Meet the Son

36 4 8
                                    

"Tell me right now, Sandy. Sinabi mo sa akin kanina na nandiyan ang pamangkin mo at ngayon sasabihin mong wala? Nonsense!" naglikha ng tunog ang marahas na pagsarado ni Ma'am Agatha ng kanyang pamaypay habang may kausap sa kanyang telepono, " I'm getting tired of your immaturity so tell me, where they are or else you'll be grounded."

Ryo was adamant not to let his parents in. Magulang na rin ako, dama ko ang pag-aalala nila kaya kinausap ko siya.

Kung iniisip niya ang mararamdaman ko, hindi na niya kailangan pang mag-alala. Kaya ko na. Kakayanin ko ang lahat ng pangungutya ng pamilya niya para sa kanya at sa mga anak naming dalawa.

At dahil hindi naman masyadong masama ang ugali ko, tinuruan naman ako ni Mama Aida ng magandang asal kaya pati si Bianca at iyong anak niyang babae pinapasok ko na rin, na agad kong pinagsisihan kinalaunan.

Mahinhin ang kanyang lakad. Hawak ang anak niya na kumakaway kay Ryo.

"Mama, I want to sit with Daddy!"

Nag-abot ang aming tingin ni Bianca at kusang tumaas ang kilay ko.

As far as I'm concerned, Ryo is not the father of her child. Hindi naman siguro pwedeng habang-buhay na bubuhatin ni Ryo ang responsibilidad na hindi kanya.

Una siyang nagbawi ng tingin at pinagkakaabalahang ayusin ang sapatos ng anak niya. Sa hinuha ko'y nasa siyam o sampung taong gulang na ang bata, kamukhang-kamukha niya ito, bumagay ang hugis pusong mukha sa balingkinitan nilang pangangatawan.

Ryo grabbed my hand tightly and leaned on my ear. "Relax."

Umusok pati bunbunan ko sa narinig. Ano'ng sinabi niya? Relax? Matalas ko siyang sinulyapan. He just bit his lips, na tila nagpipigil ng ngiti kaya mas lalo tuloy akong nainis.

Wala naman akong ginawa para sabihin niya akong mag-relax. Ano bang ginawa ko?

Pasimple nga lang akong nakaupo rito.

I couldn't even hurt a flea for gooodness sake!

Lamok pa kaya?

"Pinagsasabi mo?" maang kong tanong.

He pointed my pouting lips. "Tsk, if looks could kill," he chuckled.

Did he just laughed at me? I can't believe him! Triggered with the past, bumaha ang pait sa aking bibig.

"Ang saya mo, a. May naaalala ka?" labas sa ilong kong sabi.

Kumunot ang noo niya."What?" siya naman ngayon ang tila bangag sa kaiisip.

"Gusto mo ulit kumabayo ang lamok na iyan sa ibabaw mo?" malinaw kong sabi ngunit hindi ko mapigilang manlisik ang mga mata ko.

Tumawa pa ang gago."Bangaw 'yon, babe!"

Alam kong bangaw 'yon pero lamok ang gusto ko kaya wala siyang magagawa at isa pa, walang nakakatawa sa ginawa nila noon. "Ewan ko nalang talaga sa'yo, Ryo."

"How coward could I be, to settle on someone when my heart beats just for you."

"Baduy mo!" sabay palo sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi kahit na ang corny ng sinabi niya.

"Kinilig ka naman," hinawakan niya ang aking kamay at hinagkan iyon, "ikaw lang ang nag-iisang bangaw ng buhay ko!" hindi ko na napigilang kurutin siya sa tagiliran.

Kung ano-anong pumapasok sa kukote niya.

Umayos kami nang muling magsalita ang Mommy niya. Nasa tapat ko si Bianca kaya kitang-kita ko ang pag-irap niya.

"Yes, your brother is fine," dagdag niya na kulang nalang bugahan ng apoy ang anak niyang si Sandy, nakababatang kapatid ni Ryo na naging model ko noon sa runway.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon