglang Pumasok sa isip ko si senior habang uminom nang beer, inaamin kong namimiss ko siya, gusto kong ikuwento sa kanya ang nangyari ngayong araw. Tinignan ko din kong may text ba ito pero nang mapansing wala ay nakaramdam ako nang pagkadismaya.
Magcocompost sana ako nang text nang mapansin kong may umupo sa harapang bahagi nang kinakaupuan ko. Nakita ko si Andrew na may dala ding in can beer. Inilapag niya sa lamesa ang helmet na dala at binuksan ang beer niya.
Pinagkunutan ko siya nang noo. Bakit Nandito din siya?
"Sa wakas nakatikim din ulit nang alak."sabi niya sa sarili. May sarili kaming mundo. Busy siya sa cellphone kaya inabala ko din ang saliri sa cellphone. Mas gusto ko nang ganito. ayokong magtanong siya sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)