CONFLICT OF INTEREST

22 3 0
                                    

“GUSTO ko nang umuwi,” palit-ulit na bigkas ni Tiyang.

Halos magtampisaw na siya sa putikan kaya hinila ko siya patayo. She was trembling.

“Kailangan mo munang magbihis, Tiyang.” Dinala ko siya sa balon, ilang metro ang layo mula sa aming kinaroroonan upang bihisan at hugasan ang kanyang mga paa.

Ilang minuto ang lilipas, bigla na naman niyang uungkatin ang nakaraan. Alam kong malalim ang galit niya sa amin ni Mama, kaya kahit nagkasakit na siya’t lahat iyon pa rin ang tumatak sa isip niya. Ang utang sa bangko. Ang lupa. Ang mana na hindi niya napakinabangan dahil sa amin.

“Huwag mo akong hawakan!” biglang sigaw ni Tiyang at nagsimula siyang magwala.

Ito ang isa sa pinakamahirap na trabaho—ang maging tagapag-alaga ng taong may dementia. Minsan nagwawala at ang mas malala, nananakit.

“Tiyang, si Maiah ’to!” gumaragal ang boses ko sa sobrang awa na nararamdaman para sa kanya.

“Maiah? Ikaw si Maiah?” muli niyang sinalag ang kamay ko at puno ng pagdududa akong tiningnan, “hindi ako naniniwala.” pagak siyang tumawa at hinayaan na akong sabunin ang kanyang katawan.

Nanlilimahid na siya sa baho. At hindi kakayanin ng punas ang mga putik na magsimulang matuyo sa kanyang paa kaya marahan ko iyong kinuskos.

“Malapit na Tiyang. Pikit ka, hihilamusan kita!”

Inabot ko ang tuwalyang hawak ni Dahlia. Una kong pinunasan ang maikli niyang buhok pagkatapos ay kinuha ko ang kanyang damit.

She needed an outmost care. At hindi ako magdadalawang-isip na ibigay iyon sa kanya. Kahit na pinagmalupitan niya ako noon. Hindi dahil humihingi ako ng kapalit sa langit kundi dahil iyon ang tinuro ni Mama sa akin noon.

Matapos namin siyang bihisan hinila ko na siya patungo sa nakaparada naming sasakyan. Kailangan na naming umuwi dahil gabi na. Wala pa kaming hapunan lalo na itong si Tiyang. Nag-aalala na nga ako at baka magwala siya rito dahil sa gutom.

Naabutan namin si Kuya Alex na nakasandal sa hood ng SUV. May kausap siya sa telepono at tila malungkot na ngumingiti habang nakatanaw sa mga batang naglalaro ng piko sa harap ng isang tindahan.

“Bantayan mo ang Nanay, okay?”

Humulma ang braso niya habang nakahawak sa hood ng sasakyan at tila nagpipigil ng damdamin.

Alam ko ang pinagdadaanan niya.

“Ano’ng hinihintay natin dito? Milagro?” napaigtad ako nang tampalin ni Tiyang ang aking braso.

“Shh, teka lang, Tiyang!”

“Bakit ba Tiyang ang tawag mo sa akin? E, hindi ka naman si Maiah!” aniya dahilan upang maagaw ang atensyon ni Kuya Alex.

“Oo, mag-iingat ako. Bye,” paalam niya sa kabilang linya at agad kaming binalingan.

“Pasensya na po, Ma’am!” paghingi niya ng paumanhin.

“Okay lang, Kuya. Hindi madali ang mawalay sa anak, ramdam ko po kayo!” may halong simpatyang tugon ko saka giniya papasok si Tiyang nang mabuksan ni Kuya ang pinto.

“Maghanap ka ng makakainan natin, Kuya. Alam kong gutom—”

“A-Alex?!” nalilitong sambit ni Tiyang.

Mahigpit siyang humawak sa braso ko kaya ako nagtaka dahil magkalapit naman silang dalawa. Maybe she was excited, na makita ang kakilala niya. Magkatrabaho silang dalawa noon sa mansyon nina Blade. Ilang taon rin siyang nanatili roon hanggang nag-asawa si Tiyan at nabuntis.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon