Captive

25 3 6
                                    

Dust.

Five fused bulbs in a rusty chandelier was hanging above me, still disoriented and groggy, I roamed my eyes.

Nasaan ako?

Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.

The cracked walls. Molds grew along the ceiling and a dead plant seated in the window sill; profusely desolated inside this shabby room.

Sinapo ko ang aking noo. Last night...parang bombang sumabog sa aking balintataw ang nangyari kagabi.

I was held captive by the man I trust.

Dazed, I stood up and raced to the door, pero muli rin akong bumagsak sa ibabaw ng kama dahil sa posas na nakakabit sa aking pulsuhan at headboard. Hinila ko ang aking kamay. Kailangan kong makalabas rito.

“Kuya Alex…Tulong!!!” I shouted his name at the top of my lungs. Pinukpok ko ang dingding upang agawin ang atensyon nila.

Mataas na ang sikat ng araw, kailangan ko ng bumalik sa bahay ni Ryo.

My family. They are waiting for me.

Ilang oras akong nagsisigaw at humihingi ng tulong hanggang wala ng lakas na naiwan sa aking katawan. Sumasakit na ang lalamunan ko. Nagsusugat ang kamay. Ngunit walang ni isa ang lumitaw “Pakawalan n’yo ako! Naghihintay ang mga anak ko...” mahina kong bulong.

Gumagabi na. Paniguradong hinahanap na ako ng mga anak ko.

Umalerto ako nang may marinig akong mga yabag na nagmumula sa labas ng silid. Kahit nanghihina, pinadulas ko ang posas sa mahabang rolyo ng bakal at pumunta sa pinakasulok na parte ng kama.

Tumunog ang seradura. Nagsimulang manginig ang aking katawan. Tatlong bulto ng tao ang pumasok.

“Masisira lang ang kutis mo kapag pinagpatuloy mo ’yan, sweetheart!” ngumisi ang lalaking sumuntok sa akin kagabi. Sumilip ang dilaw niyang ngipin nang dumapo ang kanyang tingin sa bumakat kong dibdib. Isang pares ng manipis na pantulog lang itong suot ko. Niyakap ko ang aking sarili nang dumako sa aking kabuuan ang nakakadiri niyang tingin.

Nagsimulang humakbang papalapit ang isa sa kanila. Dumagdag sa takot ko ang pagsilip ng baril sa kanyang tagiliran. Sinundan ko siya ng tingin. Pinagpag niya muna ang alikabok sa ibabaw ng mesa bago umupo.

“At na-bingo din!”

I gulped.

Sinulyapan ko si Kuya Alex, hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

Mabuti siyang tao. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito.

“Tama na ’yan, Gardo! Pakainin niyo na,” putol ni Alex sa nakakapanindig balahibong katahimikan.

Hinila ko ang lumang bed sheet at tinakip sa aking katawan. Lumapad ang ngisi ng tinawag niyang Gardo nang masaksihan ang aking ginawa.

“Kuya, please, parang awa mo na. H-hindi ako magsusumbong kay Ryo at sa mga pulis basta tulungan mo lang akong makatakas dito!” nakahanap ako ng paraan para kausapin siya nang palabasin niya ang dalawa niyang kasama.

Hindi siya umimik; bagkus ay nilapag niya sa mesa ang mga papeles.

“A-ano 'yan?” naguguluhan kong sinipat ang ilang pahina ng papel.

“Gusto mong makalabas rito ng buhay?” blangko niya akong tiningnan, “pirmahan mo 'yan.”

“Para saan?”

“Cordova Group.”

“Bakit mo ito ginagawa? Sino ang nag-utos sa'yo?”

“Hindi mo na kailangan pa'ng malaman.”

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon