CHOICE

19 2 0
                                    

MAGSALITA KA, Kuya!” sigaw ko.

Bigla akong naalarma. May ideyang pumapasok sa isip ko ngunit pilit ko iyong iwinawaglit. It can’t be. Walang nangyaring masama. Ligtas sila. Nasa bahay. Mariin ko siyang tiningnan.

Wala sa sarili akong napailing nang makita ko ang mantsa ng dugo sa suot niyang polo. Rumagasa ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako makahinga.

I just stood there, impatient and wary. Waiting for him to spill the words I needed to hear.

“Ma’am, si R-rhivah!”

“A-anong nangyari? Ano’ng nangyari sa anak ko? Nasaan ang mga bata?” sunod-sunod kong tanong.

“Naaksidente po si Rhivah, Ma’am!”

Parang bombang sumabog sa aking pandinig ang sinabi niya. No! Nagkakamali lang ako ng pandinig.

I stared at him intently.

Hinihintay ko kung kailan niya babawiin ang sinabi niya ngunit...ngunit seryoso niya lang akong tiningnan.

“R-rhivah,” tanging usal ko.

Kailangan kong puntahan ang anak ko.

Kahit nanginginig, pinilit kong humakbang. Sinubukan kong tumakbo kahit hindi ko alam ang direksyon tinatahak ng mga paa ko. Hindi! Hindi maaring maulit muli ang nakaraan. Mababaliw ako.

“R-rhivah!” I murmured.

Patuloy sa paghakbang ang aking mga paa. Tanging nasa isip ko ngayon ay makita ang anak ko. Patakbo akong lumabas ng airport kahit tila umikot ang mundo ko.

“Hoy, tabi! Nagpapakamatay ka ba?” sigaw ng kung sino.

“Ma’am, dito po,” sabi ni Kuya Alex habang hawak ang braso ko. Nilingon ko siya. Dala na niya lahat ng gamit na naiwan ko.

Ngayon ko lang napagtanto na patungo pala ako sa gitna ng kalsada kaya pala may sumigaw kanina.

“Kumalma po muna kayo, Ma’am!”

Paano ako kakalma? Ikakamatay ko kung may mangyari na naman sa isa sa mga anak ko. Talagang hindi ko na mapapatawad ang aking sarili.

“Hindi ako kakalma kapag hindi siya makita kaya parang awa mo na, Kuya. Bilisan mo ang takbo at dalhin mo ako sa anak ko!”

Matapos naming makapasok sa kotse, pinasibad ni Kuya Alex ang sasakyan.

Mabuti nalang hindi masyadong mabigat ang daloy ng trapiko kaya madali kaming nakarating sa ospital.

Hindi ko na inantay si Kuya Alex. Nauna na akong bumaba at tinakbo ang reception desk.

Inagaw ko ang atensyon ng dalawang nars na naka-duty.

“Name of the patient?”

“Rhivah C-Cordova!”

Napasinghap silang dalawa at dali-daling tiningnan ang record na hawak noong isa.

“Nasa emergency po, Ma’am.”

Tinakbo ko ang hallway ng ospital. Mabuti nalang sneakers itong suot ko ngayon.

Tumayo si Crizzy nang makita niya ako, “Maiah!” Dali niya akong tinakbo at niyakap.

“Where is Rhivah? Where is my daughter, Crizzy?”

“Calm down.” Pinipilit niya akong umupo. Ngunit hindi iyon ang kailangan ko. Kailangan ko ng sagot kung ano ang kalagayan ng anak ko. Muli niyang hinawakan ang braso ko, “the doctors are there! Tinitingnan na nila ang kondisyon ni Rhivah kaya kailangan nating mag-antay dito.”

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon