SHOW

42 2 0
                                    

HINDI na ako umuwi. Dumiritso na ako sa venue na napili namin kung saan gaganapin ang fashion show para sa summer collection ng Billizi.

Alas-syete na ng magising ako. Nag-ayos lang ako nang kaunti at nagmamadaling bumaba para sa agahan ng hotel.

Naabutan ko sina Abby na kumakain pa, may ilang crew siyang kasama at nagkalat ang mga modelo sa iba’t-ibang mesa.

Huli ko nang nalaman na naiwan ko ang telepono ko sa suite. Wala naman sigurong tatawag sa akin dahil sinabihan ko na si Yaya Betty na malayo ang project namin ngayon.

Inanyayahan ko rin si Crizzy para sa show mamayang gabi. I want to have her in my first interaction as Billizi’s owner.

Kulang ang sabihing kinakabahan ako, sobra pa roon. Isa-isa kong nakikita ang aking mga gawa na suot ng mga modelo sa runway.

Masigabong palakpakan ang aking naririnig habang nasa ibabaw ako ng entablado. Nagbigay ako ng kaunting speech saka bumaba. Isa-isang nakikipagkamay sa lahat ng mga naririto upang bumati sa mga bisita at ilang kilalang designers ng bansa.

“It’s a success, dear! I personally love your style.”

I shaked hands with the famous Raj Laurel. Para akong naiihi sa sobrang kaba at kilig.

“Thank you!”

Agad akong umayos ng tayo papunta sa kabilang mesa na alam kong mataman na nakatingin sa akin. Heads of SGC were here. Kathy, Bianca and Ryo’s parents.

A smile crept all over my face.

Akala ko hindi nila pauunlakan ang imbistasyon ko. But I knew why they’re here, it isn’t for the show nor my new fashion designs.

“I’m so glad you all came!”

Una kong nilapitan at bineso si Kath, kasunod si Jasmine, at si Bianca. Lahat sila at parang tuod na nakatayo. Tila pinipigilan ang paghingang nakatitig sa akin.

“Mr. and Mrs. Saldivar, nice to see you...again!”

Humugot muna ng buntong-hininga ang ama ni Ryo bago tinanggap ang kamay ko. I wasn’t expecting that. Akala ko luluhod ulit ako para pansinin niya. Nakatatak pa rin sa aking isip ang pagmamakaawa ko sa kanya noon para lang makapagtapos. Pero wala man lang siyang ginawa.

Muli akong lumingon sa tabi niya. Tahimik ang kanyang asawang nakatitig sa akin. Blangko pa rin ang kanyang mukha tulad noong huli ko siyang nakita.

Still, I managed to smile and shook her hands cheerfully.

“I-Im sorry, I’m late!” ani Ryo na humahangos pa na tumabi kay Bianca.

“You’re just on time!” prangka kong sabi.

Bumaha ang katahimikan sa paligid. Napailing nalang ako. The scene was more akward than I thought. Mukhang iba yata ang naging dating ng sinabi ko’ng iyon. Knowing our past, they’re maybe stunned, or I don’t even know to eleborate what they’re feeling.

“Enjoy!”

Iniwan ko na sila at hinarap ang ilang negosyante. Hindi lahat ng party ay kasiyahan lang para sa mga mayayaman kundi opurtunidad sa gitna ng alak at usapan.

Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin. Now they see me, they hear me, and they look at me with respect. Bagay na hindi ko naranasan noon.

Kanina pa ako palinga-linga at hinahanap si Crizzy ngunit hindi ko siya mahagilap.

Saan naman kaya ’yon nagsususuot?

Tinunton ko ang hallway patungo sa lounge, baka nandoon siya.

Biglang may humawak sa beywang ko kaya agad akong pumihit. Agad akong naalarma nang bumungad sa akin ang mukha ni Ryo, pagod at halatang wala pa siyang pahinga.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon