PAINFUL TALK

25 2 0
                                    

"Rhivah! NO!"

Hinablot ko ang telepono mula sa kanyang kamay. Dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata sa gulat.

"Is there something wrong, Mi? Namumutla po kayo," she asked innocently.

Mariin kong hinawakan ang aparatu. "D-did...did you open the message? Did you saw it?"

Halos lumipad ang kaluluwa ko sa takot na baka napanood niya ang nilalaman ng mensahe. Meet in Regal. That wasn't a scam. Totoo iyong banta kanina.

"Rhivah, tell me the truth. Nakita mo ba?"

Umiling siya. "I remember my teacher said that we shouldn't invade other persons privacy. You are my mom, but that doesn't mean I have to," aniya habang nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.

I scanned the inbox.

Sunod-sunod nga ang mga mensahe. Tulad ng pakikipagkita sa Regal Hotel. Pananakot. At panggigipit sa akin. Na kung hindi ako sisipot, ipapakita niya sa mga anak ko ang kahihiyang matagal ko ng binaon sa limot.

Napasinghap ako nang mabuksan ko ang video. Bumulaga sa akin ang multo ng aking nakaraan.

How could this be?

Akala ko...akala ko nabura na ang lahat ng kopya nito pero bakit may naiwan pa?

Anong gagawin ko ngayon? Baka makita ito ng mga anak ko.

Nag-uunahang bumagsak ang aking mga luha habang nanonood. I couldn't take this. Hindi ko pa rin kaya. Tinatawag ako ni Rhivah ngunit wala na sa kanya ang isip ko kundi sa mga galaw at indayog ng babaeng walang ginawa kundi magbigay ng pagmamahal noon.

"Mommy!!!" tawag ni Rhivah.

Naging tuliro ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin nang maalala ko ang nakaraan. Tumakbo ako ng silid. Nakasalubong ko si Dahlia na halatang kagigising pa lamang.

"Ate, bakit ka sumigaw?"

Pinahid ko ang luhang naglandas sa aking pisngi at nilampasan siya. Nadaanan ko sina Ryo at Bambie sa kusina.

"Mommy! Gusto mo?"

Nagpatuloy ako patungo sa hagdanan.

"Maiah, what's wrong?" tawag ni Ryo. Narinig ko ang nakasunod niyang yabag kaya binilisan ko ang aking kilos.

It's killing me.

Pabalibag kong sinarado ang pinto. This can't be happening again. My kids.

They will think bad of me.

Wala akong ibang naririnig kundi ang tawanan at pangungutya ng mga tao sa akin.

"Ahhh!" sumigaw ako at tinakpan ang aking tenga. Ayoko silang marinig.

Patuloy na umaagos ang aking luha kasabay ng tubig mula sa dutsa.

"Maiah!" sigaw ni Ryo mula sa labas at may kalabog na sumunod.

Ayaw ko siyang makita. Siya ang dahilan ng lahat ng ito.

"Putang-ina! Kunin ninyo ang susi! Maiah, answer me."

Wala sa sariling tumayo ako. Hindi upang pagbuksan siya kundi isarado ang pintuan ng banyo. Tuluyang nawala ang ingay mula sa labas. Mas nilakasan ko ang agos ng tubig; pinihit sa pinakamalamig upang maging manhid ako sa lahat. Gusto kong kalimutan. Ngunit bakit ganito? Kung kailan sinusubukan kong magpapakatatag, patuloy pa rin akong hinahabol ng aking pagkakamali.

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko nararanasan ang lahat ng paghihirap ko. Hindi naman ako masamang tao. Nagmahal lang naman ako noon.

I trembled.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon