GOODBYE

22 2 0
                                    

“Will you cook for me?”

Tumatama ang kanyang hininga sa nakalantad kong balikat habang ang kanyang palad ay marahang humahaplos sa peklat ng aking tiyan.

“Ryo,” ungos ko sa kanya nang wala akong narinig na sagot. Alam kong hindi siya tulog ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Bahagya kong tinulak ang nakayapos niyang kamay at saka humarap sa kanya.

“Will you?” muli kong sambit. Sinadya kong ngumiti, kahit na pilit dahil kita ko ang pagdilim ng kanyang ekspresyon.

Sinulyapan ko ang orasan sa dingding. I didn’t plan of staying here longer. Kailangan kong makabalik sa bahay bago pa magising si Bambie at ang kambal. Paniguradong hahanapin ako ng mga anak ko.

“Nothing's gonna happen, right?”  Nanatiling kunot ang kanyang noo. Nakapangalumbabang nakatitig sa mukha ko. Para bang may nakikita siyang kakaiba roon. I gave him a fake smile, at saka umiling. Wala naman.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tumayo. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa ginawa namin kanina kaya ang bigat ng katawan ko. Inayos niya ang kumot na nakayakap sa hubad kong katawan. Tumalikod ako. Hindi ko magawang titigan ang nagtatanong niyang mga mata. Dinig ko ang malalim niyang buntong-hininga bago ako kintalan ng halik sa noo ko at tuluyang lumabas sa kwarto.

Tumayo na rin ako. Gumamit ako ng banyo upang maglinis ng katawan. Kompleto naman lahat ng toiletries niya kaya madali akong natapos. Maayos ang pagkakasalansan na tila pinaghandaan. Agad akong napakagat-labi. Baka, para sa akin! Pero remihistro sa isip ko ang totoo. Siyempre, nakalimutan ko yatang may-asawa siyang tao kaya bakit pa ako magtataka na may mga pambabaeng gamit dito.

Ngayon ko lang napasadahan ng tingin ang kanyang silid. Ganoon pa rin katulad noong dati, lumipad ang tingin ko sa mga nagkalat na unan sa sahig. Nalukot na kobre-kama at nauka ang tela sa bandang paanan. Nanghihina akong inayos ang buong silid habang sinusubukan kong pagtapi-tagpain ang mga salitang gustong kong sabihin sa kanya mamaya.

Buo na ang isip kong gawin ito. Sa ayaw niya o hindi, wala siyang magagawa dahil ito ang desisyon ko.

Sumunod na rin ako sa kusina para makainom ng tubig. Kanina pa ako naghahanap ng mini-fridge niya sa kwarto pero wala akong nakit.

“Are you hungry? Sandali nalang ’to,” aniya at saka binawi sa akin ang baso na parang sanay na sanay siyang may pinagsisilbihan. Binuksan niya ang fridge. Kumuha siya ng isang babasaging pitsel at nagsalin ng tubig, “m-maybe you could watch movies while waiting,” pagpapatuloy niya.

“Now, stop staring at me and sit on the couch. Malapit na itong maluto!”

Nagmamadali akong tumalikod upang itago ang pamumula ng mukha ko dahil sa hiya. Hindi ko napansing titig na titig na pala ako sa kanya.

Inabala ko ang aking sarili sa panonood ng palabas ngunit sadyang lumilihis ang isip ko.

“Eat more!” ungos ni Ryo sa tabi ko. Tumabi siya sa akin sa couch. Halos magshake-hands na ang dalawang kilay niya habang inuutusan akong ubusin ang pagkain.

“Busog na nga ako!” maktol ko. Hindi ba niya nakikita? Kung anong nagagawa ng salitang 'eat more' niya. Nanaba na ako.

“Babe, kailangang busog ka palagi. Sige ka, isusumbong kita kay Mama Aida!”

Napasimangot ako sa sinabi niya. Ganito talaga siya kapag sobrang nahahati na ang isip ko sa eskwela, palagi niyang panakot sa akin na isusumbong niya ako kay Mama. Itong namang nanay ko, naniniwala sa kulot na ’to. Parang siya pa ang anak sa aming dalawa.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon