BUSINESS DEAL

34 3 0
                                    

“Be my woman.”

Muntikan akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. I can’t believe this devil.

“You crazy?”

Umalingawngaw ang tawa ko sa loob ng sasakyan niya.

“Do I look like it?”

Sinulyapan ko siya. Bigla akong natigilan nang makita ang sensiridad sa kanyang mukha.

“Mahal ko ang asawa ko,” kalmado kong sambit.

May dumaang kakaibang ekspresyon sa kanyang mga mata na agad namang nawala.

“This is purely business, Maiah. As long as I have someone to fuck after a long day of work and busy sched!”

“I don’t know why you’re doing this,” hindi makapaniwala kong anas, “you have a wife for fucking sake.”

May dumaang steam roller sa katabing lane kaya hindi niya ako masyadong narinig.

“I’ll give you a week to decide!”

Matapos ang pangyayaring iyon, binalik ng mga tauhan niya ang sasakyan ko at hinayaan akong umuwi. I hate the feeling that he has still power over me. Kahit gustuhin ko man, wala akong magagawa. Tama siya. Blade was facing difficulty due to recession. Ayaw kong magbigay pa ng karagdagang problema sa asawa ko.

Pero ano’ng gagawin ko? Ryo was dead serious with his terms. Hindi siya hihinto hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam kong hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang uubusin niya lahat ng kliyente ko kapag hindi ako nagpakita ulit.

Unfair as it was, but SGC was great way farther than us.

Naramdaman ko ang braso ni Blade na umakbay sa akin habang nakatanaw kami sa karagatan. Bumaha ang kulay kahel sa paligid sa unti-unting paglubog ng araw.

Nandito kami ngayon sa rest house niya. Dito niya kami dinala nang umuwi siya noong Byernes. Nagtataka nga rin ako at maaga siyang dumating, kadalasan kasi umaga ng Sabado lalapag ang eroplano niya. Baka na-miss niya ang mga bata.

“Is there something wrong?”

“Wala naman! Nag-aalala lang ako kay Tiyang,” ani ko.

Maraming dinaramdam si Tiyang Amy kaya halos buwan-buwan nasa ospital. Isa rin iyon sa pinoproblema ng pinsan ko.

“Pwede siyang tumira sa bahay. What about Monay? Where is she?”

“Okay naman ang trabaho niya kaso ayaw lumuwas ni Tiyang, kilala mo naman ’yon!”

Biglang tumigil ang sigawan ng mga bata kaya dali kaming tumakbo papunta sa sala. Mas kabado talaga kapag tatahimik ang mga anak ko.

Naabutan naming nakaupo ang tatlo sa sofa. Ang babait tingnan. Kumunot ang noo. Kapag ganito sila ka-behave, paniguradong may nagawa silang kasalanan.

“What happened?” mahinahong tanong ni Blade. Agad niyang kinarga si Bambie na nakanguso at wala sa sariling hinihila ang kanyang mga daliri.

“Blake? Ano’ng nangyari?”

“I didn’t do it, Mom! Ask Rhivah.” sabay nguso sa kakambal niya.

“Why me? I didn’t do anything. Ikaw kaya ’tong gusto kumain ng ice cream!”

Nagtuturuan na silang dalawa. Alam kong kahit na kumidlat walang aamin sa kanila.

“Hindi ko gusto kumain, only Bambie likes ice cream kaya kinuha ko!”

“Bakit kasi glass kinuha mong baso. Ang bobo mo, Kuya!”

“Rhivah!” saway ko sa kanya. Minsan kasi hindi matapalan ang bibig niya.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon