Hint

32 2 13
                                    

“Wala ka bang nakitang kahina-hinala?”

Augusto lean forward. Nasa tapat ko siya, may hawak na recorder at may ballpen at papel sa kanyang tabi. Tinukod niya ang siko sa kanyang hita at matamang nakikinig sa akin.

Habang si Ryo naman ay nakaupo sa aking tabi.

“Base kasi sa nakuha naming datus sa kapulisan, posibleng ang christmas lights ang naging dahilan ng sunog.”

It’s been ten years.

“It’s okay if you don’t remember, Maiah.” Ryo’s hand rubbed my back.

Ako man, hindi ko gustong alalahanin ang masalimuot naming nakaraan pero tuwing naiisip ko na para ito kay Jr, para mahanap namin siya, gagawin ko ang lahat. Ibibigay ko ang impormasyon na kailangan nila.

It was christmas eve. Bumaba kami noon sa sala ng mga anak ko at doon namin sinalubong ang Noche Buena.

“N-no, my cousin wanted to plug it in but I refused.”

Augusto jotted down the details as I relayed the past which may be helpful to solve the case.

“May nakita ka bang kakaiba sa paligid noon?”

“H-hinatid ko si Blade dahil babalik siya ng syudad para sa meeting niya kahit pasko.”

“May mga tao ka bang nakita?”

“Sina Tiyang. May kausap siya.”

“Naaalala mo ba kung sino?”

“Kapitbahay.”

Sinubukan kong pagtagpi-tagpian lahat ng aking ala-ala pero wala na talaga. Wala ng lumalabas kahit anong pilit ko.

Gulong-gulo pa ako noon. Pagod dahil maghapon naming tinapos ang order ng mga cupcakes.

Minamasahe ni Ryo ang aking kamay. Malaking tulong iyon upang kumalma ako kahit kaunti.

“Matanong ko lang. Sino ang nag-ayos ng libing?”

“Ang Tiyahin ko...I suffered...” I trailed off. Ayaw ko sanang aminin sa kanila ang pinagdaanan ko pero kailangan ko makipag-cooperate sa kanila upang lumabas na ang katotohanan.

“I suffered selected mutism due to trauma and stress after that.”

Clueless, Ryo stopped massaging my palm. Kumunot ang noo niya at tila pinoproseso ang aking binunyag sa kanila.

“You didn’t tell me about this.” matigas niyang sabi matapos kong ipaliwanag sa kanya ang lahat.

Minasahe niya ang kanyang batok at iniwan akong naguguluhan.

NAKALABAS si Loki mula sa kulungan matapos ang dalawang araw naming paghihintay. Bumisita siya sa bahay at naghapunan. Puno ng tawanan at aasaran ang kusina, kabaliktaran sa pananahimik ni Ryo.

Nahuli ko siyang nakatingin sa akin kanina ngunit agad ding nagbawi ng tingin at inabala ang sarili sa pagkaing nasa harap.

Matapos nilang kumain, pumunta sila sa gazebo at nag-inuman.

Naninibago ako sa inaasta niya nitong nagdaang araw.

Hindi niya ako pinapansin!

Inaalagaan niya pa rin ang mga bata ngunit may pakiramdam ako na iniiwasan niya ako. Katulad nalang nitong umaga, nagkasalubong kami sa sala pero umakto lamang siyang may kausap. Siguro nga mayroong kausap talaga, masyado lang akong bitter. Ngayon, ako naman itong hindi mapakali.

Sumilip ako sa labas. Ensakto namang nakita ako ni Loki at kinamayan ako.

“Maiah, join us in here!”

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon