BIND IT

38 4 0
                                    

Napagpasyahan kong magtinda hanggang gabi at pinagkibit-balikat nalang ang lahat ng aking iniisip.
Tinakpan ko ang aking puwesto ng puting tela at umalis na pauwi. Walking distance lang sa tinitirhan namin ang merkado kaya wala akong gastos sa pamasahe. Lalakarin ko lang, dagdag ipon at ehersisyo na rin.

Hanggang ang aking mga paa ay walang tigil sa paghakbang at hindi ko na namalayang nakarating ako sa harap ng isang malaking mansyon. Puno ng nga magagarang sasakyan ang paligid at isa-isang pumapasok ang mga panauhing may magarbong kasuotan. Tiningnan ko aking sarili at saka nagkagat-labi. Kupas na ang aking PE uniform pati ang puting sapatos. Bigla akong natigilan. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito.

Kinalma ko muna ang aking sarili bago nilapitan ang mga guwardiya.

“Hindi pwede. Kung anuman man ’yan, bukas mo na lang ibigay. May importanteng okasyon ngayon kaya hindi kami pwedeng magpapasok ng kung sino-sino lang!”

Tinawag siya ng iba niyang kasamang guwardiya at paminsan-minsan akong sinusulyapan habang nakatingin sa hawak na papel ng kasama niya.

Hindi nila akong pinayagang makapasok at sinamahan nila ako palabas ng compound. Pero hindi ako pwedeng umuwi na hindi ko siya nakakausap.

I sneaked in their backdoor.

Alam kung puno ng CCTV ang paligid ngunit mas madali ang daan dito para makita ko si Ryo. Nagawa kong akyatin ang dalawang metro na konkretong bakod. Hindi pa man ako nakahuma agad na tumahol ang mga malalaking aso kaya ako nataranta. Naghanap ako ng mapagtaguan at sumiksik sa malaking halaman na nasa gilid ko. Kung minamalas nga naman! Agad akong yumuko at naghanap ng kahit na anong bagay para maibato sa mga malalaking aso na ito.

Ngunit kahit anong kapa ko, wala akong mahanap. Wala na akong nagawa nang maramdaman ko ang kanilang presensya sa aking paanan. Hindi nga guwardiya ang naabutan ko, mga asong mas malaki pa sa tao.

Ilang segundo akong nanatiling nakatayo. Sa mga oras na iyon wala naman akong naramdamang kumagat sa akin kaya marahan kong minulat ang aking mga mata.

I find them lying on the ground.

Agad akong napaupo at hinimas ang kanilang balat. Miss ko na rin sila. Ilang beses kaming palihim na umaakyat dito ni Ryo noon. Pero ngayon, ako nalang ang tanging nag-iisip sa mga ala-alang iyon.

“You aren’t supposed to be here!” gumimbal sa akin ang matinis na boses na iyon kaya agad akong napaatras at bumangga ang likod ko sa pader.

Parang lilipad ang kaluluwa ko sa sobrang kaba. Masyado akong naaliw sa mga aso kaya hindi ko naramdaman ang kanilang presensya. Ngayon, wala na akong takas. Napapaligiran ako ng mga guwardiya kasama sina Ryo, Bianca at ang Mommy niya.

Isang sopistikadang babae na walang emosyong nababanaag sa kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya bigla akong nakaramdam ng pagkabalisa. Napayuko ako sa sobrang panliliit. Marahan kong tinago ang sira kong sapatos, nakalimutan ko palang pahiran ng rugby kanina.

Wala akong narinig na nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. Nahagip ng mata ko si Ryo kaya walang pagdadalawang-isip ko siyang tinawag.

“R-yo, gusto kitang makausap.” mahina kong sambit. Nanatiling nasa akin ang kanilang tingin. Wala siyang sagot. Malamig niya lang akong tiningnan habang nakapamulsa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya kaya nagpatuloy ako.

“Ma—”

“Madam, pinapatawag na po ni Sir Sancho ang anak ninyo.” putol ng gwardiya na kararating lang.

Pumihit ang mama niya sa kanyang direksyon saka nila ako dinaanan na parang hangin.

Hindi ba nila ako narinig?

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon