TELEPHONE

30 3 0
                                    

ANG PAGDAMPI ng hangin sa aking pisngi. Ang malambot na kumot. Ang mga salitang binubulong niya, lahat nang iyon gusto kong  marinig ngunit masyado nang mabigat ang mga talukap ko. Kahit anong pilit kong ibuka, tuluyan na akong ginupo ng antok at nakatulog.

The pillow beside me was warm. Umusog ako. Muling dinama ang init...wait, tinanggal ko ang pagkakayakap sa unan nang may makapa akong kakaiba.

B-bakit mabuhok?

Goodness gracious!

Tila nanigas ako sa aking kinahihigaan. Nakapulupot ang mga braso niya sa akin kaya nahihirapan akong igalaw ang katawan ko. Pati ang paghinga.

What else have we done?

Muli kong inalala ang nangyari kagabi. We watched movies. We drunk wine. Iyon lang ang naalalala ko. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili kung may kakaiba. Hindi naman masakit. Walang pangangalay. Mukhang wala naman. Matapos kong masiguradong wala akong ginawang kahindik-hindik tinanaw ko ang kanyang relong pambisig na nakalapag sa mesita.

It’s four AM.

Marahan kong hinawi ang kanyang mga braso at nilapag sa unan. Kailangan kong mag-ingat. Sana huwag na siyang magising. Maraming taxi sa labas na pwede kong sakyan pauwi kahit hindi niya ako ihahatid. Mas mabuti iyon.

Bago pa lumapat ang mga paa ko sa sahig, may mga kamay na pumulupot sa aking beywang at muli akong inihiga.

“Running away again?” he hugged me from behind.

Sinubukan kong tumayo ngunit para siyang sawa na ayaw akong bitawan.

“Umaga na. Uuwi na ako!”

“Just a minute!” hinahaplos niya ang buhok ko at muli akong hinapit, “ I miss sleep, it’s not always visiting me.”

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami bumangon. Pinasuot niya sa akin ang kanyang coat at nagbihis naman siya ng pang-itaas bago kami bumaba sa opisina niya.

Tahimik na ang paligid. Ilang tauhan nalang ang natitira at naglilinis sa buong bar.

Wala ni isa sa kanila ang nakiusyuso, tahimik lang sa kanilang ginagawa na parang walang nakikita at hindi kami nilingon. Siguro sanay na dahil babaero itong amo nila. Sobra. Kaya siguro may kwarto sa taas ng cellar, para sa mga babae at sa kasamaang-palad isa na ako doon.

I brushed it off.

Bakit ba kasi ako nakatulog?

Mahigpit ang kanyang hawak sa kamay ko kaya lakad takbo ko siyang sinusundan habang paulit-ulit kong tinataas ang suot kong boxers, mamaya, e, bababa pa sa tuhod ko. Malaking kahihiyan iyon.

Nagtago ako sa kanyang likuran nang marating namin ang lobby. Bumundol ang kaba sa aking dibdib sa kaisipang baka may mga taong makakakita sa amin na magkasama. Kumalma lang ako nang sabihin niyang malinis ang paligid bago kami lumabas.

It’s not that I am scared. Maybe I was half way there, but not fully. May mga anak ako at ayaw kong ma-disappoint sila sa ginagawa ko.

Kinapa ko ang usb drive upang ibalik sa kanya. Naipasa ko na kay Abby ang data para sa meeting nila mamayang tanghali. Nabasa ko rin ang proposal. It was well-written. Walang tsansa ang Billizi kapag kinompara ko ang dalawang papeles, talagang matatalo kami. Inaamin kong magaling talaga siya.

“When will I see you again?” ani niya. Doon ko lang nakitang nakaparada na pala kami malapit sa bahay namin.

“I don’t know. Maybe if you have something to offer!” I shrugged. Binalik ko ang coat niya at ni-check ang laman ng handbag ko, baka may nalaglag.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon