LOST

37 5 0
                                    

Walang araw na hindi ako kinukulit ni Tiyang. Nagtataka ako kung saan niya narinig ang pag-aaya ni Blade na kasal. Minsan nakakarindi na.

She keeps bugging me endlessly...

“Bakit hindi ka pumayag?” tanong niya. Nilagay niya ang walis sa kanyang kili-kili at muli akong hinarap, “nag-aantay ka pa sa ama ng mga anak mo? Hindi nga siguro kayo naiisip no’n. Gamitin mo naman ang utak mo, Maiah, ang talino mo pero nagiging bobo ka dahil sa pag-ibig na ’yan,” mahabang litanya ni Tiyang.

Bumuha ang kulay-kahil sa kalangitan sa paglubog ng araw. Marahan kong hinaplos ang aking tiyan bago tumayo upang isampay ang gamit ng mga anak ko.

“Isipin mo, hindi ka na maghihirap. Mababawi na natin ang lupa sa isang pitik ng iyong daliri. Voila,” gamit niya ang kanyang kamay habang nagsasalita. Animo’y may puppet show sa harap ko, “ang swerte mo’t nakursunadahan ka niyang si Señorito mula pa noon kaya nagtataka ako kung bakit iba ang naging ama ng mga anak mo.”

“Gusto ko pong paghirapan ang lahat ng mga bagay na naaabot ko Tiyang. At isa pa, kawawa naman iyong tao baka isipin niya na yaman niya lang ang habol natin!”

“Anak ka nga ng Nanay mo, puro puso. Hindi tayo mabubuhay kung hindi natin gagamitin ang utak natin.”

Tapos na namin ang ilang orders ng cupcake kaya nagkaroon na naman siya ng oras upang kulitin ako. Sinisilaban niya ang mga tuyong dahon sa bakuran habang abala ang kanyang bibig.

Kulang nalang yata pilipitin niya ang leeg ko sa inis.

Hindi ko nalang siya pinansin.

I am not a lady in distress.

Kaya ko ang sarili ko at ang mga anak ko. Iyon nalang ang pangarap ko ngayon, na kahit nasa langit na si Mama, makikita niya na pinakinggan ko at ginawa ko ang huling habilin niya.

Sa gitna ng maulang buwan, sinilang ko sa pamamagitan ng caesarian section ang mga anak ko.

Blade handled everything.

Nahihiya man ngunit kinapalan ko na ang aking mukha at nangakong babayaran ko iyon kapag nakabawi na ako.

Walang-wala pa ako sa ngayon.

Hindi na niya muling sinambit ang pagpapakasal. Wala naman akong nakitang singsing kaya sa wari ko’y wala pa rin siyang asawa. Nakakapaghinayang lang na kung kailan ko sinapit ang ganito saka naman siya nag-aayang magpakasal sa akin.

We were childhood couple.

Pero sa kasamaang-palad nagtapos kami sa hindi ko malamang rason. Ayaw ko naman siyang tanungin.

That was irrelevant.

Tumayo na ako at tinungo ang mga anak kong nakahiga sa kama. Ang liit-liit nila. Alam kong makakaya ko lahat dahil andito sila sa tabi ko.

Kahit na paminsan-minsan kumikirot ang tahi ko, sinisikap kong matulungan sina Tiyang sa tinayo naming maliit na cake shop. Marunong siyang mag-bake at napag-aralan ko rin kung paano maglagay ng icing mapa-meringue o ’di kaya’y butter.

Mas komportable akong gamitan ang meringue dahil pwedeng ilagay lang sa gilid ng hindi natutunaw. Ang gandang tingnan tuwing nilalagyan ng icing ang ibabaw ng cupcake.

“Eck, Ate! Ano’ng oras babalik si Kuya Blade?”

“Tumahimik ka nga baka marinig ka ni Tiyang, ngipin lang ang walang latay sa’yo.”

“Pati crush hindi pwede? Ang bored ng buhay ko, alam n’yo ba ’yon?”

Kumakanta si Monay sa gilid ko, maaga kami dahil may order para sa nag-debut naming kapitbahay.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon