Director

24 3 16
                                    

Una kong nasilayan ang puting kisame.

Lumilihis ang sinag ng araw sa siwang ng makapal at kulay-abong kurtina. Nagpatuloy ang matuwid na guhit ng liwanag sa headrest ng mahabang sofa.

Bumalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang nangyaring sunog sa abandonadong gusali bago ako nawalan ng malay.

That wasn't a nightmare.

Nakakabinging katahimikan ang pumailalim sa silid na aking kinaroroonan. Walang narito. Tinanggal ko ang nakakabit na IV drip sa aking palapulsuhan at mabilis na tumayo. Muntikan na akong tumimbuwang sa sahig dahil nanghihina pa rin ang aking katawan at hindi pa kayang tumayo ng tuwid ang aking mga tuhod. Napahawak ako sa gilid ng kama upang doon humugot ng lakas.

Iyon ang eksenang inabutan ni Loki na kararating lang. May dala siyang itim na travelling bag  at hinagis niya iyon sa sofa at tinakbo ang aming pagitan.

“What are you doing?” mabilis ang kanyang kilos at inalalayan ako pabalik ng kama.

“G-gusto kong makita si Ryo. Nasaan siya?”

Hindi siya sumagot.

Kumabog ang aking dibdib dahil sa kakaiba niyang ekspresyon. Iniiwasan niya ang aking tingin kaya mas lalong akong kinabahan.

“Cut to the chase, please. Kung hindi mo sasabihin sa akin, ako ang maghahanap sa kanya!” sinubukan kong bumaba.

“Kailangan mo munang magpahinga!” he said calmly. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakikita. Muli ko siyang kinausap at sa puntong ito, desperado akong alamin ang totoo.

Malilikot ang kanyang mga matang dinampot ang nahulog na kumot sa sahig. Hindi pa rin siya sumagot, bagkus ay kinuha niya ang wheelchair na nasa gilid ng kama at pinasakay ako doon.

Wala pang ilang segundo ang lumipas at agad kaming nakalabas ngunit laking panlulumo ko nang hindi ko mahagilap si Ryo.

Ayaw kong mag-isip ng masama. Siguro may inasikaso lang.

Hindi niya ako iiwan rito.

Nakasalubong namin si Hunter sa pasilyo at agad siyang lumapit sa amin. Katulad ng sinabi ni Loki, binalaan niya rin ako na magpapahinga muna. At alam nilang hindi iyon ang gusto kong marinig sa oras na 'to.

“Where is he? Nasaan si Ryo?”

“Baka gusto mo munang kumain!” paglilihis ng paksa ni Loki na halatadong may tinatago sa akin.

“H-hindi. Hindi ako gutom!”

“Just tell her!” Hunter exclaimed. Wala ng nagawa si Loki kundi sabihin sa akin ang lahat.

Tahimik lamang kami sa loob ng lift hanggang marating namin ang ikalimang palapag kung saan siya naroroon. Ipinagdarasal ko na sana hindi masyadong malala ang lagay niya.

‘Intensive Care Unit' mahinang usal ko sa plakang nasulat sa ibabaw ng pintuan.

Hunter opened the door and lead the way.

Parang pinagpira-piraso ang puso ko nang makita sa malapitan ang sitwasyon niya. Nakaratay siya sa kama habang may tubo na nakakabit sa kanyang bibig. May mga puting gasa na nakapalibot sa kanyang kanang binti pati na rin sa kanyang braso.

Base sa paliwanag ni Loki, malaking pinsala ang paglanghap ni Ryo ng usok dahilan upang mawalan siya ng malay.

He was in a state of coma. And even suffered first degree burn, kahit na hindi masyadong malala, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-aalala. Iniisip ko palang na hindi siya magigising...damn it!

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon