CALL OFF

22 2 0
                                    

Gaano ba kahirap putulin ang isang pagtataksil?

TUNOG ng baso. Kalansing ng mga kubyertos. Malalim niyang paghinga na tila nagtitimpi. Iyon ang mga tunog na naririnig ko habang nakaupo sa loob ng isang restaurant kung saan niya ako dinala, matapos kaming magkita sa gusali ng Billizi. Damn! We didn’t just meet, he cornered me.

Tinanggal ko ang suot na coat at nilagay iyon sa likod ng upuan. Hindi ko na kailangang itago pa mula sa kanya ang tattoo at peklat ko sa likod.

For the record, he unvieled one of my secrets from him.

Isang linggo na ang dumaan noong huli kaming nagkita. Iyon pa ang panahon na nagmamadali kaming bumalik ng syudad para sa recital ni Rhivah na talaga namang hindi ko inaasahan ang mangyayari. Nagbago ang oras ng kanilang program kaya hindi ako nakaabot sa kanyang recital.

Pakiramdam ko tuloy naging isa akong pabayang ina.

I drink the tea calmly.

Kahit na halos kapusin na ang aking hininga sa kaba, umakto akong kalmado at kumilos na parang hindi ako nangmukhang butiki kanina.

He looked upset which made me anxious.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at hindi pinansin ang mga matatalim niyang tingin. I need this. Kailangan kong magfocus at ipagpatuloy ang nasimulan kong pagtatago sa kanya or shall I say, getting rid of him out of my life. Completely. But how?

“You’re avoiding me.” Natigil ako sa pagmumuni-muni nang magsalita siya. Hindi iyon tanong kundi maliwanag na pahayag.

Sumandal siya sa upuan habang nanatili pa rin sa akin ang kanyang mga tingin at pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang basong may lamang alak.

Nanatiling tikom ang bibig ko. Bakit ko naman siya sasagutin, e, hindi naman iyon tanong. He clenched his jaw when he saw, how I stayed silent.

“Am I right?” tanong niya ulit. Inisang lagok niya ang alak at nakakamanghang walang nagbago sa kanyang mukha, “this is...frustrating as fuck,” mahina niyang mura na klarong-klaro sa pandinig ko, “you’re very, very good at this...ignoring game!”

“I’m busy,” walang gana kong sabi. Hindi pa sana ako magsasalita kung hindi ko lang nakita kung gaano na kapula ang mukha niya.

Napatalon ako sa aking kinauupuan nang biglang tumunog ang telepono ko. Sinilip ko ito. Nanlalaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin kung sino ang tumatawag. It was Monay.

Paano na ito? Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin o hindi. Bakit ngayon pa? Bad timing!

Tinukod niya ang kanyang siko sa mesa at halos bawiin na ang hawak ko. Sa takot ko na makita niya ang mukha ng sekretarya ni Renz, na pinsan niya, kaya agad kong tinaob ang telepono sa ibabaw ng mesa.

Kalmado kong kinuha ang table napkin sa gilid ko at nilatag iyon sa aking hita. Kumusta na kaya siya? Sigurado akong mayroong importanteng sasabihin si Monay. Kailangan kong makahanap ng paraan para matakasan ko si Ryo rito.

“Who’s calling?” kunot-noo niyang tanong. Mas lalong dumilim ang kanyang kabuuan sa pagtagpo ng kanyang makakapal na kilay.

“S-si Abby,” nauutal kong sagot. Kinuha ko ang isang platong steak at inabala ang aking sarili sa mga pagkain kahit wala naman akong planong kainin iyon kani-kanina lang.

Tahimik lang siyang naninitig kaya parang bumabalik ang karne sa ngala-ngala ko.

Kaunti pa lang ang kinain niya. Kung hindi ako nagkakamali, isang slice lang iyon ng steak at limang basong wine. Nag-angat ako ng tingin nang muling magsalin ang waiter sa kanyang baso. Maaga pa, nakakarami na siya. Puwera nalang kung may plano siyang maglasing at magsunog ng baga. Namumula na nga ang tenga niya, indikasyon na marami na ang kanyang nainom.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon