SOLVED

21 2 0
                                    

“Daddy, I’m here!!!” nabigla ako sa sigaw ni Bambie. Hindi ko siya nahawakan at tuluyan siyang nakatakbo.

“Bambie, anak. Bumalik ka rito!”

Sinundan ko siya pero naiwan sa ere ang tangka kong paghakbang nang makita ko kung sino ang lalaking paparating.

Ang mabagsik niyang mga mata ay unti-unti lumambot nang makita ang batang tumatawag sa kanya.

“Oh, god!” he exclaimed, “my sweet little girl.” sinunggaban niya ng yakap ang anak kong humahagulhol sa kanyang balikat.

“Shh...calm down. Daddy’s here and you did a great job. Tahan na.” pang-aalo niya sa gitna ng pagtangis Bambie.

Tila naging tuod ako sa aking kinatatayuan habang nagmamasid sa kanilang dalawa. What is happening? I am sure she called him dad, again. And he...did he told them without me knowing?

Inutusan niya si Hector na itulak si Rhivah. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Hawak ako ni Blake. He gave me a smile of relief that left me dumbfounded. Hindi ko alam kung bakit hindi siya kumontra sa ginagawa ni Ryo ngayon.

“Nasaan si Kuya Alex?” sina Tiyang at Dahlia lang ang naabutan namin, pati ang sasakyan wala na rito sa labas ng mall.

“Pinauwi na po, Ma’am!” si Hector ang sumagot. Nahulog pa sa sahig ang tsinelas na suot ni Bambie kaya dinampot iyon ni Ryo.

Kinarga niya si Rhivah at inupo sa passengers seat, napapagitnaan siya ng kanyang mga kapatid na kapwa tahimik. May isang tauhan niya na kumuha sa wheelchair at nilagay ito sa backseat.

He kept silent.

Pumasok na din ako. Akma akong pupunta sa likuran upang tumabi kina Tiyang at Dahlia nang tawagin niya ako.

“Where are you going?”

“Uupo.”

“Sit beside me.” malamig niyang sabi.

Hindi na ako nagprotesta. Pagod na akong makipag-debate. Binuksan niya ang shotgun seat kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok at umupo.

He jogged in front of the car after he closed the door.

Sinensyasan niya sina Hector at Joshua bago niya pinaandar ang sasakyan paalis.

“Daddy! Masakit po ang paa ko!” reklamo ni Rhivah nang huminto ang sasakyan sa traffic light.

“What happened? Tell me.” he stretched his body to get a clearer view of Bambie. Tinaas naman nito ang kanyang paa upang ipakita kay Ryo ang natamo niyang sugat.

“We walked so far.”

Matalim niya akong sinulyapan, nakatiim ang kanyang bagang at humigpit ang hawak sa steering wheel. Hindi ako natinag. I stared at him with the same intensity. Una siyang nagbawi ng tingin. What should I suppose to do? Manatili kahit pinapalayas na kami ng Mama niya?

Gago ba siya?

Ilang sandali lang ang dumaan, muli na naman kaming nakabalik sa bahay niya. Tahimik na ang paligid. Hindi ko na nakita sina Ma’am Agatha at Bianca roon, siguro nakaalis na.

Agad silang binihisan ni Ryo at pinakain. Pagkatapos ay nakatulog ang tatlo sa sala marahil sa init at pagod kanina.

Tumayo siya mula pag-aayos ng cast ni Rhivah at pumunta sa direksyon kung nasaan ang lift. Siguro magpapahinga rin. Napabuga ako ng hangin. Buti nalang umalis. Para kasing hindi ako makahinga tuwing magkalapit kaming dalawa dahil parang sasabog na siya sa galit.

Sinigurado ko munang nauna na siya sa taas bago ako tumayo. Kailangan ko ring magbihis. Nakikiramdam ako sa paligid habang umaakyat sa hagdan. Tumingkayad ako nang makarating sa ikalawang palapag. Nakapasok na iyon. Binilang ko na ang minuti kanina bago...

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon