DEEP END

22 2 0
                                    

NILINGON ko ang paligid.

Mabilis ang aking hakbang. Kailangan ko siyang maabutan ngayon. The dim lights switched on like a domino effect that illuminates the whole lobby.

Tinungo ko ang double door, akma kong bubuksan ang pintuan nang maunahan ako ng mga guwardiyang nakabantay sa buong gusali. Magalang silang yumuko. Namumukhaan ko pa ang isa sa kanila, kiming ngiti lang ang sagot ko sa kanya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko alam kung nakikilala niya pa ba ako. Suot ko ang isang hoodie jacket at maluwag na pantalon.

Pft! Ang tagal naman. Tinatapik ko sa sahig ang suot kong sapatos habang lulan ng lift paakyat sa pad niya. I came out when it dinged.

Tahimik na ang buong palapag. It’s 10 PM. May dalawang bulto ng tao akong nakasalubong. Masyadong okupado ang isip ko para paglaanan pa sila ng pansin. Nagmamadali ang aking paa na binabaktas ang pasilyo. Kailangan kong makabalik bago magising si Bambie. Hahanapin ako ng anak ko.

Sa wakas nakarating na ako. Hindi ko alam kung may tao pa ba. Kung nakaalis na, wala akong pakialam dahil hindi naman iyon ang pinunta ko rito.

Dalawang beses kong pinindot ang buzzer ngunit walang sumasagot. Nag-aalala ako na baka pati siya ay umalis na rin. Sana pala tinawagan ko sina Loki, palagi siyang nasa bar ni Ryo, pero baka maghinala pa siya kung sa kanya ko hahanapin iyong kaibigan niya.

Akmang pipidutin ko ulit nang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang mukha ni Ryo.
His eyes widened.

Tila hindi na niya inaasahang darating pa ako. Pero biglang nawala ang gulat sa kanyang mga mata at walang gana akong tiningnan.

“I’m late!” maayos akong tumayo. Hindi pa rin siya nagsasalita. Napanguso ako at humalukipkip. Nangangawit na ang paa ko sa kakatayo rito.

“G-get in!” aniya sa mababang boses. Giniya niya ako papasok, “kumain ka na?”

“Um-hm,” sagot ko. Hinubad ko ang suot na jacket at nilagay iyon sa sofa. Tanging tank top at pantalon nalang ang suot ko.

Nilibot ko ng tingin ang paligid.

“Tea?” tanong niya habang inaayos ang mga plato. May nahulog na kutsara sa sahig sa pagmamadali niya.

“Okay!”

Umupo ako sa kanyang sofa. Wala akong nakitang ibang tao, siguro nakaalis na. May isang firetruck toy na naiwan sa mesa. Marahil sa anak niya. Napasandal ako sa headrest, ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan. Ilang araw din akong puyat.

May nahagip ang mga mata ko. Isang larawan. Ngayon ko lang ito muling nakita. Nilingon ko muna siya. Nakatikod siya sa direksyon ko at may ginagawa sa kusina, hindi niya naman siguro malalaman kung sisilipin ko. Dahan-dahan akong naglakad hanggang maabot ko ang pamilyar na larawan.

Malungkot akong napangiti.

Larawan naming dalawa. Nakatabingi pa ang pagkakalagay at nayupi ang gilid nito kaya dali kong inayos. Kuha iyon sa isang sikat na pasyalan sa Davao kung saan kami nag-fieldtrip noong college. Sinundan niya ako roon. Dalawang araw kaming magkasama at umuwi akong mag-isa dahil iniwan niya ako. Tila may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko mga ala-alang iyon.

Binalik ko ito sa at sinundan siya sa kusina. Umakto siyang abala. Alam kong nagtatampo siya dahil hindi ako nakarating sa tamang oras.

Pakiramdam ko kailangan ko siyang paliwanagan kung bakit ako nahuli. Mukhang napaka-importanteng tao ang ipapakilala niya at ganito siya, nagtatampo.

“Bambie was sick,” ani ko at niyakap siya mula sa likuran. Nanigas siya dahil sa ginawa ko. Hindi pa rin umiimik.

“That’s why I was late!” ramdam ko na malalim niya pagbuntong-hininga. Animo’y binabalanse niya pa kung totoo ba ang sinabi ko sa kanya. Lalo kong hinigpitan ang aking yakap.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon