NERVE WRECK

24 4 0
                                    

“Mommy!”

Hindi pwede ito!

Paparating na ang kambal, animo’y kumpol ng mga bulak ang kanilang buhok habang nag-uunahang tumakbo papalapit sa kinaroroonan ko. Sinulyapan ko si Ryo. Nakakunot ang kanyang noo at hindi man lang kumukurap. Oh God!Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya sa mga sandaling ito.

Kailangan kong mag-isip ng paraan.

Gusto kong agawin ang atensyon niya mula sa kambal pero baka mas maging obvious pa ako kung gagawin ko iyon. What should I do now? Parang wala siyang planong umalis.

Halos napatalon ako nang bumaling ang tingin niya sa akin. I balled my fist. Pinanatili kong kalmado ang kilos ko pero hindi yata ganoon ang nakikita ng maiitim niyang mga mata na animo’y tumagos sa aking kaluluwa.

Una akong nagbawi ng tingin. Nakita ko ang paghinto ni Blake ilang metro ang layo mula sa amin. Tila kinilala niya ng mabuti ang lalaking nasa tapat ko at nang makita niya kung sino ay biglang dumilim ang mukha niya. Hinawakan niya ang palapulsuhan ni Rhivah at hinila niya ito papunta sa direksyon kung saan nakaparada ang kotse namin.

Woah! Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Goodness!Pakiramdam ko naliligo ako sa pawis.

Dalawang beses na niyang nakita ang mga bata pero sa magkasunod na pangyayaring iyon wala sa mga anak ko ang atensyon niya. Hindi katulad ngayon.

“Mom,” pumihit ako kung saan nanggaling ang boses ni Blake. Sakay na sila ng sasakyan. Nakababa ang bintana sa kanyang gilid kaya kita ko ang pagsulyap niya kay Ryo, “we’re starving. Alis na tayo!” utos niya.

Walang sabi-sabi kong tinalikuran si Ryo. Para akong nakalutang. Hindi ko alam kung paano ko narating ang sasakyan ng ganoon kabilis.

“Damn, this keys!” pabulong kong mura. Muntik ko ng makalimutan na may mga bata akong kasama.

“Relax, Mom!” ani Blake. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan upang sandali akong kumalma.

Madadaanan namin kung saan siya nakatayo, hindi pa rin siya umaalis. Nakapamulsang sinusundan ang bawat liko ng aming sasakyan. May dalawang kotse ang nasa unahan. Nagkataon pa nasa tapat namin siya nang huminto ang sinusundan naming kotse.

“Bye po!!!” muntikan akong mapasigaw nang buksan ni Bambie ang bintanang nasa tapat niya. Kumaway siya kay Ryo. Bahagya itong ngumiti at hinugot ang kanyang kamay sa bulsa upang gantihan ng pagbati si Bambie. Ensakto namang umabante na ang unahan kaya hindi ko nakita ang kasunod na nangyari.

Nag-uunahang bumaba ang mga anak ko nang marating namin ang bahay. Si Kuya Alex pala ang tumatawag sa akin kanina at nagtanong agad siya kung bakit ako nagmamadaling umalis. Hindi ko dinetalye ang nangyari, sa huling pagkakaalala ko, malapit silang dalawa ni Ryo at siya ang tagahatid-sundo tuwing magtatagpo kaming dalawa. I cringed with that thought. Tapos na iyon. Ang dapat kong problemahin ngayon ay kung paano ko itatago sa kanya ang mga anak ko.

Nanlulumo akong humiga sa kama. Para akong naubusan ng lakas hanggang tuluyan na akong ginupo ng antok at nakatulog.

*****

“Wee, talaga lang, huh?” panunuyang sambit ni Crizzy. Hinubad niya sa mannequin ang natapos kong wedding gown at sinukat niya sa harap ng salamin, “talaga lang na nasisiyahan kang walang demon-Ryong sumusunod sa’yo.” Napanguso ako nang bumungad sa akin ang malilikot niyang mga mata.

“Talagang-talaga.” sigurado kong sagot.

“Last time I check, ganyan din ang sinabi mo pero tingnan mo kung ano’ng nangyari! Pero sa akin lang ha,” nilapag niya sa mesa gown. Nakahalukipkip na lumapit sa tabi ko, “hindi ba nakakapagtaka naman!”bulaslas niya.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon