CRIED

56 5 1
                                    

“Tumabi ka Blade, wala akong oras na makipaglokohan sa 'yo!” asik kong taboy sa kanya.

Sinusundan na naman nila ako, para ano? Para makita nila kung paano ako mas maghirap pa?

“Ihahatid na kita!” matigas niyang sagot.

“Ayoko!!! Ayokong makita ka at kahit na sino sa inyo. Mga wala kayong puso!”dumaan ang gulat sa kanyang mga mata ngunit bigla ring naglaho.

“Kung wala na kayong magawa, h'wag ako ang paglaruan n'yo!” sigaw ko sa kanya na kinalingon ng ilang pedestrians.

I was sick of everything.

In the past three years in school, I was bullied. Ang alam ko lang pumasok ako sa paaralang 'yon para mag-aral at abutin ang mga pangarap ko.

Galing ako sa mahirap na pamilya at isa ako sa nabiyayaang maging scholar ng kilalang foundation ng bansa. Matagal kong pinangarap na makapasok dito, kaya nang nalaman kong kasali ang paaralang ito sa mga sponsor, halos maglupasay ako sa saya no'n. Sa wakas natupad din, pero may kapalit pala ang lahat.

Pagiging mahirap ang dahilan kung bakit ganito nila akong tratuhin, dahil kaya nila, kaya lang nila akong paglaruan dahil mahina ako.

Naalala ko pa noon kung paanong hirap ang dinaanan ko sa kamay ng mga mayayamang estudyante, pero lahat ng 'yon hindi man lang naging hadlang para manguna ako sa lahat ng bagay.

Akala ko sa mga palabas lang iyon nangyayari, hindi pala. Those romance movies and novels would remain it's form. Fiction. Sa imahinasyon lang ng mga manunulat nangyayari ang mga bagay na iyon. Dahil unang-una, walang darating upang magligtas sa 'kin, kundi sarili ko lang din. They despised me, for excelling in every track, both academic and non-academic.

Kahit ilang trophy ng pagiging balebolista ang kaya kong dalhin sa paaralang iyon, kahit ilang certificates pa ang kaya kong kunin, hindi pa rin iyon sapat para sa kanila na tanggapin ako.

Sinubukan kong makibagay pero naging sawi ako. Matapos ang ilang taon, I don't give a damn at all.

I was considered genius, cold and man hater after that, till Ryo Sancho Saldivar VI, happened.

Natigil ako sa paglalakad nang maputol ang sling ng aking bag at nahulog ito sa baldosa. Naglikha ng ingay ang mga natapon kong gamit. Lumuhod ako't pinagdadampot ang mga 'yon. Hindi ko na napansin na may ilang tao palang tumatakbo palabas at naapakan ang isa pang pregnancy test na dala ko kanina, buti nalang una kong nadampot ang cellphone ko kundi pati iyon nabasag na. Tanging mga makikintab na sapatos lang ang aking nakikita at sa kadahilanang nangangapal pa ang aking mga talukap sa matagalang pag-iyak kaya hindi ko sila magawang aninagin nang mabuti.

“Huy, Miss, bawal d'yan!” sigaw ng guwardiya.

Doon ko na napansin na nasa harap pala ako ng isang marangyang hotel. Luminga ako sa paligid at nagpakawala ng isang buntong hininga nang hindi ko na naaninag si Blade. Tumayo ako upang kuhanin ang pantali ng aking buhok na nandoon sa gitna ngunit hinaklit na ako ng guard at tinulak nalang sa madilim na parte.

“T-teka po, may naiwan pa ako, Manong Guard!”

“Kung tatanga-tanga ka huwag kang mandamay, mawawalan ako ng trabaho dahil sa 'yo!” singhal niya sa akin.

Napalingon siya sa harap nang may isang itim na SUV ang dumating. Sa kagustuhan kong makuha ang gamit ko na 'yon kaya nanatili akong nakatayo. Ilang minuto pa ang nagdaan ngunit wala pa ring bumababa kaya napasandal na ako sa matigas na dingding dahil sa pamamanhid ng aking binti.

May limang pares na mga guwardiya ang tila nakalinya sa harap ng pintuan ng sasakyan. Umarko ang ngisi sa aking labi. Ganito panglingkuran ng mga mahihirap ang mga mayayaman. Ngunit bigla ring napalis ang ngiti kong iyon nang bumaba ang isang matandang lalaki, hindi sa kanya natuon ang aking tingin ngunit sa mga kasama niya.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon