HITCH

22 3 1
                                    

“Hindi ka makatulog?” Ryo bowed his head again and sliced the piece of meat on his plate.

“Um-hum, nagtsaa lang.”

Suprised and worried, muli kong hinila pababa ang aking suot na pantulog habang nasa plato pa niya ang kanyang atensyon.

Kung kailan hindi ko sinilip ang kwarto niya saka naman siya dumating.

Speaks of good timing, eh?

“Hot water is ready...”

“H-huh?” Pinilig niya ang kanyang ulo at doon ko naalala ang pinapainit kong tubig. Tapos na pala.

“Hindi ko napansin.”

Dahil sa pagmamadali, muntik pang mabasag ang tasa na sinasalinan ko ng tubig. I could feel his eyes staring at my back.

I turn around swiftly.

Tama nga ang hinuha ko. Kulang nalang hubaran niya ako sa uri ng kanyang paninitig ngunit kahit nahuli ko siya, hindi man lang siya natinag. Bigla akong naasiwa. There must be something wrong on my face. Or my looks. Hindi kasi siya gumagalaw.

What’s wrong with him?

Wala akong nagawa kundi kagatin ang aking pang-ibabang labi.

His hair was damp, making the curls dropped down to his forehead. His stubbles were bit grown which made him more attractive.

Attractive...

Dammit, Maiah! Umakto akong kalmado at inamoy ang aroma ng tsaa.

“I am eating my dinner.”

Pansin ko nga. Gusto kong isagot sa kanya kaso ayaw ko namang siyang barahin.

“Bon appetit,” I said without looking at him. Kinuha ko ang towel at pinunasan ang counter top.

“The beef is rare and the salad is tossed, which you always liked. If you want and still unable to sleep you can join me, only if...only if you want.”

“Busog pa ako,” pahayag ko habang pinasadahan ng tingin ang nakahain sa hapag. Dumapo ang mga mata ko sa tabi ng kamay niya. Sinundan niya rin ang tingin ko. Nananadya.

“Would you like a taste?” turo niya sa blueberry cheese cake.

I paused, thinking of how to return the favor he did to me with Daniel and Kathy.

“O-okay.”

A smile plastered on his lips.

Mukhang nahinuha niya ang iniisip ko at tila natutuwa siya sa aking inasta. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang binibigay niya dahil sumobra yata ang hiwa.

“Oh, wait. The spoon,” sabi niya saka kumuha ng kutsara at nilagay niya iyon sa platitong hawak ko.

He looked tense.

“Maybe you like this salad as well.”

Nilagay niya sa isang tray ang mga dadalhin ko. Ang sabi ko hindi ako makatulog hindi gutom pero bakit sobrang dami ng dala ko? Hindi talaga ako makakatulog nito.

“Masyado naman yatang malaki.”

“Ang alin?”

“Ang hiwa.” umatras ang leeg niya at naguguluhan akong tiningnan. Parang tanga. Malinaw naman iyong sinabi ko, a. Malaki ang hiwa. Hindi ko alam kong mauubos ko ba ito.

Napanguso ako dahil tila marumi ang naging dating sa akin ng sinabi ko.

Muli siyang bumalik sa kanyang kinauupuan. “Ryo...s-salamat.” his eyes turned misty. Tumalikod na ako pabalik sa aking silid habang nag-iingat na hindi matapon ang dala.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon