PUSH ME HARDER

48 3 0
                                    

DALAWANG araw lang nanatili rito si Blade. Umalis din siya pabalik ng London dahil nagkaproblema ang isang kompanya niya roon at kailangan ang presensya niya.

Nakahanda na rin ako paalis. Maagang tumawag si Abby. May meeting kami ng mga Saldivar dahil sila ang nakakuha sa advertising campaign ng Billizi.

I am excited!

Nasasabik ako sa lahat ng mangyayari. Inaasahan ko na ito pero iba pa rin pala kapag nangyayari na.

Naabutan ko ang mga anak ko na abala. Ang aga nagkalat ng mga bubwit! Gustuhin ko mang umalis pero maraming request ang mga anak ko kaya huli na nang makita ko sa aking relong pambisig ang oras.

It’s 8:45 AM.

Kahit liparin namin hindi pa rin kami makakaabot. My goodness! First day na first day.

Nag-retouch na ako sa sasakyan kanina kaya diritso akong umibis at umakyat na sa conference room. May ilang trabahanteng bumati ngunit hindi ko na silang magawang pansinin, dumiritso na ako papasok.

Kompleto na sila. Likod lang ang aking nakikita mula sa salaming dingding. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tinulak ang pinto pabukas. Agad naalarma ang assistant ko, si Marlon, kanang kamay ni Blade na tinalaga niya upang makasama ko rito.

“Good morning, Mrs. M!” bati niya. Kinuha niya ang mga dala at diritso akong umupo.

Sabay silang lumingon sa aking direksyon. Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mukha nang mapagtanto nilang ako ang taong inaantay nila.

Nilapag ko muna ang aking laptop at naghubad ng coat. Pinagpawisan tuloy ako sa pagmamadali.

“You may start now!”

Wala akong narinig kaya bumaling ako sa kanila. Nawala na ang gulat sa kanilang ekspresyon ngunit nahalinhan naman ng inis. Hindi sila sanay na nag-aantay kaya parang sasabog ang bumbunan nila sa galit. Mga walang pasensya, palibhasa sanay sila na hawak nila ang oras ng lahat.

I could see how Ryo was staring at me coldly.

Bumaba ang tingin niya sa natirang pang-itaas kong saplot. Tanging tube nalang ang naiwan dahil kahit bra ayokong magsuot. Ang init kaya ng Pilipinas! Tinaasan ko siya ng kilay at muling tiningnan si Kathy na hindi pa rin gumagalaw.

“Hindi man lang alam ang salitang professional! Tsk,” bulong niya.

“Stop it, Katherine!” saway ni Renz sa kanyang tabi.

Tumango siya sa akin kaya malapad akong ngumiti. Napabuga siya ng hangin at yumuko pagkatapos ay inabala ang sarili sa papel na hawak. Pero ang taong katabi niya, hindi man lang natitinag.

Sumandal ako sa swivel chair at tinukod ang aking siko sa mesa. “So, how are we gonna deal with this?”

Mabigat ang kilos ni Kath na pumunta sa harap. Sinimulan niya ang project presentation kasama ang dalawa niyang kasama.

Halos kalahating oras ang aming inantay bago sila natapos sa pagpapaliwanag sa harap.

She was good.

I admit it. Magaling siya sa larangang ito pero hindi ako kumbinsido.

“That’s it?” walang gatol kong sambit.

Tapos ko ng basahin ang mga hardcopies. Gusto kong maging perpekto ang lahat dahil ito ang pinakauna kong proyekto na personal kong pamamahalaan bilang may-ari ng Billizi.

Hawak ko pa rin ang ballpen. Pinaglalaruan ko sa aking mga daliri habang nakatanaw sa kanya na namumula sa galit.

I hurt her ego.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon