ALMOST

33 4 0
                                    

Hindi na bumalik si Blade pagkatapos niyang pumunta rito. Sa ibang bansa na siya nag-aaral habang pinamamahalaan ang negosyo nila doon.

Hindi naman siya nagtanong kung ano ang totoo ukol sa kalagayan ko. Tumalikod na walang sinabi. Mas mabuti na rin iyon.

Nasa loob ako ng cafeteria nang lapitan ako nina Kath.

Ilang buwan na ba noong huli nila akong kausapin. Nakakapagtaka naman.

Umupo sila at nakipag-usap na parang walang nangyari.

“Sorry, Maiah! Alam mo naman, takot ako kay Tito. Ayaw kong madawit sa gulo kaya hindi ka muna namin kinausap!” nagmamakaawa niyang sambit.

Bigla akong nabuhayan. “Ano ba kayo! Okay lang ’yon!” malapad akong ngumiti. Nagtitigan silang tatlo na tila naguguluhan sa inasta ko.

“R-really? That’s great!” pekeng tawa ni Jazz.

Kinukumbinsi nila akong pumunta sa birthday party niya ngayong Sabado. Gaganapin daw sa bar at dapat ay naroon ako. Ayaw ko namang saktan sila kaya nag-isip ako ng madadahilan. Bawal ako roon. Mausok.

“Malapit na kasi ang finals, eh!” ani ko. Tama, finals nga sa susunod na linggo. Kailangan kong maghanda.

Kath frowned. “It’s just one night.” Pinaglalaruan niya ang kanyang buhok at inikot-ikot sa kanyang daliri.

Dismayado silang nakatingin sa akin matapos kong tanggihan ang imbitasyon nila. Hindi kasi ako pwede roon. Isa pa, wala akong maisusuot, sa katayuan nila alam kung puro mayayaman ang mga bisita niya.

“If you’re really my friend. Then, you will come!” Jaz exclaimed. Nag-apir silang tatlo at lalo pa akong kinumbinsi na sumama sa kanila, “ ’diba girls?”

Iniisip ko pa kung pupunta ba ako roon. Halos mga kaklase lang daw namin ang dadalo kaya umo-o na rin ako pagkatapos. Pwede naman akong magpaalam kahit siguro mga thirty minutes lang akong mananatili.

Masaya ako na muli kaming nagkakasama sa school ulit. Gagawa ng homework at mag-aaral sa library katulad noon. Minsan, naiisip ko pa rin si Mama pero kahit ganoon wala akong napagsabihan sa isa sa kanila. Hindi ko alam. Siguro dahil hindi naman na importante pa nilang malaman.

Nilugay ko ang aking buhok at nagsuot lang ako ng itim na dress. Maluwag kaya malaya ang aking tiyan. And of course, masaya ang mga anak ko. Alas-nuebe na ng dumating ako. Puno na ang bar at may ilan na ring lasing. Ngayon ko lang napagtanto na isang pagkakamali ang pagpunta ko rito dahil baka mamaya magkakagulo at maipit ako rito.

Pinanliit ko ang aking mata upang hanapin ang mesa nina Jazz. Nakita ko siyang kumakaway mula sa second floor, sinesenyasan akong umakyat kaya maingat akong nakipagsiksikan sa mga party goer dito sa baba.

Nakasalubong ko si Loki sa hagdan na agad tumaas ang kilay nang makita ako, may kasama siyang dalawang lalaki na hindi ko pa nakikita ni minsan. Natigil sila sa kanilang pag-uusap at tinuon sa akin ang kanilang atensyon. Matatangkad, parang mga buwitreng nakatanaw sa kanilang bibiktimahin.

Tumigil ako. “E-excuse me!” mahinang anas ko dahil nakaharang silang tatlo. Hindi ako makadaan.

My heart beat hastily.

Hindi kaya nandito siya?

I tuck my hair consciously. Sa isang tingin kasi para akong nagtitinda ng mani sa suot ko. Talo pa ng mga waitress na nandito.

Humalukipkip si Loki at masama akong tiningnan. Wala silang reaksyon sa aking sinambit kahit bigyan ako ng konting espasyo para makapasok at muling nagpatuloy sa pag-uusap na parang wala silang narinig.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon