DINNER

23 2 0
                                    

HINDI pwede na palaging ganito.

Wala sa sariling nilapag ko sa tokador ang dala kong purse. Nanlalambot pa rin sa ginawa niya kanina sa kotse. Halik lang naman iyon, pero para na akong nawawala sa huwisyo.

“Akin ka!” wala man lang akong nakapang damdamin sa sinabi niyang iyon. Siguro noon, baka maglupasay ako sa saya. Noong isa pa akong inosenteng si Maiah na napapaniwala niya sa kanyang mga kasinungalingan.

Dumapo ang kamay ko sa aking batok at minasahe iyon.

Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Nagkalat ang lipstick sa labi ko. Kailangan ko na ring magpagupit, masyado ng mahaba.

Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ang labi ko, kinakalma pa rin ang sarili.

Agad na pumasok sa isip ko ang aking pinsan. Goodness! Bakit ngayon ko lang naalala? Ano na kaya ang sitwasyon niya roon. Kailangan ko siyang tawagan.

Nagmamadali kong hinanap ang telepono ko. Nagsimulang manginig ang kamay ko kaya hinawakan ko ito gamit ang dalawa kong kamay. Tinipa ko ang numero niya upang alamin ang sitwasyon niya sa kompanya ng SGC. Base sa nakikita ko, alam kong hindi namin malulusutan ng ganoon kadali ang mga Saldivar na ito.

“Okay lang ako, Ate!” May narinig akong pagtunog ng timer sa kabilang linya. Sa oven iyon, kung ’di ako nagkakamali. Umahon ang kaba sa dibdib ko nang mahinuha ang nangyayari.

“Nasaan ka ngayon?” kabado kong tanong.

Malalim na buntong hininga ang sagot niya. Ilang segundong katahimikan ang dumaan, lalo akong nahintakutan. Tiningnan ko ang screen upang alamin kung nasa kabilang linya pa ba siya. She’s still on the line. Muli ko itong tinapat sa aking tenga.

“Answer me, Monay. Nasaan ka ngayon?” may halong inis na ang boses ko dahil hindi siya sumasagot sa tanong ko.

“Wala na ako sa kompanya.” dinig kong tunog na animo’y kumukulo, “n-nandito ako sa bahay ni S-Sir Renz.”

Wala sa sariling napasabunot ako ng sariling buhok sa sobrang prutrasyon na nararamdaman ko.

“Ano’ng ginagawa mo diyan?” pinigilan kong huwag pumiyok ang boses ko, hawak pa rin ang aking ulo habang nakikinig sa kabilang linya.

“G-gawaing bahay lang...” pagsinghap ang narinig kong karugtong. Pumikit ako at mariing kinuyom ang aking palad.

Kung alam ko lang na magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat, sana hindi ako pumayag noon na ipadala siya sa SGC.

“Monay, sabihin mo kay Ate kung saan, please. Ibigay mo sa akin ang address...kukunin kita!”

“Huwag na, Ate!” Nandoon na naman ang boses niyang napakasarap sa pandinig ko. Na kahit nanginginig na ako sa aking kinatatayuan, agad akong kumalma, “okay lang ako rito, Ate. Kaya huwag ka ng mag-alala. Marami akong kasama—” Biglang naputol ang tawag. Nagpadala rin siya ng mensahe kinalaunan na nagsasabing dumating na raw ang boss niya.

Renz was giving me a hard time. Kahit sabihin ko sa kanya ang totoo, na si Ryo ang nagleak ng data ukol sa mga deals ng kompanya nila, hindi pa rin siya naniniwala. Tanging sarili niya lang ang kanyang pinaniniwalaan kahit mali.

Hindi ko pa nailalapag sa mesa ang telepono muli na naman itong tumunog. Isa pa ’to. Pinagpatuloy ko ang pagtunog noon at inantay na mamatay ang tawag niya saka nilagay sa silent mode.

Naglinis muna ako ng sarili bago pinansin ang dalawang mannequin sa gilid ko. Marami pang kulang. Kailangang maglaan ako ng mas mahabang oras para sa paglalagay ng mga beads sa bandang likod nito, pababa sa puwetan. Kinuha ko na ang mga materyales at sinimulang tahiin ang kasunod na linya ng palamuti.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon