BEGIN

39 4 0
                                    

Third POV

Nakaupo siya sa isang restaurant habang naghihintay nang may mahagip ang kanyang mga mata ang isang pamilyar na bulto.

Ryo Saldivar! umigting ang kanyang panga at kinuyom ang palad.

Agad siyang tumayo. Nilapitan si Ryo kasama ang fianceé nitong si Bianca. Nakaangkla ang kamay ng babae sa bisig nito habang nakapamulsa ang gago niyang kaibigan.

“You’re a jerk!” sigaw niya.

Hindi pa ito nakaupo nang maayos kaya nawalan ng balanse at tumimbuwang sa sahig. Sapul ang bibig ni Ryo nang mahagip ng kamao niya.

Nagsigawan ang ilang customer sa loob dahil sa ginawa niyang atake ngunit walang naglakas-loob na tumawag ng guwardiya nang makita nila kung sino ang dalawang sangkot sa gulo.

“What the fuck is wrong with you, Blade!” asik nito.

Sapo ang duguang labi na agad tumayo, hinaklit ang kanyang kwelyo at sinalya siya sa pader. Dinaluhan sila ni Bianca. Fuck this, jerk. Malaki na rin ang tiyan nito kaya nawala ang plano niyang pagsugod. Piniksi niya ang kamay ni Ryo at saka kalmadong inayos ang kanyang nalukot na polo.

Nakita niya ang paghihirap ni Maiah upang maitaguyod ang mga anak nila. But this devil...this devil isn’t holy enough to know the truth.

Huminga siya ng malalim at umaktong nagbibiro.

Time will come...

“Nothing. Just a brotherly greetings! Happy holidays, Saldivar!” tinapik niya ang braso nito. Mabilis pa sa alas kuwatrong tinunton ang labasan upang maghanap ng lugar kung saan siya kakalma.

Naiwan si Ryo na naguguluhan.

Matapos ang nangyari sa resto, tinawagan ni Blade ang kanyang sekretarya upang ilipat sa ibang lokasyon ang meeting nila ng ibang negosyante.

Gusto niyang bugbugin hanggang magdamagan ang gunggong.

They were friends. Best of friends. Kaya alam niya ang karakas ng taong bumuntis sa ex-girlfriend niya.

Kinuha niya ang kanyang telepono at may tinawagan.

Malalim na ang gabi nang matapos niyang makipagpulong sa ilang kasosyo ng pamilya niya rito sa Pilipinas. Sinipat niya ang relong pambisig at pinaharurot ang sasakyan pauwi.

It’s 11 PM.

Noche buena.

Gagahulin siya sa oras sanhi ng traffic kaya sinubukan niyang maghanap ng shortcut upang makauwi ng Los Nuevos bago maghating-gabi.

Nasa gitna na siya ng daan nang makita niyang may tumatawag sa kanya. It wasn’t in his contact. Wala sana siyang planong sagutin ang tumatawag. Hinintay niyang mawala ito ngunit muli ring tumunog kaya dinampot niya ito at sinagot.

“Are they safe?”

“Nasa loob pa po si Maiah, Sir!” dinig niya sa kabilang linya ang kaguluhan at sigaw ng tita ni Maiah.

It was clear as hell that she was saying ‘fire’.

Halos paliparin na niya ang sasakyan sa sobrang kaba. But what he witnessed was devastating.

“Maiah!” kumunot ang noo niya. Walang kahit na isang salitang lumalabas sa bibig nito, tanging ungol animo’y nasasaktan at may gustong sabihin sa kanya.

Masyadong malayo ang fire station kaya tinupok na ng apoy ang buong kabahayan bago pa nila marating ang lugar.Hinubad niya ang kanyang suot na leather jacket at tinakpan ang katawan nito. May lapnos ang likod, sa parte kung saan siya tinamaan ng sa wari niya’y kahoy o nasusunog na bagay.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon