RECITAL

27 3 0
                                    

Pabagsak siyang humiga sa aking tabi.

Nanatili akong tahimik. Tikom ang aking bibig at inaantay lang ang sunod niyang sasabihin.

What should I do now?

Alam kong naalala niya ang nangyari ngunit wala akong planong ungkatin ang kahit na ano mula sa nakaraan.

Patagilid niya akong niyakap. Pareho kaming nakaharap sa nag-iisang larawan dito sa silid.

My back presses on his chest, like spoons stacked together after a warm steam.

It felt...good.

May kakaibang pakiramdam ang muling lumukob sa akin.

This can't be.

I shrugged it off.

Malakas pa rin ang hangin at ulan. Dinig ko mula rito sa loob ng silid ang sigawan nina Lola Dolor at Lolo Berting.

Dumampi ang hangin sa aking pisngi bago tumunog pasara ang pinto.

Sinubukan kong ibuka ang mga mata ko ngunit masyadong namimigat ang aking mga talukap at tuluyan nang ginupo ng antok at nakatulog.

"Babe!" bulong ng isang pamilyar na boses. Marahan niya akong niyugyog na tuluyang nagpagising sa akin, "the chopper is here. Aalis na tayo."

Bumalikwas ako ng bangon. Pumasok agad sa isip ko ang recital ni Rhivah. Kailangan kong magmadali.

Hinila niya ako palabas. May naririnig akong nag-uusap sa sala ng bahay na tinutuluyan namin. Natulala ako nang makitang si Hunter ang taong iyon.

"Relax," aniya habang hawak ang siko ko papunta sa kusina.

He is my one of my husband's friend. Ryo, too. Pero hindi iyon ang dapat kong problemahin sa ngayon.

Mabilis kong inubos ang tsokolate. Maligamgam iyon. Alas-diyes pa ang recital ni Rhivah kaya may kaunting oras pang natitira.

Tahimik kami sa buong biyahe. Ang matabil na si Hunter ay nawalan ng sasabihin at nanatiling tahimik sa tabi ng piloto. Ngayon lang ito nangyari. Maybe he thought how immoral I am for cohabiting both of his friends. But, who cares.

I need both of them.

"You're crazy," dinig kong sambit ni Hunter nang makalapag kami.

"Tsk. Mind your own business," ani Ryo habang hawak ang siko ko at naghahanda ng bumaba.

"Ay, shutaka! Kung hindi mo ba naman ako ginuyo, e, 'di sana tulog pa ako hanggang ngayon. Talaga palang salot kapag kulot," pumalatak siya at may inabot na paper bag sa kanya, "basta iyong sabi ko, huh!"

"Mapagsamantala ka talaga." Ngumisi si Ryo at binato ng isang botelyang tubig ang kaibigan niya.

Umiwas si Hunter. "Look who's talking!"

Mabibilis ang aming hakbang papasok sa isang lift. Ryo held the small on my back. Nanatili doon ang kanyang kamay hanggang makarating kami sa lobby.

"Drive it well. Malaki ang kabayaran ng ginagawa mong ito." Sumulyap si Hunter sa direksyon ko. Agad akong yumuko.

"She doesn't have anything to do with this. All in me," sabi ni Ryo. Hinahaplos niya ang likod ko. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila pero okupado ang isip ko ngayon para pagtuunan pa ng pansin ang pinupunto ng kanilang usapan. Gusto ko na siyang hilahin paalis. O kung pwede ay ako nalang ang magmamaneho ng sasakyan.

"You're wrecking a HOME. Not just theirs but our code, too."

Parang sirang plakang bumabalik sa utak ko ang sinabi ni Hunter. Tama siya.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon