KABANATA 13

2.8K 45 0
                                    

Nakakadalawang beer na ako nang mapansing nakatingin lang saakin si Andrew. Pinagtaasan ko siya nang kilay.

"May ginawa ba sa iyo yong lalaking iyon?"tanong niya. Napangiwi ako. Hindi niya talaga mapigilan ang sariling huwag mag tanong huh?"Kung mayroon sabihin mo lang, kakausapin ko si sir Hussain para ma I ban iyong taong iyon."pagpapatuloy niya.

"Huh? anong I ba-ban? kung may nangyari man sa pagitan namin ni Benjie, saakin nalang iyon."naiinis na sabi ko."Customer iyon, at wala siyang ginawa sa cafe na labag sa batas."hindi naman kailangan gawin iyon. Wala namang ginawang masama si Benjie kanina. Ako lang talaga ang hindi maka move on sa ginawa noong high school kami. Nanginginig lang ako sa inis nong maalalang siya ang Benjie na nambully saakin.

Gusto ko lang kalimutan ang traumang ginawa niya saakin, pero nang makita ulit ang dahilan nang trauma ko, unti unti nanamang bumabalik ang emotional na traumang binigay niya saakin, hindi lang siya. Kundi pati nang mga kaibigan niya.

"Nag aalala lang naman ako."Sabi naman niya. Napainom ako nang alak dahil sa sinabi niya. Inilapag ko ang hawak na beer at napatingin sa kaharap. Kaya niya ba ako sinamahan dahil nag aalala siya dahil sa nangyari kanina?

"Hindi mo naman kailangan mag alala."

"Nag aalala ako dahil baka maapektuhan ang trabaho mo."

Napangisi ako dahil sa sinabi niya at napatingin sa cellphone nang mag vibrate ito

'Where are you?'

'Nakauwi kana?'

'Gusto kitang makita.'

Napatitig ako sa sa screen ng cellphone ko, unti unting nag iinit ang damdamin. Gusto ko rin siyang makita. Kaya nag send din ako na namimiss ko na siya. Naghintay ako nang reply pero ilang minuto na ang lumipas pero wala na akong natanggap na reply. Inilapag ko ang cellphone sa lamesa at napatingin sa kaharap.

"What?"

"Maganda ka kapag nakangiti."

Pinagkunutan ko siya nang noo."Thanks?" Umayos ako nang upo at inubos na ang laman nang beer. Itinapon ko ang mga kalat ko bago nag unat unat. Gusto ko nang umuwi. Napatingin ako kay Andrew nang Tumayo rin ito.

"Uuwi kana?"tanong niya.

"Oo." uminom lang naman ako dahil nababad trip ako sa nangyari ngayong araw. Para pagdating ko sa apartment ay makatulog kaagad ako at hindi na mag isip nang kung ano ano.

"Makakauwi ka ba nang maayos?"balik na tanong niya. Nagsimula akong maglakad.

"Kaya ko nga ang sarili ko, Andrew."seryosong sabi ko. Ayoko talagang minamaliit ako. "Hindi na ako bata para alalahanin at Hindi ako lasing."sabi ko kahit may tama na nang alak.

Akala ko tinantanan na niya ako pero nang mapansing nasa gilid ko lang siya at pinapabagal ang pagtakbo ng motor para masabayan ang paglalakad ko ay nakaramdam ako nang pagkairita. Ang kulit talaga. Hindi na ako nakipagtalo at hindi nalang siya pinansin, nakarating ako sa sakayan nang jeep.

May nasakyan naman ako. Napansin niya atang okay lang ako kaya kumaway lang sya at umalis na. Napailing nalang ako habang nakasandal ang ulo sa jeep. Ilang minuto lang ang biyahe hanggang sa makapasok sa subdivision. Wala akong nakitang trycicle kaya nilakad ko nalang ang papasok sa loob. Ilang minuto lang ay nakarating din ako sa apartment.

Pumasok ako sa loob at Muntikan nang mapasigaw nang pagbukas ko nang ilaw ay nakita ko si senior keens na nakaupo sa kama ko. Nakaharap sa pinto na para bang hinihintay ako. Paano siya nakapasok?

"S-senior keens?"kinakabahang tanong ko."Anong ginagawa mo dito?"pagpapatuloy ko habang nagtatanggal nang sapatos."Diba may family dinner kang pinuntahan?"gulo pa ding tanong ko. Nang hindi niya pansinin ang tanong ko ay muli ko siyang nilingon. Pero madiin pa din ang tingin saakin.

"May pinuntahan ka pa?"malamig na tanong niya habang hindi umalis sa kinakaupuan niya.

"Sa convenience shop lang.. bakit Nandito ka?"

Mariin niya akong tinitigan. Medyo kinabahan nang Tumayo ito at walang babalang lumapit saakin. Napaatras ako dahil sa biglaan niyang ginawa.

"Uminom ka?"tanong niya.

Naiilang na napahawak ako sa leeg ko at tiningala siya."Tatlong beer lang-"

"With whom?"mas madiing tanong niya na nagpalunok saakin. Kinakabahan bakit nagkakaganito nanaman siya. Why is so mad?

Hindi ko masagot ang tanong niya. Hindi ko naman masabing kasama ko si Andrew na kainuman. Dahil hindi ko naman ito inivite na sabayan ako sa pag inom. Kusa lang naman itong umupo sa harapan ko. Hindi ko rin masabing mag isa lang ako dahil hindi naman talaga ako mag isa.

Bahagya ko siyang itinulak para makadaan ako. Kinucorner niya kasi, pakiramdam ko ay lumalabas ang pagiging dominant niya. Dumaretsu ako sa ref at kumuha nang tubig.

"Im asking you, june. Sino kasama mo at bakit hindi mo man lang sinabi na iinom ka?" tila naiinis na sabi niya. Inilapag ko ang hawak na baso at masama siyang tinignan. Bahagya siyang natigilan, siguro dahil nagulat siya sa paraan nang pagtingin ko sa kanya. Eto kasi ang unang beses na tinignan ko siya nang masama.

"Hindi ba dapat ako ako ang nagtatanong sayo niyan? bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito?"

"What the hell, june. Am I not welcome here at your place? at my girlfriend place?"di makapaniwalang tanong niya.

Napabuga ako nang hangin."Hindi naman sa ganon, senior.."pilit na pinapahinahong sabi ko. Nanghihinang napaupo ako sa kama at inihilamos ang palad sa mukha. I feel emotionally tired."I met my old classmate earlier.. ang nambubully saakin noong high school ako. Nang makita ko siya kanina akala ko makakasakit ako. And Andrew help me at si Andrew rin ang kasama ko sa convenience shop. Hindi ko siya ininvite, kusa siyang umupo, okay?"nanghihinang pagpapaliwanag ko at napatingin kay senior nang lumuhod ito sa harapan ko. Nakalagay ang pareho niyang kamay sa magkabila kong gilid. Locking me.

Nakatingala siya saakin samantalang ako naman ay nakayuko."Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka nang boses, you're not answering your phone and it's getting late. Napaparanoid nanaman ako kakaisip dahil hindi ko alam kong saan ka pa nagpunta, kahit na ang sabi ko sayo ay dumaretsu ka nang umuwi."pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa mata ko. Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya.

Mariin kong kinagat ang labi ko. Unti unti naring kumalma."I'm sorry, senior.."hinging paumanhin ko."But why are you here? how bout the family dinner?"

"You said you missed me too.."nakangiting sabi niya. Unti unting uminit ang mukha ko.

"Anong kinalaman non sa tanong ko, senior?"Natatawang tanong ko.

"You said you missed me that's why I am here."

Unti unting nawala ang ngiti ko sa labi. I think im starting to like him more..

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon