DECISION (SPG)

54 3 0
                                    

BUMUNGAD agad sa akin ang balitang pagpupulong ng SGC sa Cabrera Corporation. Nahahati ang atensyon ko. Malaking kawalan sa amin kapag pati ang mga Cabrera ay nawala pa. Fashion week na sa makawala kaya abala ang lahat, dumagdag pa ang problemang ito.

Kinausap ko si Abby tungkol sa pinadala niyang mensahe ngunit wala daw’ng sumasagot mula sa kampo nila.

It frustrates me badly.

Kahit na ano’ng sikap kong humanap ng kliyente kung may demonyo namang walang tigil sa panggigipit sa akin, hindi talaga kami matatahimik.

Nagsisimulang mamayagpag ang Billizi sa loob ng anim na taon, malaki ang posibilidad na aangat pa kapag pinagtuunan ko ng pansin kaya nga kami umuwi.

Hindi ko akalaing ang pagkikita naming muli ang maging dahilan para malumpo agad ang kompanya ko pati na rin ang mga trabahante, marami ang mawawalan ng hanap-buhay.

Damn him! Wala talaga siyang gagawing tama.

It’s 4 PM.

Sinagot ko muna ang tawag mula kay Crizzy. Kinukumbinsi niya akong patuloy na balewalian si Ryo, na sa wari ko’y hindi magandang ideya.

I tried to ignore him before but what had happened? Lumala.

“I know what you’re feeling, Maiah! But can’t you see? He’s manipulating you,” sigaw niya sa kabilang linya.

“Alam ko. But...”

“But? W-wait, wait. Don’t tell me, pupunta ka naman? Bubukaka at pagbibigyan ang demonyong ’yan? Oh, common, Maiah, you’re better than that!”

“No, I won’t.”

I don’t think of becoming a mistress. And I’ll make sure, I will never be one.

Mayroon akong masayang pamilya. Bakit ko naman iyon sisirain? But, what if, I try. Paano kung susubukan ko. Susubukan kong ibigay sa kanya ang sarili niyang lason. Iparamdam sa kanya lahat ng pasakit na binigay niya sa akin.

“Nauubusan na ako ng baby names dito. Kaya huwag kang magkakamali!”

“Maiah!” tawag niya sa akin nang wala siyang narinig na sagot mula sa akin.

“Think of your husband. You have everything to be happy.”

Paano nga ba ang depinasyon ng pagiging masaya?

Hindi ko rin alam.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan paalis.

Pinindot ko ang numerong binigay ni Abby. Nagsisimula pa lang mag-ring at agad na may sumagot.

“Hm! Who’s this?” tumikhim ang nasa kabilang linya.

Pinaikot ko ang aking mata sa kadramahan niya.

“Huwag kang magmaang-maangan. Alam mo kung sino,” sarkastikong kong sambit.

“What can I do for you?”

“Saan ka ngayon?”

“Bachelor's pad.”

“I’ll be there within fifteen minutes.”

Sa loon ng sampung taon, muli kong binabalikan ang madilim kong nakaraan.

Wala pa ring nagbago.

Unti-unting humihina ang hakbang ko nang marating ang kanyang pad. Hindi pa man sumasayad ang kamay ko upang kumatok, bumukas na ang pintuan at mabilis akong hinila papasok.

“You came!”

Mabilis niya akong tinulak sa pader at malalim na humalik sa labi kong nababakasan pa ng matinding gulat. Nalilito akong kinakapa ang paligid. Bahagya kong tinukod ang kamay ko sa dibdib niya, animo’y nakuryente ako nang lumapat ang palad ko sa kanyang balat.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon