SIDE CHICK

144 4 1
                                    

"Mama, kumusta?"

She smiled widely. So wide that it made her laugh lines visible and beautifully wrinkled. She is my mom!

Umayos ako ng upo. I can't wait to tell her what I did today.

"Mama..." tumango lang siya. Uminom ako ng tubig at nagsimulang makwento sa kanya tungkol sa mga nagawa ko nitong araw, sa mga nangyari puwera nalang sa mga hindi magandang balita tulad ng: UTANG.

I don't want to make her sad.

Life is great with her. Life is good with her. Basta nandito si Mama, okay na okay na ako.

Mula sa screen ng telepono ko, alam kong nasa masikip siyang banyo, nakaupo sa ibabaw ng toilet seat dahil kita ko ang exhaust fan sa itaas, naririnig ko pa nga ang ikot ng makina.

Ito ang nakasanayan naming dalawa, magpapanggap siyang gagamit ng banyo para makatawag sa akin upang kumustahin ang nangyari sa buong araw ko. Kahit na pagod ako dahil sa pinagsama kong klase, practice, at pagiging waitress ng isang coffee shop, pinilit kong ngumiti sa harap ng kamera pati na rin siya. Walang ibang dadamay sa amin. Wala kaming ibang masasandalan kundi ang isa't isa.

I swiped the screen.

Napasimangot ako. Ang bilis naman ng limang minuto! Ilang segundo lalabas na si Mama dahil pati pag-ihi may time table ang amo niyang intsik.

“I love you!” she mouthed and flushed the toilet.

"I love you, too, Mama! Miss na miss ko na po kayo. Oo nga pala, Ma. Natanggap ko na po ang pera. Salamat po."

Nakasuot siya ng headset kaya alam kong naririnig niya ako. Biglang nawala ang video at dumilim ang screen niya pero hindi pa na-end ang tawag.

May narinig akong malakas na kalabog. Tila sinipa ang pinto o hinampas ng matigas na bagay dahil malinaw na malinaw sa aking pandinig.

'Aida! Aida! Open the door! Did you eat two loaves of bread?'

Dinig ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang linya. Boses ng amo ni Mama ang aking narinig na nanggagalaiti sa galit.

'No, Madam. Ask Moi-moi, maybe she ate for snack."

Mama tried to explain her side but to no avail she didn't listen. Lalo lamang itong nagalit at sumigaw.

'Liar!'

‘I am not lying, Madam.’

‘I saw you eating, always eating in the camera. How many times I tell, no eating too much. Also I count eggs, only five left. You eat too much."

‘I bought what I eat. Using my own money.'

My blood boiled with rage.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nanatili pa ring nakikinig sa kanilang pinagtatalunan.

"But, Madam!'

'Deduction salary. You understand?'

'Yes, madam.'

I clenched my fist.

Gusto kong pumasok sa loob ng screen ng aking telepono upang maipangtanggol ang Mama ko. Ngunit wala akong nagawa kundi pakinggan ang panglalait ng ibang para sa akin ina.

Sino ba ang hindi magugutom kung buong araw subsob siya sa trabaho dahil tatlo ang alaga niya, may mga lolo at lola pa na kulang nalang huwag siyang pakainin.

Humiga ako sa matigas kong kama. Gawa iyon sa marine plywood. Nilagyan ko ng karton bago ang comforter na padala ni Mama para hindi masyadong masakit sa likod.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon