HOMECOMING

39 4 0
                                    

PALABAS pa lang kami ng waiting area nang makita kong tumatalon si Crizzy na may dalang banner. Loka talaga!Ilang linggo rin kaming hindi nagkita. Delayed ang flight namin kaya paniguradong kanina pa siya nag-aantay dito.

“Oh my gosh, Beshy!” sigaw niya. Nagtinginan ang ilang pasahero dahil parang nagmula pa siya sa kabundukan.

Nagbeso kami bago niya hinarap ang kambal na pwede ng sabitan ang mga nguso dahil sa sobrang inip.

“Tita Ninang, we missed you!” sinunggaban niya ng yakap ang anak ko. Hinubad ni Rhivah ang kanyang bear backpack at nilahad sa kambal niya, “ Kuya hold my backpack. Mainit!”

Nanatili lang tahimik si Blake sa tabi. Sinukbit ang bag at hindi man lang sinagot si Rhivah. Kung gaano kakulot ang buhok niya, ganoon din kakulot ang utak. Pareho naman silang dalawa pero siya itong tahimik at matabil naman ang isa palibhasa, babae. Nakatulog si Bambie sa balikat ng daddy niya nang lumapag ang sinasakyan naming eroplano kanina.

“Mom,” ungos ni Blake.

“Yes?”

“I will use the toilet!”

Narinig kong humagikhik si Crizzy kaya pinandilatan ko siya ng mata. Sinulyapan ko si Blade na hinehele ang bunso namin at sinenyasan ko siyang gagamit kami ng banyo.

Paliko kami ng matanaw ko ang bultong pamilyar sa akin. May dala siyang suitcase. Magulo ang buhok at pakiwari ko’y sinisinghilan ang kausap sa kanyang telepono. Hindi ako sigurado kung siya nga ba itong nakikita ko. Ilang taon na nga ba? Sampu?

“My flight was delayed. Fuck!”

That fucking voice.

Agad akong nagkubli. Hindi pa oras para magkita kami. Masyado pang maaga para doon. Kailangan naming antayin kung kailan siya aalis.

Sinulyapan ko ang anak ko na inosenteng nakatanaw sa akin. Nagtataka kung bakit kami huminto.

Muli ko siyang sinulyapan. Nandoon pa rin siya. Hindi pa ba siya aalis?

Baka may ibang restroom pa rito. Luminga ako sa paligid. Mayroon nga pero makikita niya pa rin kami dahil nasa kanyang kaliwa.

Pagkakataon nga naman, oo.

Walang nakakaalam na ako ang naging asawa ni Blade Cordova. Tanging ang tumayong ninong namin ni Blade noong kasal ang may alam.

Pumutok ang balitang taken and happily married na si Blade matapos ang apat na taon naming pamamalagi sa London.

I married my childhood sweetheart! Yon ang kalimitang sagot niya tuwing may mangangahas na mag-interview sa personal niyang buhay.

At dahil doon, pati na sa lahat ng ginawa niya kaya lalo ko siyang minahal.

“Mom, naiihi na ako!” yugyog ni Blake sa braso ko.

Ensakto namang tumalikod na si Ryo palabas ng airport kaya tumakbo na kami sa left wing kung nasaan ang palikuran. Pinapasok kong mag-isa si Blake sa loob ng men’s comfort room at nanatili lamang ako sa labas, sanay na siyang mag-isa sa London pero iba rito at baka mawala.

Naalala kong may dala pala akong balabal sa aking handbag kaya kinuha ko iyon at tinakip sa aking mukha.

“I saw him. You didn’t told me his flight was cancelled?”

Humahangos na sumagot ang nasa kabilang linya. Parang galing pa siya kung saan at pinagpantay pa ang hininga bago tuluyang nagsalita.

“Na-busy lang ako, Ate!”

“Muntik na kaming magkita. Next time, make sure to update me,” ani ko kay Monay.

“Moli, what the fuck is this? Hindi ito ang file na pinapahanap ko sa’yo!” bulyaw ng baliw na amo ni Monay.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon